Chapter1
"Welcome back, Destiny!"
Napangiti ako noong makita ang pinsan ko habang kumakaway sa akin.
Mabilis akong naglakad patungo sa kanya habang hila-hila ang maletang
dala. Tinanggal ko ang suot na salamin at mabilis na niyakap ito.
"Andrea!" I exclaimed. "I missed you!"
"Hala! Ang clingy naman!" ani Andrea at hinigpitan ang yaka sa akin. "I
missed you too, my beautiful cousin!"
Natawa ako at humiwalay na sa kanya. Pinagmasdan ko ito nang mabuti
at inilingan.
It's been what? Six years? Ang tagal ko ng hindi nakikita itong si Andrea
and I must admit, she really changed a lot!
"Destiny..."
"Andrea, stop calling that name," natatawa kong sita sa pinsan. "Wala
nang tumatawag sa akin sa pangalan na iyan! It's Amari."
"Your name is Destiny Amari, dear! At mas magandang pakinggan ang
pangalang Destiny!" anito at kinuha na sa kamay ko ang hawak-hawak na
maleta. "Come on, Destiny! They're waiting! Excited na ako!"
Hindi na ako nakaangal pa. Napailing na lamang ako at sumunod kay
Andrea.
Tahimik akong naglalakad sa tabi ng pinsan ko. Panay naman ang hugot
ko nang malalim na hininga habang inaayos ang pagkakalagay ng bag sa
balikat. Mayamaya lang ay narating na namin ang sasakyan ni Andrea.
Mabilis kaming dinaluhan ng driver nito at kinuha ang maleta ko.
"Destiny, nga pala, dadaan pala muna tayo sa mall. May pinapabili si Tita
Yve. If you're tired, you can stay inside the car. Ako na ang lalabas," wika ni
Andrea. Napatango ako dito at ngumiti.
"I'll go with you, Andrea. Baka mainip lang ako sa loob ng sasakyan."
Mabilis ang naging biyhae namin. Minuto lang ay nasa loob na kami ng
mall malapit sa airport. Agad na tinungo namin ni Andrea ang botique na
tinutukoy ni Tita Yve at mabilis na kinausap ang isang staff na naroon.
"Para saan iyang mga dress na iyan, Andrea?" tanong ko dito noong
mapansing limang dress ang inilabas ng staff at ipinakita sa amin. Looks
like Tita Yve already paid for the dresses at narito lang kami ni Andrea
para ipick-up ito.
"Oh. ito ba? Well, pupunta tayo sa Zambales sa susunod na araw, Destiny!
Isa dito ay para sa'yo!" Nakangiting sagot nito at kinuha na ang paper
bags na naglalaman ng mga damit.
"Zambales? Anong mayroon doon?" takang tanong ko dito. Wala sa plano
ko ang umalis ng bahay ngayong linggo. Gusto kong magpahinga at
makasama si daddy. Susunod din naman sila
mommy galing New York. Three days from now, sila naman ang
susunduin ko sa airport.
"Cousin, hindi ka ba nagbabasa sa group chat natin? It's Nempha's beach
wedding!" anito at inilapit ang mukha sa akin. "Don't tell me nakalimutan
mo? My God, Destiny! Mapapagalitan ka na naman ni Nempha sa
ginagawa mo!"
Natawa ako dito! Yes! Nakalimutan ko ang tungkol
dito! I don't even remember a thing about it! Kung hindi lang ito
nabanggit ni Andrea sa akin ngayon, malamang ay magmumukmok lang
ako sa bahay hanggang sa makauwi sila mommy dito!
Mabilis ang naging biyahe namin pauwi sa bahay namin. Sa labas pa lang
kita ko na ang iilang sasakyang nakaparada doon. Looks like the whole
Asuncion Clan is here!
"Nandito ba silang lahat?" Hindi mawala ang ngiti sa labi ko habang unti-
unting bumagal ang sasakyan namin.
"lyong mga kamag-anak lang natin na narito sa Metro Manila. Ang iba ay
sa kasal na lang daw ni Nempha sila maniningil sa'yo," anito sabay ngisi
sa akin. Napangiwi ako. "Come on! Kanina pa yata sila naghihintay!"
Bumaba na kami ng sasakyan at mabilis na pumasok sa bahay namin.
Mga nakangiting kamag-anak ang bumungad sa alkin. Mabilis silang
lumapit sa akin at niyakap ako.
"Destiny!"
"Welcome home, Ate Destiny!"
Hindi ko napigilan ang maluha ko dahil sa mga yakap nila. For six years in
the states, tanging si mommy lang ang nakakasalamuha ko. Hindi ko sila
pinayagang bisitahin ako doon. I was busy healing my wounds andI
forgot about my own family here in the Philippines.
"Amari, anak."
Natigilan ako noong marinig ang boses ni daddy. Agad ko itong binalingan
at halos manghina ako noong makita itong prenteng nakaupo sa
wheelchair niya.
"Dad," mahinang sambit ko at dahan-dahang naglakad palapit sa kanya.
"Oh God! Daddy!" I cried inside his chest. Para akong batang yumakap at
umiyak sa bisig ng aking ama.
Six years, Amari. Six years and now I'm paying the years I've lost because
of my own mistakes. Ito ang nawala sa akin dahil sa pagkawala ko sa
sarili. Daddy was a strong and healthy man before I left the country but
look at him now. He's sick and he needs a daughter to take care of him!
"Stop crying, Amari," rinig kong sambit ni daddy habang hinahaplos ang
buhok. "yYou're finally home, darling. Thank you."
Home.
Yes! This is the home I've been longing for. At ito rin ang pamilyang iniwan
ko noon para maayos ko ang buhay na nasira ko.
"Hindi ka na aalis ulit. Hindi ba, Amari?" Marahang tanong ni daddy na
siyang ikinatango ko.
"Yes, daddy. I won't leave again."
Six years was enough to rebuilt myself. Six years was enough to gain
"Destiny Amari! You looked beautiful!" Napangiti ako noong salubungin
ako ni Nempha noong pumasok ako sa kwarto niya. Today is her beach
wedding day! Nasa Zambales na ngayon ang buong angkan ng Asuncion
para sa pagdiriwang na ito! Well, maliban kay mommy na sa makalawa pa
ang dating galing New York.
"Nempha, congratulations!" sambit ko at niyakap ang pinsan.
"My God, Destiny! Lalo kang gumanda! Looks like magkakagulo na naman
ang mga lalaki dahil sa'yo!" Natatawang komento ni Nempha na siya
sinuway agad ni Andrea.
"'Stop it, Nemphs! Huwag mong isumpa ang ganda ng pinsan natin! Ayaw
kong maranasan na naman ang nangyari noon!"
"What?" Tawa nang tawa pa rin si Nempha. "Destiny Amari becomes a
goddess herself! Six years in states really blooms her well!"
"Thank you, Nempha," pasasalamat ko sa papuri niya. "But, I'm still me.
Medyo lumaki lang ito," natatawa ko na ring komento at hinawakan ang
gilid ng dibdib ko.
Sabay na tumawa nang malakas ang dalawang pinsan ko. Mabilis akong
niyakap muli ni Nempha at natigilan noong may ibinulong ito sa akin.
"Ihope your wounds are already healed, Destiny. I don't want a scene on
my wedding day," anito at humiwalay na akin. Taka ko itong tiningnan
ngunit ngumiti lang ito sa akin. Magtatanong na sana ako sa kanya ngunit
hinila na ako ni Andrea palabas ng silid. Kailangan na raw naming
maghanda at magsisimula na ang kasal.
Hindi na ako nakapagsalita pa at sumama na lamang kay Andrea.
"Andrea," tawag pansin ko sa pinsan ko. Dere-deretso lang ang lakad
namin hanggang sa marating naming dalawa ang dalampasigan kong
saan gaganapin ang kasal ni Nempha. "Sino nga ang groom ni Nempha?"
I felt so stupid right now. Hindi ko matandaan kung sino ang papakasalan
ng pinsan ko. Hindi ko alam kung sinabi ba nila ito sa akin noon. I just
can't remember who the hell is the guy she's marrying!
"Really, Destiny? Ano bang pinaggagagawa mo sa New York at naging
makakalimutan ka yata?" puna nito na naupo na kami sa upuan namin.
Binalingan ko si Andrea at napangiwi noong makitang inirapan niya ako.
"There," aniya at may itinuro sa gawing kanan namin, opposite sa
kinauupuan naming dalawa.
Natigilan ako noong makakita ng mga pamilyar na mga mukha. It's a
group of men. Limang lalaki ang naroon at isa na roon marahil ang groom
ni Nempha.
"She's marrying Aleph" ani Andrea na siyang ikinalamig ng buong
katawan ko. "And those men, oh, come on, Destiny. Alam kong kilala mo
silang lahat."
"Paanong..."
Hindi ko natapos ang dapat sasabihin ko noong bumaling sa gawi namin
ang isa sa mga lalaking naroon.
Tila biglang sinaksak ang dibdib ko dahil sa biglang sakit na naramdaman
ko. It was like I'm being stab again for the nth times. f**k! What the hell is
happening?
Napaayos ako nang pagkakaupo at tiningnan na lamang ang altar sa
harapan namin. Napabuntong-hininga na lamang ako at kinalma ang
sarili.
Damn it!
In just a single glance, lahat ng ginawa ko noong nakaraang anim na taon
ay tila nawalan nang saysay. And in just a heartbeat, all the pain from my
past haunt me again.
"You'll be fine, right, Destiny Amari?" Natigilan ako noong magsalitang
muli ni Andrea. "You're stronger now. You can win this time."
Napangiti ako sa narinig sa pinsan. I hope so, Andrea. I hope so.
Dahil alam ko sa sarili ko, hindi na ako muling magpapatalo. I will fight for
myself and will fight without holding back now.