“Ako ho isasama niyo?” ulit kong tanong sa kanya.
“Yes,” maikli namamg sagot nito sa akin.
“Sigurado ho kayo Senyorito yung ibang kasamahan ko na lang po yung isama niyo Senyorito,” alok ko pa sa kanya.
Nakita kong kumunot ang noo niya sa aking sinabi. Wala naman akong masamang sinabi ah gusto ko lang na baka gusto niya na yung iba na lang.
“Sabihin mong ayaw mo dahil kinakabahan ka,” hindi na pigilang sabi ng aking isip.
“Why would I take them, ikaw yung gusto kong isama,” final nitong sabi.
“O-okay po baka lang kasi,” pagdadahilan ko pa.
“I wait for you, you can changee your clothes puwede ka ring magdala pa ng damit kung sakaling gusto mong maligo,” sabi ni Senyorito.
May magagawa pa ba ako kong ako yung gusto niyang isama. Baka kasi ako lang ang nakita niya o nadatnan niya rito. Nag sisi tuloy ako kung bakit nagtagal ako rito hindi sana ako yung nakita niya para maisipan niyang ako ang isama. Nagmamadali na ako sa pag akyat at pagtungo sa aking kwarto ayaw kong paghintayin si Senyorito nakakahiya.
“Ehh pero ayos lang na paghintayin kayo ganun?” ani ng aking isipan.
Ganyan naman talaga trabaho namin hindi magrereklamo kahit gaano pa kabagal kumilos nila isang araw pa yan wala kaming magagawa dahil nagtratrabaho lamang kami saka sila yung nagpapasahod sa amin malamang sila yung pagsisilbihan namin.
Hindi ko alam kong ano ba dapat ang dadalhin ko bahala na basta hindi na ako magtagal basta nagdala ako ng extrang damit pati na rin tuwalya baka sakali kakailanganin kong maligo rin gaya ng sabi ni Senyorito mas mabuti na yung handa baka uuwi akong basa.
Nagsuklay ako saglit bago naisipan bumaba baka kasi naagmukha akong manananggal dahil nakabuhaghag yung bohol ko kaya minabutu ko iyong talian. Pagkababa ko ay nakita kong mapayapang naka upo si Senyorito sa sofa nila habang nakatingin sa kanyang phone. Nagtaas ito ng tingin saka ibinaba ang phone at inilagay sa bulsa nito.
“Are you Ready?” tayong tanong nito.
“Yes po Senyorito,” sagot ko naman.
“Alright, by the way it’s Jacob please!”
“Okay saka pasensya na po.”
“No problem, let’s go!”
Gusto ko mang magpaalam kay Aling Maris pero hindi na ako nag atubili dahil hindi ko na siya nakita. Tahimil lamang akong sumusunod kay Senyorito patungo sa sasakyan. Hindi ko alam kong sino ang magiging drayber ngayon dahil ang alam ko’y umalis si Senyora saka si Manor Kanor ang drayber nito. Huwag niyang sabihin soya yung magmamaneho at doon ako sasakay sa passenger seat kasi parang ayaw ko nun.
“Get in,”sabi nito.
“Ohh shitt tama nga ang hinala ko yung sasakyan niya mismo ang gagamitin niya saka si Senyorito ang magmamaneho,” ani ko sa sarili.
“Jacob sa likod na ako,” sabi ko.
“Hey, I will lool like a driver if you seat on the back,” wika naman nito.
Patay! Parang hindi maganda yata ang sinabi niya.
“No, sit her beside me,” dagdag pa nito.
“O-okkkay!” nahihiya kong pag sangayon.
Dali-dali nga akong sumakay roon malapit pa nga akong mabunggo kaya mas lalo tuloy akong kinabahan. Bakit pa kasi ako pa yung pinasama niya ang malas malas ko naman ngayon. Hindi yata ako mag eenjoy kung saan man kami pupunta dahil nahihiya ako at mas lalong kinakabahan.
“Kasama ko pala ang kaibigan ko mamaya Liza,” sabi nito bago pina andar ang sasakyan.
Tumango na lamang ako at hindi na nag atubili pang sumagot dahil mas lalo lamang akong nag sisi ng todo. Mga mayayaman siguri rin ang mga kaibigan nito nako mas lalo lamang tuloy akong naawa sa sarili. Nag isip na ako kong anong kalalagyan ko mamaya.
Tahimik lamang ako buong biyahe hindi rin naman nagsasalita si Senyorito dahil nakapokos siya sa pagmamaneho. Hanggang sa nakarating kami sa isanb beach resort na maganda. Sa view pa lang nito ay mmasasabi mong mga mayayaman lang ang pumupunta rito. Nandito na kaya ang mga kaibigan ni Senyorito. Parang hindi ako nababagay rito lalo na dahil naka pants at simpleng T-Shirt lang ang soot ko. Tumingin ako kay Senyorito para tingnan siya isa lang din namang simpleng T-Shirt saka short lang ang soot nito pero parang hindi pa rin siya simpleng tingnan. Siguro sa balat nitong pang mayaman kaya ganun. Nakakaliit minsan sa sarili maputi naman ako pero hindi ko alam parang hindi talaga ako nararapat dito.
Pinark na ng maayos ni Senyorito ang kanyang sasakyan at saka pinatay nito ang makina. Kinalas ko ang aking seatbelt para bumaba na sa kanyang sasakyan pero bago iyon nagtanong muna si Senyorito sa akin.
“Ayos ka lang?” ani nito.
“Opo ayos lang ako,” sagot ko naman sa kanya.
“Alright!, let’s go outside.”
Tumango ako bago binuksan ang pinto saka lumabas. Mas lalo ko tuloy hinangaan ang tanawin dito sobrang ganda na talaga ng nakalabas ako. Napakalinis at sadyang maganda ang mga landscape nila dito talagang na ma-maintain lage. Hindi ko tuloy maiwasan palinga linga sa paligid nakalimutan ko saglit si Senyorito. Nahiya tuloy ako saka siya tiningnan, nakatingin lang pala siya sa akin saka ngumiti ng bumaling ako sa kanya.
“Pasensya na Jacob talagang namangha lang ako sa ganda dito nakalimutan tuloy kita saglit,” ani ko.
“No, It’s okay you can wonder all you want but puntahan muna natin ang kaibigan ko nandito na raw sila.”
“Okay po!”
Nauna na siyang mag lakad sa akin sinundan ko na siya dahil siya naman ang nakakaalam kong nasaan ang mga kaibigan niya. Marami pa kaming tinahas na daan bago nakarating sa may cottage na may mga binata ring kasing edad namin siguro iti yung mga kaibigan niya.
“Pareng Jacob,” sabi nong isa.
“Pare,” bati naman ni Senyoriti saka nagyakapan sila.
Tatlo silang lalaki saka may dalawang babae sa tingin ko ay baka mga nobya nila ang mga ito. Hindi rin lang ako sigurado, ganun din ang ginawa sa dalawang kaibigan ni Senyorito. Pagkatapos nila ay saka naman sila bumaling sa akin lahat pagkatapos ipakilala ang mga babae tama nga ang aking hinala na Mga nobya nga nila ang mga babae sa dalawang kaibigan nito. Masasabi ko ring mga gwapo rin ang mga kaibigan ni Senyorito saka sa unang tingin ko rin ay mayayaman ang mga ito. Mabuti na lang at ngumiti sa akin ang mga babae akala ko hindi ehh kaya nginitian ko na lang sila bilang sukli sa ipinakita nilang ngiti.
“Ohh pare sino itong kasama mong maganda?” tanong nung kaibigan niyang walang kasamang nobya.
“Ahmmmm this is Liza kasama ko siya ipinasama ni Mommy sa bahay siya nakatira,” sagot naman ni Senyorito.
Hindi niya sinabing katulong ako sa kanila kaya tumitig ako kay Senyorito pero nakangiti lamang ito sa mga kaibigan. Akala ko kasi sasabihin niyang katulong namin ipinasama lang ni Mommy para maka alis at maka punta ako rito pero iba ang inaasahan kong isasagot nito sa mga kaibigan.