"Magpapaalam na 'ko," wika ng abogado na tinapos na rin ang meeting nila. "Tawagan niyo na lang ako kung gusto niyo nang ilipat sa pangalan niyo ang ari-arian nang maasikaso ko ang mga dokumento. Wala namang nakasaad kung saang parte ng hacienda ang para kanino kaya't pwede kayong mamili kung paano ito hahatiin. Itong mansyon lang na ito ang hindi maaaring galawin dahil kay Brenda at Crislina lang ito mauuwi." "Ang swerte naman ng ampon ni Papa," komento ni Loreta. "Mas pinaboran pa kaysa sa asawa ko na totoo niyang anak." "Loreta," saway naman ni Gaspar. "Huwag mong kwestyunin kung ano ang desisyon ni Papa." Umirap lang ang asawa nito. Tila naman nanghihingi ng paumanhin si Gaspar nang magsalubong ang mga mata nila. Kahit paano ay nakaluwag sa dibdib niya ang kaisipang mabait sa kanya

