"Kailan ka pa natutong magsinungaling, Amari?"
Napayuko ako noong magsalitang muli si daddy. Hindi na rin ako
nagsalita pa. I already said my part here.
"Amari! Are you even listening?" galit na sigaw nito sa akin.
"Dennis! Your voice! Huwag mo nang sigawan si Amari!" It was my
mother. Lumapit ito sa akin at naupo sa tabi ko. "It's okay, baby. We're not
mad at you. Nag-alala lang kami. Your cousins told us na nauna kang
umuwi sa kanila. Akala nila ay narito kana kaya naman ay hindi na sila
nag-abala pang pumunta dito kanina."
"Now, tell us the truth, Amari. Saan ka pa nagpunta after noong event na
pinuntahan ninyo ng mga pinsan mo?" tanong ulit ni daddy.
Hindi ulit ako umimik.
Para saan pa ang pagpapaliwanag ko? Daddy will never listen to me. Oo,
hindi na niya ako papagalitan pero may magbabago pa ba? He still hates
me!
Tahimik akong nahiga sa kama ko. Napapikit ako at dinama ang lamig ng
kwarto ko.
"Why are you crying?"
Mabilis akong napapunas ng luha noong may narinig akong nagsalita.
Nasa dalampasigan ako ngayon. Mag-isa.
"Wala kang pakialam," malamig na turan ko at isinubsob ang mukha sa
mga palad ko.
"Ang sungit naman," anito at bahagyang tumawa.
Natigilan ako sa sinabi niya. Ako? Masungit? Oh my! I was never masungit!
"I'm Von Sirius Henderson. My family owns this place," sambit nito.
He's a Henderson? Lucky him.
"Hey, are you listening?"
"No!"
Narinig kong tumawa ulit ito sa tabi ko.
"Destiny Amari, right?"
Napatingala ako sa kanya noong banggitin niya ang pangalan ko.
Bumaling ako sa kanya at natigilan noong mataman itong nakatingin sa
akin.
"Nice meeting you, Destiny Amar
"You what? Destiny naman! Dapat kasi hinintay mo na kami!" Nag-
aalalang wika ni Andrea at naupo sa tabi ko.
Nasa bahay ngayon si Andrea at Nempha! At dahil nga sa ginawa namin
kahapon, grounded ako ngayon.
"Natagalan ako sa pag-aabang ng taxi kaya late na rin akong nakauwi,"
wika ko at ininom ang juice na inihanda ng kasambahay namin kanina.
"Jesus, Destiny! Delikado ang ginawa mo!" pangangaral ni Nempha sa
akin kaya naman ay natawa ako dito.
"I'm fine, okay."
"Destiny!"
"Next time kasi, huwag niyo na akong isama sa dates niyo," sambit ko na
siyang ikinatigil ng dalawa. "I'm not against it, okay. Just, don't drag me
into it! Alam niyo namang hindi ko gusto ang ganyan."
"'m so sorry, Destiny," ani Andrea at niyakap ako sa bewang. "It will
become suspicious kasi if kami lang ni Nempha ang aalis! Our parents
knows how close we are. Magtataka sila kung aalis kami na hindi ka
kasama."
"l get it, okay. But please, next time, kung mga lalaki ang kasama natin,
sabihan niyo ako."
"You really hate men, huh?" ani Nempha na siyang ikinatigil ko.
Hate? No! Of course not! Hindi lang talaga ako kumportable sa kanila.
Mabilis na lumipas ang araw. Hindi na naulit ang ginawa nila Andrea at
Nempha. They're afraid na maulit ang nangyari. Ayaw na nilang pagalitan
ako at magrounded ulit.
Tahimik akong naglalakad sa corridor ng school namin. My cousins are
busy with their final papers samantalang ako ay natapos ko na ito noong
isang araw pa kaya naman ay uuwi ako nang maaga ngayon. Wala rin
naman akong gagawin dito sa school kaya mas mabuti pang umuwi na
lang.
"Hello, Kuya Nate? Palabas na po ako ng campus," ani ko habang kausap
ang driver namin. Matapos ong sabihin sa kanya na sa may gate na niya
ako hintayin, pinatay ko na ang tawag at itinagong muli ang telepono.
Ilang hakbang na lamang ang layo ko sa main gate ng school namin
noong may namataan akong kumpulan sa labas. Napataas ang isang kilay
ko noong pamansin halos mga babae ang naroon.
What? May celebrity bang bumisita na naman dito sa school? Sa
pagkakatanda ko kasi, isang sikat na banda ang nag-guest noong
nakaraan event dito at ganito ang nangyari noon. Kumpulan at tilian ng
iilan.
Napangiwi ako noong makarinig ng isang matinis na tila. Seriously?
Mukhang obssessed na fangirl ang isang iyon, ah! Napailing na lamang
ako at nagpatuloy na sa paglalakad.
Hindi ko na binalingan pa nang tingin ang kumpulan ng mga schoolmates
ko. Dere-deretso akong naglakad hanggang sa may tumawag ng pangalan
ko.
"Destiny Amari!"
Mabilis akong tumigil sa paglalakad at wala sa sariling napabaling sa
pinanggalingan ng boses.
I froze where I'm standing when I saw the group of girls looking at my
direction. What? Isa ba sa kanila ang tumawag sa akin? Well, I guess I'm
wrong. Boses lalaki ivon at...
Kusang nanlaki ang mga mata ko noong may nakita akong bulto sa gitna
ng kumpulan. He was smirking at me then waved his right hand.
Trouble!
Mabilis akong tumalikod at nagpatuloy na sa paglalakad.
What the hell is he doing here?
"Destiny! Wait up!"
Marahas akong bumaling sa kanya noong nasa tabi ko na ito! Seriously?
Ang bilis namang makahabol ang isang ito!
"Hey! Are you avoiding me?"
"Hindi ba obvious?" Nagtaas ako ng kilay dito at tinalikuran muli.
"Sungit talaga," rinig kong bulong nito kaya naman ay hinarap ko ulit ito.
"Von, please, tigilan mo ako!" Inis na wika ko dito.
"Tigilan? Destiny Amari, wala pa akong ginawa," anito at bahagyang
tumawa.
Napailing ako dito. Bahala siya sa buhay niya!
Nagsimula na naman akong maglakad hanggang sa mapansin ko na ang
sasakyan namin. Mabuti na lang talaga ay tinawagan ko kanina ang driver
namin bago lumabas ng campus! Mas mapapabilis ang pag-alis ko dito!
"Ako na maghahatid sa'yo," mabilis na wika ni Von na siyang ikinabaling
ko na naman sa kanya. "l already talked to your driver earlier. Tinawagan
na rin namin si Tita Amanda kanina."
Tita Amanda? Wow! Close sila?
"Ayaw ko," mariing sambit ko dito at naglakad na ulit.
"Destiny! Wait! AkO na sabi maghahatid sa'yo!" anito at hinawakan ako sa
braso. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Halos manlamig ang
buong katawan ko sa ginawa niya, lalo na noong hilain niya ako patungo
sa sasakyan niya. "You calm down, little princess. I told you before, I won't
bite. Ihahatid lang kita."
Tumigil kami sa harapan ng sasakyan niya. Pasimple akong tumingin sa
paligid namin at napangiwi na lamang noong mamataan ang mga babae
kanina na nagkukumpulan. So, it was him! Siya iyong pinagtitilian kanina!
Really, Von Sirius!
"Get in. l only have twenty minutes para maihatid ka sa bahay niyo," wika
nito at pinagbuksan na ako ng pinto ng sasakyan niya. "Come on, Destiny.
Pinagtitinginan na tayo dito," dagdag pa niya at nginisihan ako.
You little jerk! Kasalanan mo naman kung bakit tayo pinagtitinginan
ngayon!
Napailing na lamang ako at sumakay na sa sasakyan niya.
Sana nga lang ay tama itong ginawa ko. Kahit kaibigan pa ng mga
Asuncion ang Henderson, ibang usapan pag itong si Von Sirius ang
kasama ko! He's pain in the ass!
God, Destiny Amari!