"Puwede ka bang makausap?" tanong niya kay Brenda nang umalis si Drake sa mansyon. Pupuntahan daw nito ang mga tauhan na maninirahan sa lumang bahay nila para sa plano nitong pag-aalaga ng mga kabayo. "Oo, tungkol kay Papa. Hindi ko alam kung bakit lahat na lang ng lalaki sa buhay ko inaagaw mo ang atensyon. Kay Adriel, kay Lolo, ngayon kay Papa?" "Wait... Kay Adriel?" "Oo! Mahal ko si Adriel noon pa, pero ikaw ang niligawan niya!" "I didn't know. Kayo ang magkasama dito, e di sana---" "Yun na nga eh! Kami ang magkasama dito pero ikaw ang hinabol-habol kahit nasa Amerika ka na! May nangyari na't lahat sa amin pero ikaw pa rin ang gustong balikan! At si Lolo... Ikaw lang ang gusto niyang isama sa Amerika dahil ikaw lang ang magaling, ikaw ang matalino----" "Ako ang isinama

