"Mahal tingin mo ba maganda kung mag-bikini ako?" tanong ko kay Orwa habang tinitingnan ko sa salamin ang kulay pula kong bikini. Hindi ko pa ito nasusuot, bigay sa akin 'to ng tita ni Sunny. Galing pa sa Italy.
"Wag na 'yan, ayokong may ibang nakakakita ng katawan mo. Gusto ko ako lang." Napaatras pa ako ng bigla nitong hablutin ang bikini at inihagis sa kama.
"Mag-rash guard ka na lang." Napasimangot pa ako habang sinusundan siya ng tingin. Lumakad ito papunta sa kama at inayos muli ang mga damit namin sa barrel bag na dadalhin namin.
"Sino namang titingin na iba? Isa pa marami rin sa mga ka-team namin ang nakasuot ng bikini." Pag-iinarte kong umupo sa kama. Isinara niya muna ang bag bago ako tiningnan.
"Kahit pa. Baka mamaya may magnasa pa sa katawan mo," kumento nito at tinanggal ang tuwalya na nakapalupot sa ulo ko.
"Kung gusto mo, kapag nasa bahay mag-bikini ka na lang," natatawang saad nito habang sinusuklayan ako.
"O kahit 'wag ka na magdamit. Mas okay sa aki–"
"Mahal!" Sabay hampas ko sa kamay nito.
"Bakit?" Natatawa at parang inosente nitong tanong.
"Umalis na nga tayo, baka tayo na lang hinihintay nila." Umirap ako dito at padabog na lumabas ng kwarto.
'Wag na magdamit. Kapag ako talaga hindi na nagdamit, sinasabi ko sa 'yo. Charot, yari ako sa kaluluwa ni lola, baka tuluyan na akong multuhin.
Nag-text na ako kay Sunny, kararating pa lang din niya sa company. Doon kasi kami magkikita-kita, sagot ng company ang sasakyan namin papunta ng Five Fingers sa Bataan.
"Mahal, sigurado ka bang ayos lang na sumama ako?" Tumingala ako at ipinatong ang baba ko sa balikat niya.
"Oo naman, baka nga pagkaguluhan ka pa. Puro pa naman sila babae." Sabay kurap ko ng sunod-sunod. Napangisi naman ito at inihilamos ang kamay niya sa mukha ko.
"Hayaan mo sila, basta alam mo namang kahit ilang libong babae pa ang nakapalibot at nakikita ko araw-araw. Sa 'yo lang ang mga mata at buong attention ko." Halik nito sa noo ko. Napapikit ako at muling kumapit sa braso siya. Ano kayang iniisip ng mga tao dito sa may jeep? Mukhang bitter na bitter sila sa amin ni Orwa.
Pero aaminin ko, kinikilig talaga ako. First time ko itong maranasan, ganito pala talaga ang love. Nakakahibang, kaya naman pala may mga nababaliw dito. Ang sarap pa lang may jowa. Awittsss! Ano pa kayang mga pwede naming gawin?
Matapos ang ilang oras na byahe nakarating na kami sa Dantilia shoe company, at sa canteen kami agad nagtungo.
Sunday ngayon kaya walang pasok. Sayang nga, eh. Day off dapat ngayon, kaso naisipan pa nilang ituloy ang team building na puro pakikipag-plastikan lang naman. Mapapagod lang kami nito lalo, nakakatamad pumasok bukas.
"Betty!" Salubong ng matining na boses ni Sunny.
"Naks, sexy, ah!" Bati ko sa suot nito. Nakasuot kami ng red t-shirt lahat at may tatak na QCD na ang meaning ay 'Quality control Dantilia'. Ewan ba sa kanila, wala manlang magandang design. Sabagay, libre naman ito.
"Naman! Mamaya tingnan mo tuot ko," pagyayabang pa nito. Maganda ang katawan ni Sunny. Maliit nga lang siya, pero bawi sa kaniyang dibdib. Minsan nga nanghihingi ako kahit kaunting biyaya lang. Para naman magkaroon din ako, napasobra masyado ang sa kaniya, eh.
"Mabuti ka pa, si Orwa ayaw ako pasuotin," bulong ko pa rito, habang palakad kami papunta kina Mayora.
Gusto kong matawa pero hindi ko magawa, nakatumpok sila kasi sa isang sulok. Puro kami babae, lahat ng quality control dito puro babae. Maliban sa boss naming si sir Tyron.
"Ang gwapo naman ng kasama mo, Sunshine," pang-keme pa ni Lileth, ang bibe na bibe-gyan ka ng libreng talsik laway. Kapag nagsasalita kasi ito talagang tumatalsik ang laway. Kulang na lang magpayong ako kapag kausap siya.
"Ah... oo si Orwa, JOWA ko." Sabay ngiti ko sa kanila. Rinig ko naman ang halo-halong ingay nila. Ang iba ay nagtataka kung paano ko ito naging jowa, ang iba naman malay ko. Hindi ko sila maintindihan, para silang nasa palengke.
"Umupo ka na muna Mahal, ikaw rin Sunny." Saka ko lang ulit naalala na kasama ko pala si Orwa nang hilahin nito ang dalawang upuan at inalok sa amin ni Sunny.
Magsasalita pa sana ako, kaso bigla akong hinawakan nito sa balikat at iniupo. Natanaw ko naman si Sunny na palihim na tumatawa.
"Ikaw mahal?" tanong ko pa rito habang nakatingala. Humawak ako sa kamay niya na nakapatong pa rin sa balikat ko.
"Hindi na, sanay naman palaging nakatayo," sabay ngisi nito. Rinig ko naman ang pag-owwww ng mga kasamahan ko. Ano kayang iniisip ng mga ito?
"Ano bang palaging nakatayo?" Tanong pa ni Mayora.
"Depende sa kung anong iniisip niyo, basta kung ano mang tumatayo," pilyong sagot nito. Napahilamos pa ako sa mukha ko habang nakatukod ang siko sa lamesa.
"Ayot pala itong jowa mo, palaging nakatayo," bulong pa ni Sunny.
"Dagdag ka pa," sabay irap ko dito.
"Mamaya nata Bataan tayo, baka naman 'yang Bataan mo. Hmmppp ma-five fingert din."
"Huy! Bunganga mo kamo." Kurot ko sa tagiliran nito.
"Ang dami naman, kasya ba 'yon?" bulong ko pabalik, habang mahina ang paghagikgik.
"Uy ikaw ha, iniitip mo rin no?" Panunukso nito habang tinituro ako sa mukha.
"H-hindi no! Bakit ko naman iisipin? Umayos ka nga, para kang tanga." Sabay tulak ko rito ng mahina. Umirap ako sa patuloy niyang panunukso sa akin.
Bakit ko naman iisipin ang ganoong bagay? Duh! Five fingers talaga? Buong kamao? Eh? Ang laki kaya ng kamao ni Orwa. Susmaryosep! Five Fingers sa Bataan, lugar at pasyalan lang 'yon Sunshine. 'Wag kung anu-anong tumatakbo sa utak.
Apakamayak mo eh.
"Sino pa bang hinihintay natin?" Umikot ako para tumingin kina Mayora.
"Si boss," mabilis na sagot nito. Napatango ako at tumingin kay Orwa, nakahawak pa rin ako sa kamay niya. Malay ko sa kaniya kung bakit hindi niya inaalis ang kamay niya sa balikat ko.
"Puro ba kayo babae?" tanong pa ni Orwa, hindi ko alam kung sino ang tinatanong niya sa kanila, nakaharap na kasi ako kay Sunny.
"Isang lalaki, si sir Tyron," sagot naman ni Chilay.
"Lalaki ang boss niyo?" Napakunot pa ang noo ko sa tanong ni Orwa. Iba kasi ang tono ng pananalita niya, parang may pagdududa na ewan.
Iniisip ko tuloy kung maliligo ba ako mamaya o hindi na, depende siguro sa gusto ni Orwa. Marunong kaya siyang lumangoy? Sumisid? Eh? Sumisisid kaya 'to? Owww...aylabet!
"Huy! Bakit ka nakangiti?" Kunot noong tanong ni Sunny.
"W-wala." Iling ko rito at binawi ang ngisi sa labi. Jusme! Baka anong isipin nito, baka akalain niya kung anu-anong tumatakbo sa makasalanan kong utak.
"Ayan na si, Sir Tyron." Mabilis akong napalingon na halos mabali ang leeg ko, maliwanag ang labas kaya hindi gaanong matanaw si sir. Nakita ko lang ito ng tuluyan siyang huminto sa harapan namin.
Napanganga ako sa suot nito, ngayon ko lang siya nakita na nakaganito. Last team building namin nakapantalon siya, pero ngayon naka board short at ang team shirt namin, may nakasulbit din na duffle bag sa kanang balikat niya. Ang laki ng bag na dala niya, mukha maliligo siya ng dagat ngayon.
Ilang saglit pa ay napatingin siya sa pwesto ko, nagulat naman ako ng may biglang humarang sa harapan ko para matakpan siya.
"Mahal, magulo ata ang buhok mo." Napatingin ako kay Orwa. Ngumiti ito at inayos ang buhok ko. Sisipat pa sana ako kay sir Tyron, kaso pinipilit ni Orwa na harangan ito. Parang timang, problema kaya nito?
"Tana all, may nag-aayot ang buhok," panunukso pa ni Orwa.
"Kaya ko pa nga siyang talian ng buhok, eh. Kaso sa kama dapat," pilyong saad nito.
"Mahal!" Sabay tapik ko sa kamay nito.
"Yari, ibang p*******i ata 'yon." Habang sinasabi ito ni Sunny ay kinikiliti niya ako sa tagiliran. Salitan ko silang tiningnan ng masama, habang silang dalawa ay mukhang tuwang-tuwa sa panunukso sa akin. Jusme! Kawawa na talaga ako nito, dalawa na silang manunukso sa akin.
"Tara na raw!" Sabay-sabay pa kaming napatingin sa sumigaw.
Napapalakpak pa kami ni Sunny at talagang tuwang-tuwa. Napakapit ako sa braso ni Orwa habang ang bag na dala namin ay nakasukbit sa balikat niya. Hinahanap ko pa sa paligid si sir Tyron, pero wala na siya. Malamang nauna na siya sa bus ngayon.
"Oo nga pala, ti Derick," pagpapakilala ni Sunny.
"Orwa," mabilis na pagpapakilala ng jowa ko.
"Buti sumama ka?" tanong ko kay Derick. Alam ko kasi busy siya ngayon, may pwesto sila sa palengke at kapag Sunday tumutulong siya sa nanay niya.
"Alam mo namang hindi ko kayang tumanggi sa babaeng ito," panggigigil na pisil niya sa pisngi ni Sunny.
"Aray! Antaket kaya," pag-iinarte naman ng kaibigan ko. Natawa pa kami ni Orwa sa kanila. Arte-arte talaga nitong babae na 'to. Hindi pa kasi sagutin si Derick, gusto niya rin naman. Pakipot pa, eh.
Lahat ay tuwang-tuwa sa gagawing ito, pag-akyat pa lang sa bus halata na ang excitement. Lalo na kina Mayora, daig pang sa kanila itong buong bus. Puro bunganga nila ang maririnig mo.
Pagpasok ko napahinto ako ng makita si sir Tyron na mag-isang nakaupo sa harapan. Ngumiti ako sa kaniya, binawian niya lang ito ng manipis na ngiti matapos makita si Orwa sa likuran ko.
"Mahal, doon na lang tayo umupo," mabilis ako nitong inalis doon at itinuro sa uupuan namin.
"Sa bintana ako," pagmamadali ko pa.
"Dito na lang kayo sa harapan, Sunny at Rick," sabay turo ni Orwa.
"Wow close, Rick?" Napangiwi lang siya sa sinabi ko.
"Rick na lang daw kasi sabi niya," sagot nito habang paupo.
Umayos ako ng upo at sumandal sa dibdib niya. Umakbay naman siya at niyakap ako. Ang landi ko talaga, jusme! Tinodo ko na itong pagiging jowa ng isang taong orchid.
"Ang swerte mo naman Sunshine, sana kami rin may Orwa."
Hindi ko na binigyan ng pansin si Natalia, ang plastic nito. Feeling friends kami, parang hindi niya ako pinahiya noong trainee days ko. Nagkamali lang ako ng pasok at hindi nakita ang NG kung anu-ano na sinabi sa akin. Tapos ngayon feeling niya tropa kami? Duh!
"Oo nga pala, si ate Jai?" Umayos ako nang upo at kinalabit ang ulo ni Sunny.
"Wala. Hindi pumayag ang asawa. Alam mo naman, ayaw na ayaw no'n ng ganito," sagot nito. Bagsak ang balikat akong bumalik sa upo ko.
"Sino naman 'yon?" tanong ni Orwa, habang ibinabalik ang akbay sa akin.
"QA ko 'yon. Mabait 'yon, papakilala kita minsan." Tumango lang siya sa sinabi ko.