Chapter 14: Pang Mayaman

1262 Words
Hello Liza, Im Red nice meeting you,” sabi nong kaibigan niyang nagtanong saka nakipag shake hands sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya at hindi na siya sinagot marami pa sana siyang itatanong kaso hinarangan na siya ni Senyoriti dahil nag pakilala pa ang iba. Ayos lang naman sila kaya medyo naibsan ang aking kaba. Pagkatapos ng iyon ay agad na lumapit sa akin si Red. “Liza magka edad lang ata tayo diba?” sabi nito. “Parang ganun nga Ilang taon ka na ba?” tanong ko sa kanya. “Hey Red, stop asking her mas mabuti pang tulungan mo si James dalhin yung pinadeliver niyang pagkain,” sabi ni Senyorito. “Ohh pare kinausap ko lang naman si Liza, Right Liza?” ngumiti siyang bumaling sa akin. “Yes, Jacob.” Hindi na nag salita pa si Redng tingnan siya ni Jacob hindi ko alam kong anong ibig sabihin ng kanyang tingin dahil agad namang nagpa alam si Red na tutulungan niya si James at saka umalis ito. Hindi na ako kinausap pa ni Senyorito kaya minabuti kong umupo sa malayo dahil yung mga babae ay naliligo na. Kanina pa yata sila rito habang naka upo ako ay pinag masdan ko ang mga kababaehan. Naka panty at bra ang mga ito parang sanay na sanay silang mag soot ng ganun at saka magaganda rin ang mga katawan nito. Nahihiya ako dahil yung dala ko short saka spaghetti shirt lang. Wala rin akong mukhang ihaharap pang ganun ang soot hindi ko masikmura siguro dahil hindi ako sanay sa mga ganun. “Liza maligo kana,” sabi nung isa. “Mamaya na ayos lang ako rito,” sagot ko naman. “Nako ngayon na kasi ang ganda kaya para kasama ka namin rito,” sang ayon naman ng isa “Mamaya na lang kayo muna enjoy kayo.” “Ay sige na nga hindi ka muna namin pipilitin baka mapagalitan kami ni Jacob.” Hindi na ako sumagot dahil lumangoy na sila sa kabila. Hindi ko alam kong saan kukuha sila Red, James at sakau Senyorito ng pagkain. Sumunod rin kasi si Senyorito pagkatapos umalis kanina ni Red. Ewan ko kong saan iyon nagtungo. Napa isip tuloy ako baka may nobya rin si Senyorito baka papuntahin niya rito. “Ano naman kong nay nobya si Senyorito Liza,” ani na naman ng aking isip. Wala naman may sinasabi ba ako iniisip ko lang baka nga wala namang problema doon kung meron man dahil sa isang katulad niya alam kong maraming babae ang mahuhumaling kaya hindi na ikapag tataka kong sakaling may ipapakilala siyang nobya niya ngayon sa akin. Nako bakit ba kasi ako pa ang sinama rito kung sana nasa mansyon lang ako ngayon ehh nasa kwarto lang sana ako o tumulong kay Aling Maris wala pa akong masyadong iisipin. “Ayaw mo pa bang maligo?” biglang wika ni Senyorito. Lumingon ako sa kanya hindi ko namalayan na nakabalik na pala siya rito ang lalim ba naman kasi ng iniisip ko. “Pag iisipan ko muna S—ahmm Jacob,” wika ko. “Alright you can swim whenever you want saka kinuha na nila yung pagkain natin huwag kang mahiyang kumuha kung ayaw mong ako mismo ang kukuha ng para sayo.” “Opo kukuha ako Jacob.” “May tanong pala ako dapat ba naka swimsuit kung sakaling maligo?” tanong ko sa kanya. “Hindi naman ayos lang short Liza.” “Okay salamat.” Nagsasabi kaya ng totoo si Senyorito baka kasi sinabi niya lamang iyon para hindi ako ma offend dahil alam niyang short lang yung dala kong damit pangligo. Pero bakit naman siya mag sisinungaling kung bawala pala mas mabibisto siya kung sakaling maligo ako tapos iyon yung soot ko saka sisitahin ako. Siiguro mamaya na lang ako maliligo or baka nga huwag na para hindi na ako magbibihis pa. Lumipas ang ilang minuto ay nakita kong may bitbit na sila Red at James na mga supot sa kani-kanilang mga kamay kaya tumayo ako para sana tulungan sila. “Tulangan na kita Red,” sabi ko. “Huwag na Liza kaya ko na ako ma ang lakas ko kaya,” sabi pa nito. Hindi ako nag papigil na tulungan siya kahit ayaw niya magpa tulong inalalayan ko pa rin sa hanggang sa mailagay namin iyon sa lamesa. “Nako ayos naman sa akin Liza tumulong ka pa talaga.” “Alam kong mabigat kasi kaya tinulungan kita kaya ayos lang.” “Ikaw talaga, sige nga tulungan mo na lang din ako sa pag labas ng mga ito dito sa lamesa para masimulan ng makain.” “Sige ako na dito.” Inilabas nga namin iyon sa supot ang mga pagkain at inilagay sa lamesa ng magkasunod sunod. Parang tinatakam takam ako sa amoy pa lang ng ulam na binili nila parang gusto ko ng kumain. Hindi ko nga napigilan kunin ng isang kapiraso ang isang ulam na Laroca ba ang tawag nun saka ko tinikman. “Hey girls, puwede na kayong kumain if your hungry,” sabi ni Red sa kanila. “Alright, aahaon na kami maya-maya,” balik na sigaw naman ng kababaehan. Bumalik ako sa pagkakaupo sa aking puwesto habang may kinuha akong ulam para makain ko. Hinayaan naman ako ni Red dahil nag paalam ito na mag swi-swimming na raw siya kaya ako lang ang naiwan rito nag bantay na rin sa mga gamit nila. Ayos lang din naman sa akin baka kasi hindi ako maka relate sa anong pag uusapan nila doon sa pool. Magmumukmok lamang ako habang pinapakinggan sila na wala akong naiintindihan sa mga sinasabi nila. Siguro kung pinanganak lang rin ako ng mayaman mararanasan ko rin sana ang buhay nila ngayon. Hindi sana ako magtratrabaho pa dahil marami kaming pera kahit saan ako mag punta makakapunta ako. Mabibili ko ang mga gusto kong bilhin na hindi namomoblema ng pera. Masasabi kong maswerte silang bata dahil pinanganak silang mayaman ang kanilang pamilya. Hindi rin din naman ako nagsisi sa anong buhay ko ngayon pero minsan hindi ko maiwasang maiingit sa iba. Normal naman siguro iyon dahil may mga bagay na hindi ko kayang bilhin mga bagay na mahirap naming abutin hindi katulad nila na makukuha nila agad-agad. Ayaw kong sisihin ang mga magulang ko sa buhay na ibinigay nila sa amin dahil alam kong hindi rin nila iyon gusto sadyang wala lang talaga silang magagawa sapagkat hindi sa kanila naibigay ang opportunidad. Naiintindihan ko ang aking mga magulang at ayaw kong mag isip ng masama tungkol sa kanila. Alam ko sa sarili ko na ginawa rin nila lahat para ibigay sa amin ang maginhawang buhay pero sobrang hirap lang talaga ng buhay. Natigil lamang ako sa kakaisip ng marinig ang maingay nilang usapan na papalapit na rito sa aking kinaroroonan. “Mabuti naman at nandito na ang pagkain kasi Im so Hungry na,” wika sa nobyaa ni James “Hai Liza ayos ka lang dito na mag isa? Sana naligo ka rin para marami tayo,” sabi nito. “Ayos lang ayaw ko ring ewan kasi nandito mga gamit niyo baka kong anong mangyari,” paliwanag ko. “Nako ayos lang iyan wala na mang gold riyan para nakawin,” Biro pa ng isa. Napangiti na lamang ako sa kanyang sinabi ani p ng isip ko wala ngang gold pero mga gamit niyo mamahalin naman baka nga kulang pa ang pagtratrabaho ko ng ilang taon para bayaran kung magkano ang halaga ng mga bag niyo. Ayaw kong mangyari yun paano na lang ang pamilya ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD