Hindi siya mapakali habang naghihintay ng alas otso ng gabi. Kababalik lang ni Drake sa mansyon at siguradong ihahatid siya ulit sa ospital. Hindi niya alam kung paano niya mapipikot ang binata na iwas na iwas pag-usapan ang kasal. Kapag ba ipinagkaloob niya ang sarili pananagutan siya nito oras na malamang virgin pa siya? Bahala na. Kailangan niyang sumugal alang-alang sa bahay nila na alaala ng mga magulang niya. Si Drake lang ang puwede niyang pikutin. "Thank you for all the help, Drake. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung wala ka." Boses ni Brenda iyon na nasa silid ni Drake. Tumigil siya sandali malapit sa pinto para marinig ang pag-uusap ng dalawa. "Wala 'yun. Ipinangako ko naman talaga kay Don Hernani na tutulong ako sa pagbangon ng hacienda. Malaki ang poten

