-ZACHARINA-
Ala una na ng madaling araw kami nakarating sa terminal ng bus dito sa Maynila.
Sobrang tagal ng byahe namin.
Pagkarating kasi namin ng Las Pinas, agad sumalubong sa'min ang di umuusad na mga sasakyan dahil sa sobrang traffic.
"Zach anak, hintayin lang muna natin saglit dito ang magsusundo sa'tin, ha! Pinasusundo nalang tayo sa personal driver ng mga magiging amo mo." Paliwanag ni Aleng Maria sa'kin habang nililibot ang paningin nito sa paligid.
"Okay po Aleng Maria."
Sagot ko naman habang humihikab pa.
"Kumusta naman ang pakiramdam mo? Di ka na ba nahihilo?" Sunod-sunod na tanong ni Aleng Maria sa'kin, kaya nilingon ko na ito.
"Okay na po ako Aleng Maria. H'wag na po kayong mag-alala, di na po ako nahihilo." Sagot ko naman sa kaniyang mga tanong.
Habang naghihintay sa susundo sa'min ni Aleng Maria, nakaramdam ako ng gutom kaya naman kumuha ako ng dalawang biscuit sa bulsa ng aking bag.
Ibinigay ko ang isa kay Aleng Maria at di niya naman ito tinanggihan.
Patapos na kaming kumain ng biscuit ng may huminto sa harapan namin ng isang magandang sasakyan.
"Oh, ito na pala ang sundo natin Zach, eh!" Sabi ni Aleng Maria habang nakatingin sa driver.
"Aleng Maria, long time no see tayo ah, kumusta na po kayo? Ito na po ba ang papalit sa inyo?" Sunod-sunod na tanong ng lalaki sa harapan namin ni Aleng Maria ng ito ay makalapit sa aming dalawa.
"Ay!!! oo Reynaldo, siya si Zacharina Devine." Pakilalang saad ni Aleng Maria habang nakangiti ito sa lalaking nasa harapan ko.
"Ako nga pala si Reynaldo Zacharina. Ang ganda naman ng pangalan mo, bagay na bagay sa'yong kagandahan."
Pagpapakilala at pagbigay-puri narin ng lalaking nagpakilalang Reynaldo habang palapit na ito sa aming pwesto ni Aleng Maria.
"Thankyou and nice to meet you Reynaldo." Ganting sagot ko naman sa kaniya.
"Naku, kayong dalawa ay dumito na sa sasakyan at ng tayo'y makauwi na." Pagpapaalala sa'min ni Aleng Maria dahilan para kami'y umalis na sa aming mga pwesto.
Si Reynaldo na ang nagbuhat ng aking malaking dalang bag.
Sa passenger seat na ko pinaupo ni Aleng Maria. Habang binabagtas namin ang kahabaan ng highway sa Edsa, napapahanga ako sa lahat ng aming mga nadadaanang naglalakihang mga gusali, ibang-iba sa aking kinagisnang probinsya.
Halos kalahating oras din kaming nagbabyahe bago namin narating ang aming uuwian, pumasok ang sinasakyan namin sa isang private property.
Inilibot ko ang aking paningin sa mga nagagandahan at naglalakihang mga mansyon. Tunay ngang mga mayayaman ang mga nakatira dito, mahigpit din ang mga nagbabantay sa entrance palang. Sobrang linis din ng paligid, maraming nagagandahang mga halaman at mga bulaklak akong nakikita, mayroon ding mga nagtatayugang mga puno ng narra at mahogany. Sobrang nakakarelax pagmasdan ang ganitong uri ng paligid. Napapangiti nalang ako sa aking sarili.
'Ang sarap naman mag-jogging kapag ganitong kapresko ang paligid.' Kausap ko sa'king sarili.
Tahimik lamang kaming tatlo dito sa loob ng kotse. At ilang sandali pa'y bumabagal na rin ang takbo ng aming sinasakyan ng mapatapat sa isang napakalaking gate. Unti-unti naman itong bumubukas kahit na walang may nagbubukas na guard sa loob.
'Wow! Ang galing naman, sobrang hightech naman ang bahay ng magiging amo ko, ang yaman naman nilang tunay.' Di ko mapigilang komento sa'king isipan. Sobrang nakaka-amazed namang talaga!
At lalo pa akong namangha ng sobra n'ung kami'y nakapasok na sa loob ng bakuran, sobrang lawak pa ng espasyo sa loob, nakikita ko din ang mga nagagandahang mga bulaklak at mga halaman sa tabi naman nito ay mayroong wishing bell.
"Wow, ang ganda naman dito Aleng Maria, ang gandang pagmasdan ng paligid."
Hindi ko na mapigilang masambit kay Aleng Maria ang lahat ng aking nakita.
"Sobrang ganda talaga dito Zach, kaya sana magustuhan mo at tumagal ka dito katulad ko." Sabi naman ni Aleng Maria sa'kin na may ngiti sa mga labi.
"Ewan lang kung makatagal si Zacharina sa mansyon Aleng Maria lalo pa't sobrang suplado ang anak ng ating amo." Singit naman ni Reynaldo sa amin ni Aleng Maria.
"Kuhh-ehh mabait na bata naman 'yang si Carlos, Reynaldo, sa tagal ko ng nagsisilbi sa kanila at lalo na sa alaga kong yun ay kilalang-kilala ko na yang si Carlos. Ngayon lang yun nagkaganun kasi di pa ata siya nakakamove on sa dati niyang kasintahan." Mahabang paliwanag naman ni Aleng Maria sa mga sinabi ni Reynaldo sa magiging amo kong lalaki.
"Hay!!! sana nga Aleng Maria, kasi kamakailan lang naririnig namin siya sa kwarto niya na nagwawala na naman, pinagbabasag ang mga gamit niya d'un. At nang buksan nga ng mommy at daddy niya ang kwarto iyun nga po ay parang dinaanan ng bagyo ang buong silid! tsk.. tsk." Mahabang kwento ni Reynaldo sa amin ni Aleng Maria.
Medyo nakaramdam ako ng kaunting kaba sa aking dibdib ng marinig ko kay Reynaldo ang pagku'kwento niya about sa anak ng kaniyang amo na magiging amo ko na rin ngayon.
At ilang sandali pa'y huminto na ang sinasakyan namin sa harapan mismo ng napakaganda at napakalaking mansyon.
Ang mansyon ng pamilyang Monte Alegre. Sa labas palang sobrang laki na, paano pa kaya kapag nasa loob ka na ng bahay na ito?
'Sobrang yaman naman ng magiging amo ko. Sana mababait din silang katulad ng mga magulang ko.' Di ko maiwasang ihalintulad ang pagiging mabait ng magiging amo ko sa aking mga magulang. At sana nga ay ganun sila kabait.
Nang makalabas na kami sa sasakyan, si Reynaldo na ang pinagdala ni Aleng Maria ng aking mga gamit.
Pagpasok palang sa loob ng bahay, mapapansin mo na agad ang napakarangyang kagamitan, kahit mismo ang aming nilalakaran ay yari sa isang kumikinang na muwebles, may mga iba't-ibang disenyo din ng painting sa bawat pader ng bahay na ikinabagay naman nito sa bawat mapagpwestuhan dito.
At di rin nakaligtas sa'kin ang isang malaking family photo frame na nakalagay mismo sa pinakacenter ng ikalawang palapag ng bahay na gawa sa isang portrait.
Manghang-mangha talaga ako ng sobra sa yaman ng aking magiging amo.
"Halika dito Zach, dito ang magiging kwarto mo. " Turo sa'kin ni Aleng Maria sa aking magiging silid. "Reynaldo, dito mo nalang ilagay ang mga gamit ni Zach. Salamat sa iyong pagbubuhat ng mga gamit niya." Pagtuturo ni Aleng Maria sa ibaba ng aparador kay Reynaldo sa dala kong bag.
Nagpasalamat din ako kay Reynaldo sa pagbitbit niya sa aking mga dalahin bago ito umalis.
"Magpahinga na muna tayo Zach, at sobra talaga akong napagod sa byahe natin ngayon." Sabi ni Aleng Maria sa'kin habang inaalis ang kankyang suot na jacket sa kaniyang katawan.
"Sige po Aleng Maria, nakakapagod nga po talaga ang byahe ngayon, di pa po kasi ako sanay sa ganitong kalayong pagbabyahe eh." Pagsegunda ko naman kay Aleng Maria.
Nagpalit lamang ako ng aking mga damit na sinuot ko ngayon. Nakapajama at maluwang na three fourth lang ang aking isinuot para mapasarap ang aking tulog.
Humiga na ko sa tabi ni Aleng Maria, at d'un ko naramdaman talaga ang sobrang pagod at antok kaya naman ilang sandali pa'y mahimbing na akong natutulog kasama si Aleng Maria.
Saktong alas sais ng umaga ng magising ako. Tiningnan ko ang aking katabi na si Aleng Maria, at tulog pa ito.
Nag-inat lang ako ng aking mga braso at pagkatapos bumangon na ko sa'king kinahihigaan.
Naghanda ako ng aking maisusuot at pumasok na sa loob ng banyo.
Kahit sa loob ng banyo di ko parin mapigilan ang sarili ko na hindi humanga. Sobrang laki naman kasi at meron pang katamtamang laki ng bath tub. 'Para ba sa aming mga katulong ito? Wow, ang sosyal naman namin kung ganun?' Palatak naman ng kaisipan ko sa mga sandaling ito.
Pagkatapos kong maghanda ng aking sarili lumabas na ko ng banyo.
Nadatnan kong gising na rin si Aleng Maria, kaya naman nilapitan ko ito.
"Aleng Maria, magandang umaga po sa inyo? Okay na po ba kayo?" Tanong ko kay Aleng Maria habang palapit sa kaniyang kinauupuang kama.
"Okay lang naman ako Zach. Nakapagpahinga na din naman ako kaya okay na okay na ako." Sagot naman ni Aleng Maria habang sinusuot ang salamin nito sa mata. "Nakapaghanda ka nalang rin naman ng iyong sarili, ako naman ang hintayin mo dito at ako naman ang mag-aayos ng sarili ko pagkatapos, lalabas na tayo at ipakikilala na kita sa magiging amo mo. Ihanda mo na ang iyong sarili anak ha!" Mahabang litanya ni Aleng Maria sa'kin. Tanging tango na lamang ang isinagot ko sa kaniya.
Habang naliligo si Aleng Maria, nilabas ko na sa aking malaking bag ang aking mga damit. Nilagay ko na ito sa loob ng aparador at tiniklop ng maayos. Nilabas ko rin ang dala-dala kong photo frame ng family ko. Agad ko itong ipinatong sa lamesita na nand'un sa gilid ng kamang kinauupuan ko.