Sumapit na ang gabi, hanggang sa pati si madam Devorah ay nakauwi na, pero ang asawa niya may importante pa raw gagawin sa hospital. Iyon lang ang narinig ko galing mismo kay madam Deborah. Siyempre, iiwas na ako sa chismisan kahit na alam ko naman na ang iba sa mga sinasabi nila. Nagkukuwari na lang akong wala ako alam. Tatlong beses kong nakalimutan uminom ng gamot, hanggang sa ngayon ko lang naalala noong si madam Deborah na mismo ang nagtanong sa akin. Kaya nalaman din niyang hindi ako umino ng gamot. “Ang tigas pala talaga ng ulo mong bata ka?” Matining ang boses niya noong tinatanong niya ako nito. Kaya hindi ko alam kung matatawa ba ako o hindi. Para kasing matanda siya—este matanda naman na din siya, may katandaan na rin pala siya. Pero para siyang lola ko kung pagalitan ako.

