Kinabahan ako, ang lakas ng pintig ng aking puso ng nakitang nakatuwalya lang si Senyorito.
“M-aaaagandang umaga ho Senyorito,” utal-utal kong bati sa kanya.
“Good morning,” bati naman nito sa akin.
“Pasensya na’t pumasok ho ako dahil ang sabi ni Senyora ayos lang na pumasok ako kung nakabukas ang pintuan dahil maghahatid land po ako ng kape sa inyo kaya pag--,” hindi ko pa natapos ang aking sasabihin ay pinutol na ako nito.
“It’s okay no problem,” wika nito.
“Salamat ho,” sabi ko.
“Sure.”
“ Aalis na po ako.”
Pamaalam ko nito at tinalikuran ko na si Senyorito dahil yung mata ko lagi na lang sa katawan nakatingin. Tumutulo pa kasi ang tubig sa katawan nito galing sa buhok nito.
“Thank You,” pasasalamat nito.
“Walang anuman ho.” Sabi ko bago tuluyang umalis.
“Hey, Can I have a favor to ask?” sabi nito habang hinawakan ang aking bisig.
Nagulat pa ako nun kaya hindi ako agad nakasagot sa kanya hindi ako sa kanyang mukha nakatingin kundi sa kanyang kamay na nakahawak sa akin. Napansin niya siguro iyon kaya agad niyang binitawan ang aking bisig.
“Ano po iyon Senyorito?”
“I told you just call me Jacob and please huwag ka ng mag po at ho sa akin kung maari, alright?”
Tumatango tango na lamang ako sa kanyang sinabi kahit wala akong maintindihan para maka alis na ako sa kanyang harapan ayaw kong magkaharap kami ng matagal. Lalo tuloy ako naka isip ng hindi magaganda tungkol sa pakikitungo niya sa akin.
“Puwede na po ba akong umalis?” tanong ko sa kanya.
“Yeah, You can go,” sagot naman nito.
Ngumiti ako sa kanya bago siya tinalikuran para bumaba na sa kusina. Kahit na malayo na ako sa kwarto ni Senyorito hindi pa rin nawala ang aking kaba hindi ko alam kong isinirado na ba ni Senyorito ang pintuan sa kanyang kwarto.
Huminto na muna ako bago dumiretso sa kusina parang nasasakal ako kanina sa paglapat ng kamay ni Senyorito sa aking balat kanina.
“Oh Liza nandoon ba sila Senyora at Senyorito sa kanilang kwarto?” Agad na tanong sa akin ni Aling Maris.
“Opo naabutan ko sila Aling Maris,” malumanay ko pa ring sabi ni Aling Maris.
“Ohh siya mabuti naman kung ganun Liza.”
“Tapos na po kayong magluto?”
“Oo Iha tapos na ihahanda na lamang ang lamesa nila para makakain na,” sabi ni Aling Maris.
“Okay po ako na po ang maghahanda sa lamesa Aling Maris.”
“Sure ka Liza, ayos lang naman sa akin kung yung ibang kasamahan mo na ang maghahanda.”
“Ayos lang po Aling Maris ako na po may ibang gagawin naman po sila kaya ayos lang.”
“Sigurado ka iha?”
“Oo naman po Aling Maris walang problem po.”
“Ohh siya sige Iha kung yan ang gusto mo.”
Kaya minadali ko sa paghanda ang lamesa nila Senyora naglagay ako ng bagong food mat, pinggan, kutsara, tinidor saka malamig na tubig at baso nila. Silang dalawa lang kasi ang kakain kaya hindi mahirap ang ipaghanda sila. Bumalik ako sa kinaroroonan ni Aling Maris para magsabi na tapos ko ng ihanda lahat.
“Aling Maris tapos na po nalahanda na po lahat doon,” wika ko ni Aling Maris.
“Mabuti naman iha, salamat tulungan mo na lang ako na ihatid tong kanin ako an sa ulam magdal.”
“Sige po Aling Maris.”
Sakto namang paglagay namin ni Aling Maris sa Ulam at Kanin ay bumaba sila.
“Magandang umaga Senyora at Senyorito,” bati ni Aling Maris sa kanila.
“Good morning Manang,” unang bati naman ni Senyorito.
“Magandang umaga din Manang,” bati na rin ni Senyora Nora.
“Kumain na po kayo,” alok naman ni Aling Maris sa kanila.
“Opo,” ani Jacob.
“Kayo kumain na rin kayo Aling Maris, Iha kumain na kayo hah,” wika ni Senyora.
“Opo Senyora,” sabay naming sagot ni Aling Maris.
Hindi ko alam pero may kutob akong minamasdan ako ni Jacob pero binalewala ko lamang iyon. Tinalikuran na namin sila para makakain na rin ng umagahan. Nakahanda na din pala ang pagkain namin sa lamesa hinanda na ng kasamahan namin.
“Kain na tayo hinanda na namin dahil alam naming inaasikaso niyo po sila,” ani nitong kasamahan namin.
“Mabuti naman oh siya sige halina’t magsikain na tayo.”
Kumain na nga kaming lahat ng sabay sabay yung ulam lang namin ay may tuyo, itlog saka Hotdog. Mga paborito kong ulam kaya ang dami kong kanin na kinuha dahil gustong gusto ko ang ulam namin ngayon. Nakakdami rin ako ng kanin kapag may tuyo na isda nakakagana kasi iyon ng kain kaya mapapadami talaga ang kanin na makukuha mo. Habang ang iba ay busy sa pakikipag usap ako naman ay busy sa pagkain hindi na nga ako nagsasalita pa dahil nakapokos ako sa aking pinggan.
“Ang dami nating nakain ngayon ahh,” birong sabi sa aking kasamahan.
Minsan hindi ko rin gusto ito ehh kasi napaka alamera sa kahit anong bagay kahit konting galaw mo mapapansin niya. Para bang walang respeto sa kapwa dahil kung anong nasa isip ay sasabin talaga nakakainis minsan. Mabait naman kaso yun nga pakialamera yun lang naman ang hindi ko nagustuhan sa kanya.
“Gusto ko kasi ang ulam,” ikling sagot ko na lamang.
Ngumiti lamang din ito sa akin at hindi na dinugtungan pa ang usapan. Pinag patuloy ko lang ang pag kain at hindi na siya pinansin baka mainis lang ako at masira pa ang buong araw ko. Hindi na lang kasi magmasid ng tahimik. Inubos ko lang ang kanin na maliit na naiwan ko sa pinggan bago tumayo para manghugas ng pinggan. Nagka kamay kasi ako sa tuyo kaya ay dumi ang aking kamay. Ako pa nga yung nahuling kumain sa kanila kaya paghugas ko ng pinggan ay ako na lang mag isa. Pagkatalikod ko ay sakto namang pagpasok ni Senyorito.
“Bakit nandito na naman ito?” tanong ng aking isip.
“Hai, puwede bang isama kita sa pagligo ng dagat? Agad nitong tanong.
“Huh? Ahmmmm ano pong ibig niyong sabihin?” pagkaklaro ko sa kanya.
“Gusto sana kitang isama sa pagligo ng beach kasi hindi papayag si Mommy kung wala akong kasama,” mahinahon na sabi nito.
Nagulat ako sa kanyang sinabe kasi ako talaga ang inaanyayahan niya na sumama. Nahihiya rin ako dahil katatapos ko lang kumain ng umagahan hindi pa ako nakasipilyo tapos ang sobra niyang lapit sa akin.