"Malapit nang matapos ang palugit ng abogado niyo, hindi mo pa rin ba gustong magpakasal?" tanong ni Kenneth habang sabay silang pauwi galing sa ospital. Dalawang buwan na ang nakalipas simula nang kausapin sila ng abogado. Kahit si Brenda ay hindi niya rin nababalitaang may balak itong magpakasal kay Drake. "Ayan ka na naman. Hindi pa nga ako nagbababang-luksa, Ken. At ang sabi naman ng abogado, kahit nagsabi si Lolo na kailangang may ikasal sa amin sa loob ng tatlong buwan, puwede naman 'yun i-extend kasi wala namang sinabi na mawawala na sa amin ang hacienda kapag hindi kami ikinasal." "E kung maunahan ka ng kapatid mo?" "E di unahan niya 'ko. Mas may karapatan naman si Brenda sa 'kin na mamahala ng hacienda, Ken. Ano ba ang trabaho ko, hindi ba nurse? Anong alam ko sa bukid

