Chapter 11

1467 Words

Maaga siyang nagising kinabukasan kahit pa sa hapon pa naman ang flight nila pabalik sa Camiguin Island. Gusto niyang maglakad-lakad sa pool para malanghap ang masarap na simoy ng hangin sa Maynila sa umaga. Limang minuto lang siyang namalagi sa silid nila Brenda at Don Hernani kagabi dahil inihatid din kaagad ito ni Drake. Nag-usap pa ang dalawa sa pinto kaya't hindi siya makalabas. Of all people, si Drake Albano pa talaga ang nakakuha ng atensyon ni Brenda gayung napakaraming magagandang babae kagabi sa venue. Ni minsan ay hindi niya pinagselosan si Brenda kung ito man ang makakuha ng atensyon sa mga taong malalapit sa kanila. Sanay na siyang isipin na siya ang wala sa lugar, ang wala naman talagang karapatan sa buhay ng mga Fajardo, at ang sampid sa pamilya. But it was different

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD