"Teryoto ka? Gago naman 'to, lakat mo mag-imagine. Tabi nila kapag daw ganiyan mag-itip baka may problema na ta utak," matawa-tawang saad ng bulol kong kaibigan, matapos kong ipakita sa kaniya ang picture ni Orwa.
Break time kaya naipakita ko sa kaniya ang picture ni Orwa, pati 'yong nasa likuran niya.
"Sinasabi mo bang nababaliw na ako?"
"Tiguro?" Walang alinlangan nitong sagot.
"Tiguro, tiguro ka d'yan. Baka gusto mo hilahin ko dila mo para 'di ka na bulol?" Amba ko rito. Napatakip naman siya ng kaniyang bibig at umiling.
"Basta mamaya, sa bahay ka matutulog 'di ba?" Tanong ko pa dito.
"Hindi pumayag ti tita, pero kung gutto mo ta linggo itama mo ti Orwa. Labat tayo," napatango naman ako sa sinabi niya.
Tama, tutal jowa ko naman na daw siya kaya baka naman pwede ko na maranasan ang date na sinasabi nila. May alam kaya si Orwa sa mga ganoon?
"Anong ginawa niyo kagabi? Malaki ba?"
"Huy! Bunganga mo, may mga tao dito, oh!" Hampas ko sa braso niya.
"Hindi ko pa alam, pero malaki katawan eh," dagdag ko pang natatawa. Ano ba 'yan! Kapag usapang ganitong talaga buhay na buhay, eh. Parang may magic na bumubuhay sa nakalibing kong kaharutan.
"May ruler ka ba ta bahay niyo?" tanong nito.
"Oo, bakit?"
"Para kapag buhay na buhay tukatin mo para alam natin ilang inchet," sabay hagikgik nito.
"Ang manyak mo kamo!"
Kahit kailan talaga ito ang pasimuno sa ganitong usapan. Sa lahat na lang ikokonekta sa kamanyakan niya, mga bulol talaga malilibog at m******s. Hahawaan na naman nito ang kainusentehan ko.
"Keep clean, keep green," sabay kaming natawa na may palakpak pa. Napatingin ang iilang tao na nasa paligid pero wala kaming pakialam.
Iba talaga. Kahit isa lang ang kaibigan ko masasabi ko talagang swerte ako. Sobrang totoo at talagang napapasaya niya ako. Lalo na kapag ganitong usapan.
"Batta kapag ipapawatak mo na ang bataan tiguraduhin mong walang patok kinabukatan, kati baka hindi ka makalakad," biro pa nito habang naglalakad kami papasok.
"Loko ka," natatawang saad ko. Nakakatakot ba talaga 'yon? Masakit? Hindi makakalakad? Edi grabehan naman pala 'yon. Para akong lulumpuhin kahit nakahiga lang sa kama? Ano ba 'yan! Bakit ba ganito iniisip ko. Sinasabi ko na nga ba, ang bad ko na mas'yado. Dinumihan na naman ng m******s kong best friend ba ang utak kong puro at inusente.
Balik sa trabaho, pero patuloy na umuugong sa utak ko ang sinabi ni Sunny na hindi makakalakad, kahit iwasan ko kung anu-anong kalokohan ang binubuo ng utak ko. Jusko! Baka bigla na lang akong umungol dito kaka-imagine ng katawan ni Orwa. Bad! Yari ako baka multuhin ako ni lola.
"Sunshine, pinapatawag ka. Pumunta kang HR department ngayon," halos mapatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot si mayora sa harapan ko.
"Bakit daw po?"
"Wala kang alam? Hindi ka pumasok kahapon tapos hindi ka naman nagbigay ng MC," sambit nito habang tumatalsik ang laway mula sa kaniyang basuka na bibig. Hindi kasi maharang ng mga ngipin niyang bulok-bulok na.
"Pumunta ka na, bilisan mo lang. Absent kasi nang absent." Napangiwi na lang ako sa maarte niyang pagsasalita. Kala mo ganda-ganda baho naman ng hininga.
Dahil sa sinabi at utos nitong team leader namin na akala mo siya ang nagpapasahod, ay nagtungo ako sa HR department. Makikita ko na naman si Tyron, pero sorry may Orwa na ako. Uhu! Bilis magpalit ay.
Pagpasok ko nakita ko si ms. Jen at Reina. Si Sir Tyron naman nakaupo sa isang sulok at tutok sa laptop. Sabagay, ganito naman talaga siya palagi kapag napapadaan o nagpupunta ako rito. Walang Ibang ginawa kung hindi ang magtrabaho, kaya nga hindi niya ako napapansin.
"Pinapatawag niyo raw po ako?" Para akong kinder na nagpunta sa principal's office.
"Bakit wala ka kahapon?" Masungit na tanong ni ms. Jen. Isa pa ito, akala mo naman kung sinong maganda drawing lang naman kilay–hindi pa pinantay.
"Sumama po kasi pakiramdam ko," mahinahon kong sambit. Napansin ko naman ang paghinto ni sir Tyron sa kaniyang ginagawa, pero hindi pa rin lumilingon sa kinatatayuan ko. Parang nakikinig siya sa usapan namin.
"Nasaan ang medical certificate?" Sabay lahad ni ms. Jen ng kaniyang kamay na akala mo ay nabubulok na luya.
"Hindi po ako nakakuha, mag-isa lang po kasi ako sa bahay," pagsisinungaling ko. Napa-ismid pa ito at umirap na akala mo ay ikinaganda niya. Kung wala lang 'yang drawing niyang kilay mukha na siyang kalabaw na alien.
"Kasalanan ko bang mag-isa ka lang sa bahay niyo?" Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Aba ang loko!
"Bakit, may sinabi ba akong may kasalanan ka? Po!" Madiin kong sambit sa po. Akala mo naman siya ang tagapagmana nitong kumpanya para ganiyan siya umasta. Naturingan na nasa HR department walang pakialam sa mga nasasakupan. Suntukin ko kaya ngala-ngala nito. Tagal na kong naiinis sa babaeng 'to, akala mo kung sino.
"Aba? Sumasagot ka pa?" Halata ko na sa mukha nito ang inis, nagsasalubong na kasi ang dalawa niyang drawing na kilay.
"Nagtatanong kayo, anong gusto mo? Ikaw din sasagot ng tanong mo?" Malumanay pero may laman kong bira rito. Rinig ko naman ang mahinang tawa ni ms. Reina.
"Ang tapang mo, ah. Gusto mo bang mawalan na ng trabaho?" Pagbabanta nito. Tingnan mo nga naman, siya ba boss dito? Lakas makagago nitong alien na 'to.
"May sinabi po ba si Sir Tyron? Sige po kung siya mismo mag-papaalis sa akin dito. Ngayon pa lang mismo, uuwi na ako. Ano?" Matapang kong hamon sa kaniya. Nakita ko naman ang pag-alog ng balikat ni sir Tyron sa sinabi ko.
Punong-puno na kasi ako rito kay ms. Jen, akala mo kung sino, pare-parehas lang naman kaming tauhan. Mas mataas lang siya dahil nakapag-aral siya, pero wala siyang karapatan na magmataas, hindi nga umabot ng 5'2 ang height niya. Masyadong mataas tingin sa sarili, 'di naman anak ng CEO.
"Tama siya, ako lang naman talaga ang p'wedeng magpaalis sa kaniya rito," gulat na lumingon si ms. Jen dito. Dahan-dahan na umikot ang upuan ni Sir Tyron. Shet! Bungad na naman sa akin ang gwapo nitong mukha.
"Sige na, miss?"
"Sunshine po," mabilis kong sagot.
"Ms. Sunshine, bumalik ka na sa trabaho mo," utos nito. Napatingin ako kay ms. Jen na naiinis sa sinabi ni sir Tyron. Para siyang bulkan na sasabog.
Pakiramdam ko talagang inggit sa akin ang babaeng ito, wala naman akong ginagawang masama sa kaniya pero galit sa akin. Inggit 'to sa ganda ko, palibhasa mukhang hito na inihaw.
"Thank you sir," malinamnam at matamis akong ngumiti sa kaniya. Muli siyang bumalik sa kaniyang ginagawa habang si ms. Jen ay mabibigat ang bitaw sa keyboard. Sige sirain mo keyboard mo, para parehas na sa mukha mong sira.
"Bye ms. Jen, ms. Reina," paalam ko sa kanila.
Lumakad na ako palabas, pero bago pa ako makalabas ng tuluyan ay lumingon ako kay ms. Jen na para akong si Catriona, ginalaw ko pa ang balikat ko para ipakita sa kaniyang ako ang nanalo. Inis na inis siya at halos gusto na sa akin ibato ang monitor ng computer niya.
Duh! Don't me b***h! Charot! Mabait naman ako eh. Ayoko lang talaga ng taong nagmamataas at akala mo tauhan at alipin niya ang mga taong mas mababa sa kaniya. Samantalang hindi naman siya ang nagpapasahod sa amin, hindi rin naman tagapag-mana ng kumpanya. Alipin lang din naman siya katulad namin. Mas mataas lang ng kaunti ang sahod, akala mo may pag-aari na planeta.
Balik sa trabaho at naghahabol ng quota. Naging abala na rin ako dahil sa dami ng naiwan kong trabaho, wala kasing sumalo sa trabaho ko kanina kaya ngayon halos hindi ako magkanda-ugaga para lang matapos ang pag-inspect.
"Kawawa ka naman dami niyan," napatingin ako kay Mayora at sa ulupong niyang may dalawang ngipin at bulok pa. Parang isang germs na lang ang hindi pumipirma para mabungi na, eh.
"Hayaan mo magaling naman daw siya," pang-aasar pa nitong ulupon na 'to.
"Matatapos ko rin 'to. Gusto mo upo muna kayo, kasi mukhang pagod na pagod na kayong kakasubaybay sa ginagawa ko," alok ko sa kanila ng upuan ko. "Sige na, 'wag na kayo mahiya." Nagkatinginan lang silang dalawa at inis na umalis.
Kung pwede lang talagang magsabi ng masasamang words. Sa dalawang taon ko rito hilig nilang bantayan ang ginagawa ko, mukhang natutuwa pa sila kapag nahihirapan ako. Anong klaseng mga leader 'to. Bulok mga utak parang mga ngipin nila.
"Gigil ka ba nila?" Napatingin ako kay ate Jai, siya ang QA ng line na ito.
"Hayaan mo na 'yan sila, wala kasing mga jowa 'yan," dagdag pa ni Alisha, ang pairing ng line. Sa kaniya ko ibinibigay ang mga sapatos na natapos ko ng i-check. Siya naman ang mag-aayos base sa size at color, saka ito i-check ni ate Jai, kung tama ba.
"Magkaka-jowa pa ba sila? Parang mga ngipin nila ugali at mukha nila, eh. Mga bulok," natatawa kong sambit.
Hindi lang talaga ako kaaway ng mga iyon, halos lahat dito sa area one. Dito kasi sa area namin ang may magagaling na QA at QC dahil mas maraming bagsakan ng sapatos na gagawin kaya dapat mabilis ka. Hindi katulad sa area 2 at 3 na hayahay lang sila.
Balik sa normal, nakakaantok na hapon at masakit sa batok at likod. Sumasakit na rin ang mata ko.
Dalawang taon na ako rito pero walang pagbabago sa akin. Mag-isa lang ako pero kaunti pa lang ipon ko dahil mababa lang ang sahod dito. Gusto ko na rin umalis dito pero wala pa akong alam na papasukan. Hindi naman ako nakapag-college kaya walang magandang trabaho ang mapupunta sa akin.
Natapos ang oras ng trabaho, pagod na pagod at gutom na rin. Gusto ko ng umuwi, pero magpapasa pa ako kay Sunny para bumili ng damit ni Orwa. Mabuti na lang talaga sweldo namin noong isang araw. May pera rin akong ipon kahit na papaano.
"Sa canteen, magbibihis muna ako!" sigaw kong muli. Sobrang siksikan kasi talaga dito sa locker at lahat nagmamadali para makapila kaagad sa sakayan ng bus. Kung hindi ka kasi makikiuna, baka anong oras ka na makauwi dahil sa dami ng taong nakapila.
Matapos kong magbihis ay umupo ako. Ang sakit na talaga ng likod ko, gusto ko ng ihiga ito. Magpahilot kaya ako sa day-off ko?
"Kulang pa tayo isang lalaki," napalingon ako sa usapan ng mga staff dito sa canteen.
"Lalaki ba dapat talaga? Magtatanong ako sa mga kakilala ko kung gusto ba nilang magtrabaho rito," saad pa ng isang babae.
"Sige, bukas na bukas kailangan na natin. Hindi naman natin kaya na tayo-tayo lang. Ang bibigat kaya ng mga plato," wika pa nito. Sinundan ko sila ng tingin habang palabas sila, nakita ko naman si Sunny na papasok.
"Tara na?" aya nito bago ako tumayo.
"Narinig ko usapan ng dalawang staff dito sa canteen, hiring sila. Tingin mo? Ipasok ko ba si Orwa?" Napakunot naman ang noo niya sa sinabi ko.
"Tiguro? Kati wala tiyang trabaho, alangan naman ikaw bumuhay ta kaniya," may punto siya. Kasi kung ako lang din naman gagawa lahat, edi kawawa ako?
"Kaso wala siyang NSO, PSA at ibang requirements," hindi naman kasi siya tao kaya mukhang mahihirapan ko nito.
"Edi tabihin mo, ta tutunod na lang kati kamo natunog bahay nila dati," napangiwi ako sa sinabi niya.
"Alam mo hirap na hirap na ako sa kakaisip ng paraan pati sa pag-intindi sa sinasabi mo hirap na hirap ako," napahilamos ako ng kamay ko sa mukha ko habang nakapila. Sakit sa ulo, parang pakiramdam ko pati dila ko umuurong na. Baka sa susunod parehas na kaming bulol sa letter S.
"Talaga? Edi 'wag mo na kati ako kautapin," sabay nguso nito.
"Ayu, tampo na kaagad abibi ko," napahawi siya matapos kong tusukin ang tagiliran nila.
"Tatawa na abibi," patuloy pa rin ako kahit na umiiwas siya.
"Umayot ka kati, di ka nakakatuwa," natatawa na siya pero pinipigil niya. Huli ko na kiliti nito, matampuhin na marupok.
"Bati na pala tayo, ayiii abibi."
"Ano ba kati? Ayan na, oh. Tatakay na tayo." sabay turo nito sa bus.
Ang cute talaga nito kahit na bulol, naalala ko pa noong una ko siyang nakilala akala ko Tunny ang pangalan niya ayon pala bulol siya sa letter S.
Ang galing nga, eh. Hindi ko alam na magkakasundo kami. Kasi naman unang kita ko sa kaniya ang sungit ng mata niya. Akala mo isang mali mo lang susungaban at kakagalit ka na. Masungit siya pero mabait, matapang rin ito. Palaging kaaway ni Mayora. Pumapalag 'to, hindi nagpapatalo sa kahit kanino.
Nagpunta kami ng oldstar shopping mall, pag-akyat namin sa 3rd floor sa men's section kaagad kami nagtungo. Bumili kami ng polo shirt at ilang t-shirt na babagay kay Orwa. Matapos kong mamili ng ilang damit, sa underwear kami nagtungo. Para kaming tuod na nakatayo rito. Shet! First time kong bumili ng underwear para sa lalaki. Nahihiya akong hawakan ang kahit na ano rito, mabuti na lang talaga at walang lalaki na namimili sa p'westo namin. Kaloka!
"Anong size niya?" tanong ni Sunny.
"Hindi ko alam, baka medium?" Sagot ko habang nakatitig sa mga brief na nakasabit.
"Medium? Bakit parang maliit? Baka XL? Mukbang malaki naman 'yong ano niya."
"Bunganga mo." Sabay siko ko sa kaniya. Matining ang boses nito kaya malamang naririnig ng mga malapit sa amin ang sinasabi niya.
"Dapat kasi sinukat mo para alam natin, hirap kaya manghula," sabi pa nito.
"Ganito na lang, hahanap tayo ng taong mediyo kasing katawan niya. Tingnan natin kung anong kukuhanin niyang size," bulong ko pa rito habang inililibot ang tingin sa paligid. Maya-maya pa, may mga nagdatingan na lalaki para pumili ng underwear nila.
"Ayan, siya." Sabay turo ko sa isang lalaking palapit sa pwesto namin. Umusog kami para sa space nito. Malaki ang pangangatawan nito, maging ang lakad nito ay talagang macho.
"Tingnan mo anong kukunin niya," bulong ni Sunny.
Para kaming baliw na katingin at nag-aabang ng kukunin niya. Mukha atang nakapansin ito at tumingin sa amin habang kinukuha ang XL size na brief.
"Daks ako, pero sorry kayo girls. 'Di ako kumakain ng tahong, kaloka!" Sabay alis nito. Laglag panga kaming nakatingin ni Sunny rito. Taena! Ang laki-laki ng katawan pero barbie. OMG!
Nang matauhan kami ay agad kaming nagtungo doon sa mga brief.
"Dakt daw tiya, tapot ito kinuha niya. Naku, betty! Mukhang malaki nga kay Orwa. Kawawa ka naman, watak na watak talaga 'yan." Umiiling na sambit nito. Napalunok naman ako ng laway at napahawak sa dibdib kong malakas ang kalabog. Jusme! Bakit ganito usapan namin? Sa tuwing nag-uusap kami ng ganito feeling ko talaga may mga taong nagmamasid sa paligid, tapos nalalaman ang usapan namin. Baka isipin nilang mas'yado kaming tigang. Yari! Baka talaga multuhin na ako ni lola dahil sa kaharutan kong ito.
"U-umayos ka nga, bumili na lang tayo mga 10 pcs tapos umuwi na tayo," hindi na ako namili kung anong kulay basta same sizes. Tutal nakatago naman ito. Wala namang ibang makakakita ng brief niya, maliban sa akin. Wait! Ang ibig kong sabihin, nasa iisang bahay kami, malamang kapag maglalaba siya makikita ko. Gosh! Nakakaaning naman ang sitwasyon ko.
Matapos namin mamili ay nagtungo na kami sa cashier area, may pila pa rin dito at ang bagal ng cashier. Pamali-mali pa siya, mukhang baguhan lang ata 'to. Hindi kasi naka-uniform, tanging white polo shirt lang. Hindi pa niya gamay ang trabaho niya panigurado.
"Tapatot, 'di ka nakabili."
"Hala oo nga, 'di ko alam size ng paa niya," paano ko siya mabibilhan? Kailangan pa naman niya iyon bukas. Wala naman kahit na anong panlalaking sapatos sa bahay, o kahit pa anong panlalaking gamit. Kami lang naman ni lola ang tumira roon, wala rin akong ibang kilala na kamag-anak. Malay ko kung saan ako nanggaling, parang kahit isang kamag-anak wala akong kilala.
"Tukatin mo na kasi mamayang gabi."
"Huy!" Sabay siko ko rito at lumingon pa sa mga taong nasa likod.
"Bakit? Tukatin mo 'yong paa niya. Ikaw ha, baka may iba ka pang gutto tukatin," tukso nito habang ang hintuturo niyang daliri ay nasa mukha ko nakaturo. Kainis talaga! Nahaluan na talaga ng berdeng lumot ang utak ko. Lagot na!
"Hindi no." Sabay hawi ko ng daliri niya at inilapag na ang pinamili namin.
"Magkano kaya lahat no?" bulong ko pa rito.
Nakahawak at nakatingin ako sa mga pinamili ko habang ang cashier ay huminto at tumingin sa akin.
"Bakit?" tanong ko rito. Tumingin lang siya sa akin na para akong isang babaeng taga-bili ng gamit sa jowa kong tambay. Ang judgemental ni ate. Grabe talaga, sis! Mukha na ba akong sugar mommy ateng cashier? Seryoso na ito? Masama na bang bumili ng gamit para sa iba?
Umiling lang si ate at ipinagoatuloy ang trabaho niya. Matapos ang pamimili namin ay hinatid ko na ulit sa sakayan si Sunny.
"Bukat ha? Para makilala ko rin ti Orwa," tumango lang ako at yumakap bago siya pumasok sa loob.
"Ingat," paalam ko rito.
Pila ulit sa sakayan ng jeep. Dami ko pang bitbit at ang sakit na ng batok at balikat ko. Hinahanap na ng katawan ko ang malambot na kama, gusto ko na humilata ngayon na mismo.
Dating gawi, salpak ng headset at nakikinig ng kanta ni Marlo Mortel. Kahit ilang beses ko pang ulit-ulitin ang kanta niya hindi pa rin ako nagsasawa sa boses niya. Ang ganda kasi talaga, napakagaan sa pakiramdam.
Halos isang oras na byahe pauwi, sasabak akong muli sa madilim na daan pero nagulat ako nang makita si Orwa na nakaabang sa kanto.
"Mahal," masayang salubong nito at mahigpit akong niyakap. Parang miss na miss niya ako, ilang oras lang naman sana kaming hindi nagkita akala mo naman taon na.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kaniya matapos nitong kumawala.
"Napansin ko kasing madilim ang dadaanan mo, mukhang delikado kaya hinintay na lang kita. Ako na magbitbit nito," sabay kuha nito ng mga plastic bag na dala ko.
Gosh! Totoo ba talaga ito? First time kong may sumundo sa akin at mag-alala ng ganito. Ganito pala talaga kasaya magkaroon ng jowa. Ganito siguro nararamdaman ng iba. Ngayon ko lang ito naranasan, nakakatuwa rin pala.
"Sakto kaluluto ko lang ng ulam, may binigay kasi si lola Remejos na isda. Sinigang ko para may sabaw kang mahigop," sabi pa nito habang naglalakad kami. Nakakapit ako sa braso niya at para talaga kaming mag-asawa sa ganitong gawain. Meghad! Sana wala na 'tong katapusan. Sana hanggang huli ganito kami. Sobra na ata ang hiling ko na ito, pero gusto ko talaga siyang makasama pa nang mas matagal. Ang harot ko na!
"Mahal, may hiring na trabaho sa company namin. Gusto mo bang sumama bukas?" tanong ko pa rito. Mediyo naiilang ako sa pagtawag sa kaniya ng mahal, pero mukhang masasanay rin ako. Kailangan ko lang itanim sa puso't kaluluwa ko na siya ang boyfriend ko. Naks!
"Oo ba, para makasabay na rin kitang umuwi," sagot nito habang inilalapag ang mga pinamili ko.
"Oo nga pala, binili ko lahat 'yan para sa 'yo." Natanaw ko pa ang saya sa mukha nito matapos ko itong sabihin sa kaniya.
"Salamat, Mahal." sabay lapit nito at hinalikan ako sa noo. Napapikit ako dahil sa sarap nito.
Ngayon lang ako kakaramdam ng ganito. Samantalang noon, nakakabinging katahimikan ang sasalubong sa akin kapag uwi ko. Ngayon may isang tao na ring nag-aantay at nag-aalaga sa akin. Hindi ko man gustong masanay sa ganito pero mukhang ngayon pa lang ayoko na 'tong matapos pa. Kung p'wede lang na hindi na mawala si Orwa. Hindi ko kasi alam kung hanggang kailan siya mananatili sa tabi ko, kung kailan siya aalis at kailan matatapos ang kabaliwan kong ito.
Naghain na siya ng pagkain, siya rin ang naglagay ng kanin sa plato ko. Nanguha ng tubig at nagsalin sa baso ko, nakaupo lang ako at para akong isang prinsesa na pinaglilingkuran. Ang sarap sa pakiramdam na may isang tao ring gumawa nito sa akin.
"Ang galing mong magluto, masarap." Sunod-sunod na kain ko. Ayos din pala 'to. Hindi lang sa mukha bumabawi, pati sa pagluluto. Sinong babae ang hindi papangarapin magkaroon ng ganitong jowa? Ang swerte ko na ata talaga, ako na mismo ang nilapitan ng ganitong tao.
"Hindi lang ako sa pagluluto magaling," halos mabilaukan naman ako sa sinabi niya, mabuti na lang at nakainom kaagad ako ng tubig. Gosh! Feeling ko muntikan nang lumabas ang butil ng kanin sa ilong ko.
"Ayos ka lang ba?" Pag-aalala nitong tanong.
"Ayos lang." Muli akong lumunok. Jusme! Sa sobrang usapan namin ni Sunny ng kaberdehan, ngayon para akong timang sa mga sinasabi ni Orwa. Daig ko pang siraulo kakaisip ng kung anu-anong bagay. Bakit kasi ganito utak ko? Hindi lang naman talaga siya dito magaling, dahil baka sa ibang bagay pa. Baka magaling siya kumanta? Sumayaw? Kumanta at sumayaw sa kama? Hay! Susmaryosep kang bata ka! Lola, kung nasa paligid ka man po at ginagabayan ako, 'wag niyo po akong babatukan ha? Hindi ko po sinasadya ang ganitong kaisipan. Hindi ko alam kung bakit ganito bigla ang pumapasok sa utak ko.
"Ayos ka lang ba talaga?" Natauhan lang ako ng kumaway si Orwa.
"A-aah...busog na ako, sige magbibihis lang ako. Dalahin mo na rin sa kwarto mo ang mga pinamili ko." Agad akong nagtungo sa k'warto ko. Isinara ko ito at napasandal sa pinto. Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa bilis na kabog nito. Bakit kasi kung anu-anong kalokohan umaatake sa utak ko? Pagod at antok lang siguro ito. Dapat balewalain ko ang kalokohan na ito, hindi maaaring maging makasalanan ang banal at inusenteng utak ni Sunshine.
Dali-dali akong nagbihis at pilit na iniiba ang tumatakbo sa utak, pero napatigil ako nang makita ang ruler na nasa drawer ko. Kinuha ko ito at pinagmasdan.
Ganito ang 12 inches? Susmaryosep! Sorry lola, ang batang pinalaki mo ng maayos ganito na. 'Wag mo kong mumultuhin at hambalusin ng ruler.
"Mahal..." halos mapatalon ako sa gulat ng biglang pumasok si Orwa sa kwarto ko. Suot niya ngayon ang sando na binili ko. Shet! Hapit na hapit ang galit niyang dibdib at abs. Napalunok akong muli ng laway ko. Bakit kahit wala pa siyang ginagawa, nagkakasala na kaagad ako? Bakit naman ganito?
"A-anong ginagawa mo rito?" Nanginginig na tanong ko rito. Sa kabilang k'warto siya natutulog, tutal dalawang k'warto ang mayroon sa bahay na ito. Noong nabubuhay pa si lola, doon sa k'warto ni Orwa ngayon ang k'warto niya.
"Titingnan ko lang sana kung tulog ka na."
Napalunok akong muli ng laway at halos nabibingi sa kaba ng dibdib. Bakit ba hindi mapakali 'tong lintik kong puso? Bakit ba kalabog ka nang kalabog? Inaano ka ba ha? P'wede naman sanang kumalma lang. Chill lang.
"Anong gagawin mo sa ruler?" Nabaling ang tingin ko sa ruler na hawak ko. s**t! Anong sasabihin ko? Hawak ko pa rin pala ito hanggang ngayon.
Mariin akong napapikit at napabuntong-hininga. Kalma Sunshine.
"A-ano...ano ba? Susukatin ko sana ang paa ko. Oo, tama, susukatin ko kung anong size ng paa ko." Naiilang akong ngumiti. Kumunot naman ang noo niya at lumapit lalo sa akin. Halos mahimatay ako ng tuluyan na itong nasa tapat ko, sana lang hindi niya marinig ang pagwawala ng lintik na puso na ito.
"Sukatin mo rin ang sa akin." Parang may sumagot sa utak ko ng sabihin niya ito. Buhol-buhol na ang brain cells ko, maging internal organs ko gusto ko ng isuka.
Sukatin ko raw ang kaniya? OMG! Hindi ako ready, hindi pa ako nakakakita ng Junjun. Jusko! Baka multuhin na talaga ako ni lola nito, paano kapag susukatin ko? Hahawakan ko rin ba? Mabigat kaya 'yon? Malaki? Maugat? Ghad! Sorry talaga lola, hindi na ako ang batang pinalaki mo. Mas'yado na talagang makasalanan ang utak kong ito. Kung anu-ano na ang tumatakbo. Wala na akong pag-asa pa. Kahit ibabad ko ito sa sabon, hindi na maaalis ang lumot na bumabalot sa punyeta kong utak.
"S-susukatin k-ko? Ako mismo ang susulat?" Napalunok ako ng laway at bumaba ang tingin ko sa short niya. Muli akong napalunok nang sunod-sunod at kung anu-anong imahe na ang nagpapakita sa makasalanan kong utak.
"Oo, sukatin mo rin ang paa ko."
Halos bagsakan ako ng langit at lupa matapos itong marinig mula sa kaniya. Bumagsak ang balikat ko at tumingin sa mukha nitong parang walang muwang at walang kaalam-alam sa mga iniisip ko.
Hayop ka Sunshine! Sarap mong iuntog para matauhan ka. Bakit ganiyan ka mag-isip? Paa nga naman ang pinag-uusapan niyo bakit kung anu-anong nasa utak mo? Jusme! Kakahiya ka talaga. Kaya palagi kang napapagalitan, eh. Kung andito lang multo ni lola, malamang sa malamang, hinampas na sa akin itong ruler hanggang sa mabali. Kalinisan naman ng utak, oh!