“Ganun po ba talaga sila ka aga mamalengke sila Manong Kanor at Aling Maris Manong?” usisa ko pa.
“Noong nakaraang linggo lang iyan iha nagsimula.”
“Bakit daw ho Manong?” takang tanong ko kay Manong.
“Siguro bilin ni Senyora Iha dahil minsan kasi maagang gumigising ang anak niya kaya siguro gusto ni Senyora na maaga ring mamalengke sila Maris,” pagpa paliwanag pa ni Manong sa akin.
“Ahh ganun po ba Manong, oo nga po nakikita ko nga po na maagang gumigising si senyorito para po mag jogging.”
“Oo iha simula ng dumating iyan ganya na lagi ginagawa sa umaga iha.”
“Kaya pala maganda ang pangangatawan nito Manong kahit ang bata pa nito.”
“Oo iha ganyan talaga pag mayaman hindi ko naman sinabing lahat pero karamihan sa kanila iha kasi nga hindi na sila momoblema sa pagbili ng bigas at ulam dahil marami silang pera iha kaya may mgaa oras sila sa pagpaganda ng kanilang katawan iha,” may puntong sabi ni Manong.
“Tama ka nga riyan Manong kasi pag tayo ay wala tayong makain kung uunahin natin ang pag paganda ng ating katawan kakalam ang ating mga sikmura kulang pa nga ang pagtratrabaho natin para mabili natin lahat nating kailangan Manong minsan nga kinukulang pa at manghihiram pa tayo ng pera para magkasya.”
“Oo iha kulang pa pang bayad ng hiniram natin ang pagtratrabaho natin araw-araw minsan nakaka walang gana minsan lalo ng wala ka talagang makukuha sa perang pinag trabahoan mo iha nakakapagod isipin pero wala na tayong magagawa.”
“Oo nga Manong wala tayong magagawa kundi ang magtiis na lamang sapagkat mahirap lamang tayo.”
“Hahay oo iha kaya sige lang ang importante masaya ang ating pamilya at malayo sa sakit iha.”
“Oo nga Manong.”
“Iha maiwan na kita rito kasi may iba pa akong gagawin na inutos ni Senyora iha.”
“Sige ho walang problema Manong tatapusin ko lang po ito at papasok na ako sa loob pagkatapos.”
“Oh siya sige iha.”
Umalis na nga si Manong at iniwan niya ako dito pinagpatuloy ko naman ang aking ginaggawa naaliw ako kakausap ni Manong kanina pa sana ako natapos sa pagdidilig ng halaman. Ang ganda ng sinag ng araw hindi pa masakit sa balat kaya mabuti na rin iyon na natagalan ako rito. Inayos at niligpit ko muna ang hose na aking ginamit baka mapagalitana ako nila Manong kong iiwan ko lamg dito rito na hindi nakaligpit.
Tumahak na ako papasok ng mansyon at dumiretso sa kusina para tumulong na rin sa mga gawain.
“Ayy oo hihintayin pa pala namin si Aling Maris para tuloy-tuloy na ang gagawin mamaya.”
Wala pa yung mga kasamahan namin hindi pa siguro sila gumising baka napagod sila kahapon sa kanilang ginagawa. Mamaya pa rin naman yun dadating sila Aling Maris at Manong Kanor kaya napag desisyonan kong maaligo na muna saglit at bababa na lang pagkatapos.
Pagkababa ko ay sakto namang pagdating ni Aling Maris kaya tinulungan ko siyang bitbitin ang ibang pinamili niya.
“Aling Maris ako na po ang bumitbit sa iba,” ani ko.
“Mas mabuti pa nga Liza dahil nahihirapan ako at medyo mabigat din ang iba rito,” sagot nito.
“Sige ho Aling Maris.”
Kinuha ko nga ang ibang bitbit niya at ako na ang nagbitbit nito. Dumiretso na ako sa kusina para ilagay ang mga iyon sa lamesa. Sumunod naman sa akin si Aling Maris.
“Heto lang ba ang mga pinamili niyo Aling Maris?” tanong ko sa kanya.
“Mayroon pa sa sasakyan iha pero bibitbitin naman iyon ng Manong Kanor mo kaya huwag ka ng mag abala pa iha.”
“Okay po Aling Maris, ano na po ba ang gagawin kasi tutulong ako sa inyo?”
“Puwede bang makisuyo iha buksan mo ang lahat ng nasa supot para malagay natin sa mga lalagyan ang lahat bago ako mag isip kung anong luluting ulam para kina Senyora at Senyorito.”
“Opo Aling Maris,” sagot ko.
Ginawa ko nga ang utos ni Aling Maris inisa-isa ko ang mga supot at inilabas iyon. Nagawa ko na lahat habang si Aling Maris ay busy sa pagsasaing ng kanin.
“Iha puwede bang magtimpla ka ng kape para kay Senyora at kay Senyorito at ihatid mo sa kani-lanilang kwarto iha ,” utos nito sa akin.
“Opo Aling Maris ayos lang po ako ng bahala,” wika ko.
Heto na naman tayo gusto ko sanang tumanggi sa utos ni Aling Maris kaso nahihiya ako alam kong busy siya sa kanyang ginagawa. Mahiya naman akong tumanggi dahil lamang ayaw kong makaharap si Senyorito Jacob.
Nagtimpla na nga ako ng kani-kanilang gusto alam ko na kasi iyin dahil ako lagi ang nauutusan sa pagtimpla. Pagkatapos kong gawin iyon ay inilagay ko iyon sa Tray para maisa ko lang sa pagbuhat uunahin ko na lang sa pagkatok ang kwarto ni Senyora at huli kay Senyorito.
Lumakad na ako paitaas at unang tinahak ang kwarto patungo kay Senyora. Kumatok na ako ng isang beses.
“Senyora Nora nandito na po yung kape niyo,” sabi ko nito.
Naghintay ako pagbuksan ni Senyora hindi na ako ulit kumatok pa sa pintuan nito. Bumukas ito kalaunan at nakita kong bagong ligo si Senyora at nakabihis ito pero may tuwalya pa sa mismong buhok nito.
“Magandang umaga Senyora,” bati ko sa kanya.
“Magandang umaga rin Liza,” balik bati naman nito sa akin.
“Ngayon pa lang kita nakita ulit Liza,” ani pa nito.
“Oo nga Senyora ngayon lang din kita nakita ulit po,” sagot ko naman sa kanya.
“Heto nga ho pala ang kape niyo Senyora.”
“Pakilagay sa maliit na lamesa Liza,” wika nito.
“Opo Senyora.”
“Kay Jacob ba ang isang yan?” turo nito sa basong dala dala ko pa.
“Opo Senyora.”
“Oo nandoon nga ito sa kanyang Kwarto Liza naliligo goro kung sakaling hindi ka pag buksan nito ay hintayin mo na lang Liza pero pagbukas ang pintuan puwede kang pumasok para ilagay ang kape niya sa may lamesa.”
“Masusunod po Senyora.”
“Aalis na po ako,” paalam ko naman sa kanya.
“Sige Liza, salamat.”
Tumango at ngumiti ako sa kanya bago umalis para pumunta naman sa kwarto ni Senyorito.
Kumatok na muna ako at naghintay na pagbuksan. Ilang minuto ang lumipas at hindi pa rin bumukas ang pintuan. Kaya naisipan kong pihitin ang door handle nito at bukas naman pala ito. Nagdadalawang isip ako kung papasok ba ako o hindi baka kasi magalit ang anak nito. Pero sabi naman ni Senyora na ilalagay ko lang ang kape nito kaya pumasok na ako ng lubusan. Naglakad ako ng mabilis para mailagay ang kape sa lamesa nito. Pagkatalikod ko para sana lumabas ay siya namang pagbukas ng pintuan sa Cr nito kaya napalingon ako.