"Biglaan naman yata ang leave mo? Anong gagawin mo sa " tanong ng Supervisor nang magpaalam siyang hindi siya makakapasok ng dalawang araw. Hindi niya puwedeng sabihin ang totoong dahilan kung bakit siya pupunta sa Maynila. Baka makaabot pa sa kaalaman ni Kenneth. "May pupuntahan akong kamag-anak ni Inay. Hindi pa nila alam na wala na siya." "Bumalik ka kaagad ha. Alam mo naman, ikaw ang paboritong nurse ng mga pasyente dito." "Oo naman. Sasabihan kita kaagad kapag nakabalik na ako dito sa Camiguin." "Ako na muna ang mag-aasikaso ng mga pasyente niya, ma'am," salo ni Kenneth nang marinig na nag-file siya ng leave. Pumayag naman kaagad ang supervisor nila. Sa buong magdamag ng duty ay magkasama sila ni Kenneth para mabawasan ang kailangan niyang i-update bago matapos ang shif

