Lumilipas ang oras, pero bakit pakiramdam ko wala na itong katapusan? Walang katapusan ang mga iniisip ko? Bakit pakiramdam ko mas lalo akong nahihirapan na piliin kung ano nga ba talaga ang nangyayari sa akin? Ang hirap nito masyado, lalo pa at may kung ano sa pagkatao kong hindi ko pa rin maipaliwanag. Lalo na ang tungkol sa mga napag-usapan namin kanina tungkol sa nanay ko. Para bang lahat sila pinupursigi akong kausapin ang nanay kong tinalikuran na ako ng ilang beses. Nagyon ay nasa loob ako ng kusina, si Sunny kanina pang nasa loob ng kwarto namin, pagod daw siya ngayon at kanina pa rin siya inaantok. Kaunti lang ang natulog niya, habang si lola Remejos ay umuwi sa kanilang bahay, dahil naroon nga ang anak niya, kasama ang kaniyang apo. Kaya ako na rin ang nagsabi sa kaniya na maaa

