Mabilis gumaan ang pakiramdam ko matapos maamoy ang aircon ng mall. Mabilis nawala ang init ng ulo ko dahil sa lamig, gala lang pala katapat ko. Itinago ko na kaagad ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko, at nag-umpisa na maggala. Bahala na talaga sila doon, basta ako magpapakasaya ako. Tutal sabi naman nilang hindi ako kawalan, edi mas papatunayan kong hindi rin sila kawalan. Ngayon ko lang na-imagine ang mukha ni ms. Jen kanina. Gulat na gulat at parang timang, ang pangit niya. Una muna akong nagpunta sa Watson, gusto kong bumili ng make-up. May bagong endorsement na lipstick si Seila, gusto kong bumili. Hindi ko alam kung saan galing ang perang bigay ni Orwa, mukhang sweldo niya ito. "Hello madam, ano sa 'yo?" Agad akong napatingin sa babaeng matangkad. "Meroon na po ba dit

