Hindi niya gustong magpakita ng kahinaan sa harap ni Brenda. Hindi na siya ang dating Crislina na parating gustong magparaya. Pride na lang ang natitira sa kanya at ipaglalaban niya na 'yun ngayon. "Sabi ko naman sa 'yo gusto niya talagang makuha ang pamamahala sa hacienda eh." Sumagot kaagad si Brenda na lumapit kay Drake para magpaawa. "Akala niya magpapakasal na tayo kaya inutusan niya ang boyfriend niya kagabi na akitin ako. May gamot na inilagay sa inumin ko, Drake. Paggising ko hindi ko alam kung ano ang nangyari. Nasa kama ko pala ang boyfriend ng babaeng 'yan." Isang sarkastikong ngiti ang pinakawalan niya. Kawawang Drake, walang kaalam-alam sa kagag*han ng girlfriend nito. Ni hindi nga nagbago ang mukha ni Drake kahit pa sinabi na ni Brenda na nasa kama nito si Kennet

