Chapter 6

2480 Words
Walang humpay ang dating sa akin ng item, mabibilis sila kaya agad akong natatambakan. Parang hindi ako pwedeng magbanyo ngayon. Alam ko kasing walang sasalo ng trabaho ko sa oras na matambak ito ng tuluyan sa table ko. Hindi ako magkanda-ugaga sa pag-check ng mga sapatos. Sumasakit na rin ang kamay at mata ko, parang hindi nababawasan ang mga ito. Sa kalagitnaan ng pagiging abala ko ay may isang kamay ang tumulong sa akin para magtingin ng mga sapatos. Gulat akong napatingin dito, hindi siya nakatingin sa akin. Patuloy siya sa pagtulong sa pagbabawas ng tambak kong trabaho. "Sir Tyron, a-ano pong ginagawa niyo?" Pagtatakang tanong ko. Napatingin pa ako kina Mayora. Napakibit-balikat lang sila at umalis din agad. Napalunok pa ako ng laway dahil sa kaba, mukha atang nanganganib ako sa trabaho ko. Baka isipin nitong hindi ko na kaya at ang bagal ko na. "Ako na lang ba ang tatapos nito?" Napakurap pa ako ng ilang beses bago naintindihan ang gusto niyang iparating. "S-sorry," agad akong bumalik sa pag-check ng mga sapatos. Paminsan ay sumusulyap ako rito na hindi manlang nagbigay ng kahit anong emosyon sa akin. Tutok ito sa mga sapatos. Siya ang pinaka-boss sa production,, paminsan ay tumutulong talaga siya sa pag-check lalo na kapag sobrang tambak. Pero sa loob ng dalawang taon ko rito, ngayon niya lang ako tinulungan. May pagkakataon noon sobrang tambak ako, dalawang table 'yon pero walang tumulong sa akin. Pinanood lang niya ako hanggang sa natapos ko iyon mag-isa. Matapos no'n, inilipat niya ako dito sa building A: area 1, kung saan ibang klase at mga robot kung magbigay ng product ang mga operator. Dito sa area na 'to ang pagsakan ng malulupit at magagaling na empleyado sa production. "Pumunta ka bukas ha? Mag-swimsuit ka," biro nito. Mahina akong tumawa sa sinabi niya, hindi ako sanay na pinapansin ako nito. Ano kayang sapi niya? Bakit biglaan ata ang pakikipag-usap nito sa akin? May nakain ba siya? Hindi ko naman siya ginaguma. "Hindi ko lang po alam kung papayag si Orwa," saad ko. Napansin ko naman ang pagbagal nito sa pag-inspection ng sapatos. "Boyfriend mo?" tanong nito. "Opo, siya po ang bagong staff sa canteen," matapos ko itong sabihin ay wala na siyang naging imik. Maging pag-alis nito ay walang paramdaman. Noong konti na lang ang mga sapatos ay umalis na rin agad ito. May sapi nga ata siya ngayon. Bakit ganito ang mga tao rito? Bigla na lang nagbabago ng ugali, may sumasanib ba sa kanila kada minuto? "Anong sapi ng boss niyo?" Pasimpleng tanong ng pairing. "Ewan ko ba sa kaniya, nagulat nga rin ako," sambit ko rito. Nakakagulat naman talaga, ngayon lang siya tumulong sa akin. Dati tamang nood lang siya sa pag-inspection ko sa mga sapatos, tapos kanina lang himalang tumulong sa akin. Hindi naman 'yon naaawa sa akin, kailan ba 'yon nagbigay ng awa sa ibang empleyado, lalo na sa pasaway na tulad ko. Basta, alam ko may kakaiba sa kaniya ngayon. "Hoy, tingting! Jowa mo 'yon?" Halos mapatalon ako sa gulat matapos sumulpot ni Mayora at ang isa sa mga bibe. Ang bibe-g na malapad. Ibang klase ang bibig nito. Parang sinabugan ng dinamita, malamang sa kaka-chismis nito napasma ang bunganga. "Sino? Si sir Tyron, ba? Hindi ah, mukha bang jowa ko 'yon?" Taas kilay kong tanong dito. Lakas din ng tama nitong sina Mayora, ngayon niya nga lang kaming nakita ni sir Tyron na magkausap at talagang saglit pa. Ma-issue, ampota! "Hindi siya, 'yong lalaking mukhang artista na kasama mo kanina." Napangisi naman ako sa sinabi nito. Kaharot ay, tanda na nga at nalalagasan na ng ngipin, mukha pang may gusto kay Orwa. May balak din ba siyang maagaw sa akin ang mahal ko? Luh, asa ka! "Oo naman." mabilis at proud kong sagot. Sino ba namang hindi magiging proud kung si Orwa ang boyfriend. "Totoo? Weh? Paano mo nakuha 'yon? Saan ka bumili ng gayuma?" Kumunot pa ang noo ko sa tanong ni Chilay, ang bibe-g na malapad. "Mukha bang ginayuma ko siya? Maganda ako at bata, fresh na fresh." Sabay paypay ko ng kamay ko. Hindi na ganoong kabilis ang bagsakan ng sapatos ngayon. Mukhang natapos na ang kalbaryo ko, mamaya na naman ito kapag nagbigayan na sila ng bagong tatahiin. "Mukha namang wala siyang malalamas sa 'yo, kaya bakit ikaw? Parang sangkalan nga dibdib mo," pangungutya nitong feeling perfect na si Mayora. Omegash! How dare her? Nakaka-offend siya. Sangkalan talaga? Hindi naman ganoon ka-flat ah? May konting umbok naman 'to. Ang sama ng ugali nito, parang pagmumukha niya! "Hindi talaga ako makapaniwala, paano ka niya nagustuhan?" Napalumbaba pa ito at tila sinusuri ang buong pagkatao ko. Ano bang problema nila? Bakit hindi ba nakakapaniwala na jowa ko si Orwa? Maganda ako, ah. Wala nga lang dibdib. Pero hindi sangkalan. Matapos nilang laitin ang hindi kalakihan kong dibdib ay umalis silang nagtatawanan. Grabeng makalait, mas marami naman silang kapintasan. Akala mo kung sinong magaganda. Sabi nga ni Jade sa palabas na halik. "Dibdib lang ang mayroon ka, pero ako? Mula ulo hanggang paa maganda." Kaya wala silang masasabi sa akin. Duh! Bunutan ko sila ng ngipin, e. Kainis na 'yan! Tingnan mo, ngayon pa nga lang kung manglait akala mo mga kagandahan, paano pa kaya bukas? Kasama ko si Orwa, baka kung anong kahibangan nila. Baka lalo silang magalit sa akin, mga inggiterang ipis. "Bakit mga 'yon?" Napatingin ako kay ate Jai, matapos nitong biglang magtanong. "Para daw sangkalan dibdib ko," sabay nguso ko. Mahina siyang natawa, pero inalis rin ito. "Hayaan mo na, basta palagi mong tatandaan ang sinabi ko sa 'yo. Ang mga pangit na salita at panlalait ay nagmumula sa ingit. Kaya kahit anong sabihin nila sa 'yo 'wag mong patulan, kasi dalawa lang 'yan. Totoo ang sinabi nila o hindi. Kung totoo man 'wag kang magalit sa katotohanan, pero kung hindi totoo ang sinasabi sa 'yo. 'Wag ka ring magalit, dahil alam mong hindi naman totoo," mahabang sermon nito. Ang laman talaga nitong magsalita. Masaya ito ka heart to heart talk, dami mong matututunan. Kapag siguro sa inuman, marami 'tong payo na maibibigay sa buhay ko. Balik sa dating gawi, trabahong nakakangawit sa leeg at masakit sa mata. Hanggang kailan pa kaya ito? Hanggang kailan magiging robot at pagsapit ng linggo mo lang maramdaman ang pagiging tao? ***** "Grabe ang hot ng bagong staff." "Kung ako jowa niyan, ayos lang sa akin kahit pa oras-oras kaming magtuktukan." "Ang haba kamo ng mga daliri, isipin mo hanggang sukdulan abot 'yon. Ugh!" Mga ingay na ginagawa ng mga taong nakapaligid sa amin dito sa canteen. Tumingkayad pa ako para makita si Orwa na abala sa ginagawa niya. Tama lang ba ang pagpunta ko sa kaniya rito? Masyadong maraming tao ang nakakakita sa kaniya. Paano kung bigla na lang isa sa mga andito magustuhan niya? Paano kung ipagpalit na niya ako? Napasimangot ako habang nakatingin sa kaniya, nawalan tuloy ako ng gana kumain. "Betty? Bakit hindi ka pa kumakain? 'Wag mo tabihin ta akin, ayaw mo ang luto ni Orwa?" Bumaba ang tingin ko sa plato ko, itinuktok ko nang mahina ang kutsara rito. "Tama ba ginagawa ko? Si Orwa sinama ko rito?" Nanghihina kong tanong kay Sunny. "Oo naman, tingnan mo mukhang natutuwa naman tiya ta ginagawa niya. Itipin mo, kailangan ka rin niya tumungan sa magiging buhay niyo," paliwanag nito. Muli akong tumingin kay Orwa, mukha namang masaya siya sa ginagawa niya. Ang gwapo niya kasi talaga, lalo na ngayon na maaliwalas ang mukha nito dahil sa hairnet. Walang humaharang sa mukha nitong buhok, talagang tanaw na tanaw mo ang gwapo nitong mukha. Ang pormado niyang panga. "Takot lang kasi ako na, paano kung may iba siyang magustuhan?" Napatigil si Sunny, matapos marinig ang sinabi ko. "Betty, ta totoo lang. Taan ka ba takot? Mapunta ti Orwa ta iba o ang maiwan ulit mag-ita? Kati magkaiba 'yon, takot kang mawalan tiya dahil mahal mo, pero kung takot kang maiwan mag-ita, pagiging makatarili 'yan," umiiling nitong wika. Para akong binuhusan ng malamig tubig sa mga sinabi niya. Saan nga ba ako takot? Sa makuha siya ng iba o ang maiwan na namang mag-isa? Saan nga ba sa dalawang 'yan? Ayoko ba siyang mawala dahil mahal ko siya o dahil nasasanay na ako sa idea ng pag-aalaga at pag-aaruga niya? Hindi ko alam, hindi ko alam ang sagot. Matapos ang tanghalian, balik sa trabaho. Katulad ng inaasahan ko. Tambak akong muli ng trabaho, pero dahil may lakas ako ay nagawa kong matapos ito. Padaan-daan si sir Tyron kasama si Sir Sonic, na nag-a-audit sa amin. Si Sir Sonic ang may-ari nitong shoe company. Matanda na siya, sa katunayan mediyo uugod-ugod na ito. Once a month siya kung maglibot sa buong production, dahil nga sa katandaan may dalawa siyang nurse na palaging kasama. Baka kasi biglang matigok, maipamana na kaagad sa kaniyang anak. Dating gawi, sa cr kami nagkita ni Sunny para iabot ang pagkain na dala ko. Mabuti na lang talaga mahaba ang buhok ko kaya kahit itago ko pa ang biscuit hindi makikita. Mabaho ang cr ngayon pero natiis pa rin niya ito, kapag talaga sumigaw ang sikmura kahit anong amoy ng nasa paligid mababalewala. Kailangan niya kasi ito. Sa totoo lang, naaawa na nga ako sa kaniya. Kung pwede lang hati na lang kami sa ulcer niya para kapag umatake bigla, hindi ganoon kasakit. Naaawa na akong nakikita o naiiisip na kumakain siya sa mabahong cr para lang hindi sumpungin ng sakit. Kung nakikinig lang ang matataas sa hinaing ng bawat empleyado, walang ganito. Walang taong kakain sa cr para lang maibsan ang kalam ng sikmura. Mukha atang hindi kami nagugutom kaya isang break time lang ang binibigay. Mga alipin ng dayuhan sa sariling bansa. Mula sa kakarampot na sweldo, ganito na kami itrato. Kaso wala, hindi naman nakapag-aral kaya anong irereklamo namin? Mahirap kami, kailangan magpaalipin para sa konting barya. Matapos ang trabaho, nag-antay ako kay Sunny sa canteen. Ewan ko ba, pero atat na atat akong makita si Orwa. "Mahal!" Masaya kong sigaw rito. Napatigil naman siya sa pakikipag-usap sa mga babaeng nasa harap niya. "Mahal, andito ka na," masaya itong nagtungo sa kinatatayuan ko at mahigpit akong niyakap. Daig pa talaga namin ang LDR, oras lang ang pagitan pero bakit parang taon kung ma-miss ang isa't isa? Matapos niyang kumawala ng yakap ay tumingin ako sa mga babaeng naroon, ngumiti ako na kinaasar nila lalo. Duh! Mainggit lang kayo, basta sa akin lang 'to lalandi. "Bye girls," paalam ko sa kanila habang hawak si Orwa sa braso. Sorry sila, basta sa akin lang 'to. Kung gusto nila magdilig din sila ng orchid para maging tao. "Kamusta ang unang araw?" tanong ko rito habang umuupo, tumingala ako sa kaniya. Ayaw kasi niyang umupo. Dito lang daw siya sa tabi ko tatayo. Matagal-tagal pa si Sunny, magbibihis daw siya ng damit at mukhang maraming tao sa cr. "Ayos naman, masaya. Ikaw? Mukhang pagod na pagod ka," hinilot ko naman ang batok ko matapos niya itong itanong. "Oo, ang dami kong tambak kanina," grabe naman kasi 'tong araw na ito. Minsan may araw na hayahay ka dahil walang gaanong trabaho, may araw naman na halos ayaw kang painumin ng tubig dahil sa tambak. "Gusto mo bang imasahe kita?" Napaliyad ako matapos dumampi ang kamay nito sa balikat ko. Marahan akong napapikit dahil sa sarap. Sobrang relaxing ng kamay niya, pwede na bang dumapa dito ngayon? "Ayan mahal, masarap," sambit ko habang lumiliiyad-liyad pa. Ang sarap niya magmasahe, may kabigatan ang kamay pero smooth. Masahe pa lang ito sa likod, what more pa kaya kung buong p********e ko na ang imasahe nito? Susmaryosep! Ito na namang ang utak kong nahawa kay Sunny. Napadilat ako at napatingin sa mga babaeng akala mo sila rin ay minamasahe. May kagat-kagat pa ang ID, ang isa ay nakanga-nga pa. Parang timang naman 'tong mga ito. Parang gusto rin magpamasahe sa mahal kong Orwa. Pero sorry kayo, sa katawan ko lang dadampi ang mabibigat at mauugat nitong kamay, maging ang mahahaba nitong daliri. Only mine, all for Sunshine Olivarez. "Huy! Paawat naman kayo, nata company pa tayo. Baka naman pwede ta bahay niyo na ituloy?" Napatayo at napasigaw ako matapos kalampagin ni Sunny ang lamesa. "Baliw ka," kabado kong wika, habang nakahawak sa dibdib. "Sorry, ipagpatuloy na lang natin sa bahay. Mas maganda kung nasa kama ka," nanlaki ang mga mata namin ni Sunny. Ito na naman ang tingin ni Sunny, alam ko ganito mga gusto niyang usapan. "Ay wild," sabay kagat nito sa kaniyang daliri at siniko ako. "Umayos ka nga, para kang tanga!" Siko ko rin sa kaniya pabalik. Nakita ko naman ang pagtawa ni Orwa, puro na nga kahihiyan ang ginagawa ko. Dadagdagan pa niya. Baka ang mission talaga ni Orwa, ipakita sa akin na siraulo at kahiya-hiya talaga ako. "Tara na mahal, walang pasok bukas. Baka naman pwedeng pumasok?" Pilyo nitong biro at mabilis akong inakbayan. Napasubsob pa ako sa dibdib nito, at rinig ko ang pag-owww ni Sunny. "Teka, 'wag muna ngayon. Kati may team building bukat at katama ka roon," ani Sunny. Napa-ayos ako ng tayo at tumingin kay Sunny. Inayos ko pa ang pag-akbay sa akin ni Orwa bago nagsalita. "Oo nga pala, kasama ka bukas. Paniguradong ikaw ang pinakagwapo roon," sabay pisil ko sa pisngi nito. Daig pa namin ang teenager sa isang fictional story, siya 'yong sikat na gangster playboy at ako naman ang nerd. Ang cliché no? Mabuti na lang at hindi na kami teenager at hindi ako nerd. "Oh tige, kayo na ang mataya. Tana all," bitter na saad ni Sunny. Oo nga pala, wala itong jowa ngayon. "Dapat kasi sagutin mo na si Derick, edi sana jowa mo na siya ngayon," biro ko pa rito. Ang tagal-tagal na siyang nililigawan ayaw pa ba niya? Mabait naman iyon at gwapo pa. "Ihhh! Para kang tanga," maarte nitong saad at pumadyak pa habang iniipit ang manipis niyang buhok sa ilalim ng kaniyang tainga. "Basta kapag niloko ka, isasabit ko siya sa poste," pagbabanta ni Orwa. Sabay-sabay pa kaming natawa, mukhang pagdating sa palakasan ng trip magkakasundo ang dalawang ito. "Grabe ka naman, mabait 'yon. Bukat makikilala mo tiya, katama naman tiya doon," pagyayabang pa nito. Kitams, nanliligaw pa lang isasama na. Kailangan kaya sila magiging mag-jowa? Na-miss ko na noong nagbigay ito ng donut sa kaniya. Dahil umiiwas siya sa matamis ako ang umubos ng isang box. Pero sana lang maging maganda ang team building bukas. Kasama ko si Orwa, paniguradong mag-iinarte na naman si Mayora at ang tatlong bibe. Magiging bida-bida ulit sila. Ang sarap ibaon sa buhanginan, e. Si Sir Tyron, kaya? Ano kayang ganap niya bukas? Noong nakaraan kasi nasa cottage lang siya at hindi gaanong makihalubilo sa amin. Pero sana lang, maging masaya bukas. Lalo na ngayon may kasama na ako. Mukhang matutiloy at magiging totoo na ang imagination kong habulan sa puting buhanginan. Naks! Iniisip ko pa lang kinikilig na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD