"I'm sorry, Ken... Hindi ka puwedeng matulog dito," wika niya sa kasintahan nang makabawi siya sa pagkabigla. "Naiintindihan ko. Pero nakita mo naman ngayon kung paano ka pagsalitaan ni Brenda, hindi ba? Kapag ikinasal na 'yan at sa kanya na ang lahat ng karapatan dito, sigurado akong sisingilin niya lahat ng ibinigay ni Don Hernani sa 'yo. Baka nga 'yung parte mo ang ipambayad nila sa banko para wala kang makuha." "Kuhanin na lang nila kung ano ang gusto nilang kuhanin. I don't need it anyway. Mas gusto ko ng katahimikan." "Hindi ka talaga nag-iisip. Kung ikaw ang mananalo at makukuha mo ang pamamahala dito sa hacienda, e di magagawa mong bayaran lahat ng isinumbat nila sa 'yo. Paano ka makakabayad kung ganyang aasa ka sa sahod ng isang nurse sa public ospital?" Naghahalo na

