Gustong mapangiwi ni Crislina nang humarap siya sa salamin. Para siyang sasabak sa honeymoon dahil sa isinuot na manipis na pantulog. Basa pa ang buhok niya dahil nagbabad siya sa maligamgam na tubig sa bath tub. Kahit paano'y nakabawas sa sakit ng ulo niya ang pagligo. "This is too much," narinig niyang wika ni Drake mula sa nakabukas na pinto ng guest room. "Puwede naman ako sa ibaba at kahit na maliit na silid lang. I don't want to cause inconvenience to anyone." "Ano ka ba, hindi ka naman iba dito. At ano na lang ang sasabihin nila Auntie Dani kung malaman nilang sa maliit na silid ka matutulog?" "It's fine with them. Sanay ako sa hirap dahil isa akong Reservist. But, thank you." "Anything for you, Drake. Kapag may kailangan ka nandiyan lang ako sa kabilang kwarto." Mag

