Dobleng dagok sa buhay niya ang nangyari noong araw na iyon. Pakiramdam niya'y pinagsarhan na siya ng langit. Na pinagkaitan na siya ng Diyos na maging masaya. Dahil kinabukasan din pagkatapos nilang itakbo sa ospital ang Inay niya ay pinaiwan na ito ng buhay. Hindi niya na alam kung anong klaseng pagluluksa ang gagawin niya. From one death to another. How can she recover from such grief? Pagkatapos ng libing ay sa bar siya tumuloy para uminom, maglasing, at pilit kalimutan ang sakit na nararamdaman niya. Wala na siyang pamilya ngayon. Iniwan na siya ng lahat ng mahal niya sa buhay. Si Kenneth na lang ang karamay niya ngayon, pero dahil may duty ito sa ospital, hindi rin siya masamahan. Wala siyang maaasahang simpatya sa mga Fajardo dahil para sa mga ito, pabigat lang silang m

