bc

GAME OF THE LOVE( CARLOS ANGEL AND ZACHARINA DEVINE)

book_age18+
1.3K
FOLLOW
9.1K
READ
revenge
self-improved
CEO
drama
tragedy
twisted
bxg
enimies to lovers
first love
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

" WARNING RATED SPG"

SPG❗❗❗SPG ALERT❗❗❗

NOT SUITABLE TO THE MINORS❗❗❗

Isang magandang babae si Zacharina, simple ang datingan pero manang kung manamit. Hindi mayaman pero may kumpleto at masayang pamilya.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, kailangan niyang magtrabaho sa isang mayamang pamilya na kilala sa loob at labas ng bansa. Ang pamilyang Monte Alegre.

Sa loob ng maikling panahon na pagtatrabaho niya sa pamilyang Monte Alegre ay unti-unti niyang nakilala si Carlos Angel, ang nag-iisang anak at tagapagmana ng Monte Alegre.

Brusko, mayabang, playboy at antipatiko kung ituring ni Zacharina si Carlos.

Paano nga ba paglalapitin ang dalawang taong aso't-pusa ang turingan sa isa't-isa?

May pag-asa pa ba sa kanila kung sa una palang puro sakit at paghihiganti na ang nilalaman ng kanilang mga puso?

Mahal ni Carlos si Zacharina pero dahil sa responsibilidad na nakaatang sa balikat niya ay pareho nilang palalayain ang isa't-isa. Masakit man sa mga dibdib nila ngunit iyun ang nararapat nilang gawin.

Hanggang sa nauwi sa hindi inaasahang trahedya ang mangyayari sa pinakamamahal niyang si Zacharina.

Sino ang pipiliin ni Zacharina?

Si Carlos na minahal niya ng tapat at totoo subalit nagawa siyang lukuhin, o si Brixton na nagawa siyang iligtas sa kamay ng mga kaaway ng pamahalaan at handang ibigay ang pangalan sa kaniya, ngunit kapalit nito'y pagpapakasal niya dito?

Sino ang mananaig sa puso ni Zacharina?

Si Carlos na una niya sa lahat?

O

Si Brixton na tanggap ang lahat sa kaniya?

chap-preview
Free preview
EPISODE 1-LEAVING
-THIRD PERSON POV- "Aalis ka na ba talaga ate?" May bahid na lungkot sa boses ang pagkakasabi ng bunsong kapatid ni Zacharina na si Zabrienna habang busy ito sa pag-aayos ng lahat ng mga personal na mga gamit nito. "Oo 'So eh! kailangan ni ate magtrabaho para makapagtapos kayo ng kuya Zai mo sa pag-aaral niyo, di na kasi pwede sina Nanay at Tatay magtrabaho ng maigi kasi matatanda na sila." Mahabang paliwanag naman ni Zach sa bunso nitong kapatid at upang maliwanagan ito. Panganay sa tatlong magkakapatid si Zacharina Devine Avila o mas kilala sa tawag na Zach sa kanilang lugar. Sumunod sa kaniya ang kapatid niyang lalaki na si Izaac Zachi na ngayon ay nasa ikaapat na taon ng sekondarya. Nais niya kasing makapagcollege at makapagtapos ng pag-aaral ang dalawa niya pang kapatid. Gustuhin man niyang mag-aral sa kolehiyo pero di na kaya ng kaniyang mga magulang na pag-aralin siya. May mga edad narin naman kasi ang kanilang mga magulang at minsan narin nakakaramdam ng pagod na dahilan ng pag-atake ng rayuma sa kanilang magulang. Kaya naman nagpagdesisyunan niya nalang na lumuwas ng Maynila upang maghanap ng trabaho kahit na kasambahay nalang muna. Pumayag na siya sa nirerekomenda ni Aleng Maria na doon nalang sa dati niyang pinagsisilbihan. Sa hapon ang alis nila, para umaga na pagdating nila sa Maynila. Ihahatid lang siya ni Aleng Maria sa dati nitong Amo at kinabukasan ay babalik na din dito sa probinsya. "Hays! basta wag niyong kakalimutan ni kuya mo Zai ang mga ibinilin ko sa inyo ha? H'wag niyo masyadong sinusuway sila Tatay at Nanay, h'wag niyo silang bigyan ng ikakasama ng loob, maliwanag ba 'So?" Pagpapaalala ni Zach sa kapatid niya habang sinisilid na sa malaking bag ang four by four na picture family nila. Kuha iyun ng graduation day nila nung high school dahil isa siyang valedictorian kaya naman buong family niya ang nakasuporta sa kaniya. Sayang nga lang at di na muna niya magagamit ang kaniyang talino, pero nangako siya sa sarili niya na kapag tapos na sa pag-aaral sa kolehiyo ang dalawa niyang kapatid babalik siya ng kaniyang pag-aaral. Mas uunahin niya ang pangangailangan ng kanilang pamilya bago ang kaniyang pangarap. Nakakapaghintay naman yun, yan nalang muna lagi ang tinatatak niya sa kaniyang isipan. "Opo ate, aalagaan namin ni kuya si tatay at nanay para po di na po kayo mag-alala." Sagot naman ng kapatid ni Zach. "Ate Zach, ate Zach." Boses naman ni Zai sa labas ng maliit na kwartong kinaroroonan ni Zacharina. "Oh! bakit ba? Ano bang kailangan mo?" Sagot ni Zach habang palabas ng kaniyang silid. "Eh ate, kasi...kasi...kung wala ka dito pa'nu na yung...." Di na pinatapos pa ni Zach ang sasabihin ng kapatid nito kaya siya na ang tumapos sa sasabihin nito. "Yung pag-aaral mo ba ang iniisip mo kaya ganyan nalang ang pag-aalala sa mukha mo?" Putol ni Zach sa sasabihin ng kapatid nito. Tanging tango na lamang ang isinagot ng kapatid nito. "Don't you worry, ako ng bahala sa inyo ni Brienn, basta magtapos kayo ng inyong pag-aaral at sana may magandang bunga ang pagpapagod ko sa Maynila.. huh!!?" Ito naman ang naging paliwanag ni Zacharina sa mga kapatid nito. "Oo naman ate...susuklian namin ng maganda ang lahat ng pagod mo doon, magsisikap kaming dalawa ni Brienn, pangako yan ate." Sabay yakap ng mahigpit ng mga kapatid ni Zacharina sa kaniya. At bago sumapit ang tanghaliang-tapat, dumating ang mga magulang ni Zach, galing sila sa bukid upang magapas ng palay, umuwi lang sila kasi ngayon ang alis ng panganay nilang anak. "Mano po Tay, Nay." Paggalang naman ni Zach ng dumating ang mga magulang nito. "Aalis na po ako maya-maya Tay, h'wag po kayo masyadong nagpapagod ha!! kayo din Nanay, basta ako susuportahan ko kayo sa abot ng makakaya ko." Mangiyak-ngiyak na sabi ni Zach sa kaniyang mga magulang. "At h'wag na po kayong mag-alala sa'kin kaya ko na po ito. Para sa atin naman ito eh...uuwi pa din naman ako dito." Dugtong pa ni Zach na hindi na napigilan ang pagtulo ng mga luha niya sa mga mata. First time kasi sa buhay niya ang mapawalay sa kaniyang mga magulang at kapatid kaya ngayon palang sobrang nalulungkot na siya sa kaniyang pag-alis. Niyakap nalang siya ng buo niyang pamilya habang naghuhulasan ang mga luha nila sa kanilang mga mata. "Basta ba mag-ingat ka doon sa pinapasukan mo anak ha! Malaki ka na at alam na alam mo na ang tama at mali, kapag hindi mo na kaya doon at naiisip mo kami, maluwag ang bahay, kahit anong oras pwede kang umuwi dito. Buong mga palad namin ang sasalubong sa iyo anak." Mahabang litanya ng kanilang Ama sa kay Zacharina, kaya naman lalo lamang ito napaiyak sa mga sinasabi ng mga ito kay Zacharina. "Ay! tama na yan ate, mugto na po ang mga mata mo! tingnan mo ang mukha mo sa salamin! yuck!!!!! ang pangit-pangit mo na." Banat-biro naman ng kapatid nitong lalaki sa kaniya. "Ay!!! siya!!!!! tama na yan, halina muna kayo at tayo'y sabay-sabay ng mananghalian." Tinig ng kanilang Ina naman na nasa kusina na pala at naghahanda ng makakain nila para sa tanghalian. Alas dos na ng hapon ng maligo si Zach. Inihanda na nito ang kaniyang sarili niya para sa kanilang pag-alis ni Aleng Maria. Habang sinusuklay ni Zacharina ang mahaba niyang buhok, maigi muna nitong sinipat ang sarili sa salamin. Mugtong-mugto ang mga mata nito dahil sa pag-iyak niya kanina lamang. 'Maraming nagsasabi na maganda raw ako, pero bakit wala manlang may nagtangkang manligaw sa'kin?' Tanong ng kaisipan ni Zacharina habang malayang sinusuklayan ang mahaba nitong buhok. 'Sabagay, isa nga pa lang nerdo ang tingin nila sa akin! Hays, bat ba yun ang nasa isip ko! dapat yung nasa isip ko kung paano ko iaahon ang pamilya ko sa ganitong sitwasyon!! Yun ang dapat na isaisip ko.' Tinig muli ng isipan ni Zacharina. Patapos na si Zacharina sa pag-aayos ng kaniyang sarili ng may kumatok sa pintuan nito. "Ako na ate." Wika ni Brienn na sinundan na lamang ng tingin ni Zacharina habang patungo ito ng pintuan. "Ate si Aleng Maria sinusundo kana aalis na daw kayo!" Saad muli ni Brienn sa kaniyang ate Zacharina. "Sige, lalabas na ako! Zai, pakilabas naman ng mga gamit ko!" Nailabas naman agad ang mga gamit ni Zacharina kaya sumunod na rin naman sila sa labas ng bahay. "Nag-arkila na ko ng trycicle Zach baka gabihin pa tayo sa kakahanap ng trycicle dito eh." Paliwanag agad ni Aleng Maria kay Zacharina. Tanging tango lamang ang isinagot ni Zacharina sa matanda. "Tay, Nay, mga kapatid ko! aalis na po ako ha! h'wag kayong malungkot dapat masaya lang tayo lagi." Pagpapaalam ni Zacharina sa kaniyang pamilya. Muling niyakap nila ang dalaga na si Zacharina at nagbilin pa ang haligi ng tahanan na mag-iingat sila sa kanilang pupuntahan. Lulan na sila ng trycicle papuntang bayan, at di maiwasan na hindi malungkot si Zacharina. Matagal bago makakauwi muli si Zacharina dito sa kanilang probinsya. At alam niya yun, kasi halos lahat ng mga kapit-bahay nila na nanggaling sa Maynila ay taunan kung umuwi. "Lord, please ingatan mo po ako at ang pamilya ko at sana po mababait ang magiging amo ko sa Manila." Dasal na naiusal ng kaisipan ni Zacharina. Nang marating na nila ang bayan, sa may terminal ng bus agad huminto ang sinasakyan nilang trycicle. "Mag-ingat po kayo Aleng Maria ha." Wika ng trycicle driver habang tinutulungang isakay sa bus ang mga gamit ni Aleng Maria at Zacharina. Tanging tango na lamang ang naisagot ni Aleng Maria sa trycicle driver. At nang tuluyan na silang nakasakay ng bus, ilang minuto nalang naman at aalis na rin ito papuntang pantalan upang doon isakay ang bus sa barko papuntang Batangas-pier. Halos mahilo-hilo si Zacharina sa byahe ng hapon na yun. Dahil first time sa buhay niya ang nagbabyahe ng malayo. "Okay ka lang ba Zach?" Tanong ni Aleng Maria kay Zacharina sa mga sandaling nakikitaan siya ng pag-aalala sa mukha. Nilingon naman siya ni Zacharina upang sagutin ang tanong nito. "Okay lang po ako Aleng Maria. Medyo nahihilo lang ako ng kaunti kasi ito po yung kauna-unahang byahe ko ng malayo." Ganting sagot naman ni Zacharina kay Aleng Maria. "Kunting-tiis nalang Zack anak at malapit-lapit na din tayo." Pagpapayapa naman ng kalooban na sagot ni Aleng Maria kay Zacharina. Saglit na ipinikit ang mga mata ni Zacharina upang maibsan kahit papano ang pagkahilo nito. Ilang oras din ang inilagi ng tulog niya ng naramdaman niyang may tumapik sa kaniyang kaliwang balikat. Idinilat ni Zacharina ng bahagya ang kaniyang mga mata upang mapagsino ang tumapik sa kaniya, nang masinuhan agad siyang umayos sa pagkakaupo dahil si Aleng Maria ang kaniyang nabungaran. "Andito na tayo sa pantalan. Halika at d'un tayo sa pangalawang floor ng barko Zack." Yaya ni Aleng Maria kay Zacharina sa itaas ng barko. Agad namang tumayo sa inuupuan si Zacharina upang sumama kay Aleng Maria sa tinuturo nitong second floor. Nakalabas na sila ng bus at binabaybay na nila ang hagdan patungong second floor. Ito ang kauna-unahang experience na sumakay ng barko si Zacharina. Pagdating sa taas, agad na sumalubong sa kanila ang napakasariwang hangin. Medyo dumadami na ang mga tao sa taas kaya naman naghanap na sila ni Aleng Maria ng mapagpwestuhan at upang maupuan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook