"Bakit naman dito tayo titira e ang laki ng mansyon? Sa sala nga lang ako natutulog, mahal," paliwanag ni Kenneth. "Saan tayo matutulog dito kung dito mo gustong tumira? Paano tayo magho-honeymoon niyan?" May dalawang kapatid na babae si Kenneth na tig-isa ng silid. Siguro naman ay puwedeng mag-share muna ang dalawa para magkaroon naman sila ng privacy habang hindi pa sila nakakahanap ng malilipatan. Pero iba ang ipinapahiwatig ng kasintahan. Ang gusto nito ay sa mansyon sila tumira. "Hindi mo ba naiintindihan ang sitwasyon, Ken? Hindi ko nga gustong tumira kasama ni Brenda. Hindi kami magkasundo kahit anong gawin ko." "Nagpapatalo ka kasi sa kanya kaya lalo ka niyang inaapi. Ipakita mo na hindi ka basta -basta nasisindak." "No, my decision is final. Kung ayaw mong dito tayo

