EPISODE 3-MONTE ALEGRE COUPLE

1356 Words
-ZACHARINA- Nang matapos na si Aleng Maria sa paghahanda ng kaniyang sarili, agad kaming lumabas sa aming silid upang personal niya akong ipakilala sa magiging amo ko. Sa sala palang ay dinig ko na ang mga boses ng kung sino. Agad kaming natanawan ng isang Ginang habang kami ay palapit sa kanilang kinaroroonan. Napangiti naman agad ang ginang ng kami ay makalapit na sa kanila. "Nanay Maria, magandang umaga po sa inyo. Kumusta na po kayo?" Agad na tanong at bati ng Ginang kay Aleng Maria. "Naku, Ma'am Cecelia magandang umaga din sa inyo ni Sir Dolphy. Ito okay lang naman kahit papaano, medyo di na gaanong sumasakit ang tadyang ko. Kailangan ko lang talaga siguro ito ipagpahinga ng isang taon." Ganting sagot naman ni Aleng Maria sa Ginang. "Nanay Maria, siya na po ba ang pansamantalang papalit sa inyo?" Tanong ng Ginang kay Aleng Maria, sabay baling ng mga tingin nito sa'kin habang may mga ngiti sa mga labi nito. Tamang observe lang naman ang ginagawa ng kasama niyang lalaki sa amin ni Aleng Maria. "Ay! oo nga po pala Ma'am Cecelia, siya po pala si Zacharina Devine Avila, siya na po muna ang pansamantalang papalit sa'kin dito." Pagpapakilala naman sa'kin ni Aleng Maria sa Ginang habang ginagantihan ko rin ang mga ito ng isang matamis na ngiti. "Your beautiful iha, pero sigurado ka ba na marunong ka sa mga gawaing bahay?" Bigay-puri at naninigurong tanong sa'kin ng Ginang. "Uhmp...! Salamat po Ma'am. Kung sa mga gawaing bahay lang po Ma'am, marami po akong alam dyan. Marunong na marunong po ako." Magalang ko namang sagot sa naging tanong ng Ginang sa akin habang may mga ngiti ako sa aking mga labi. "Bweno! kung ganon, wala tayong problema Zacharina! Twenty thousand sa isang buwan ang sahod mo pero pwede pa itong tumaas, twenty five to thirty kung magtatagal ka dito. And every sunday ang restday mo. So, wala na tayong problema sa sahod mo?"Mahabang pagbibigay ng impormasyon ni Ma'am Cecelia sa'kin sa aking magiging sahod at sa aking day-off. Awtomatiko akong napangiti ng ngumiti din si Ma'am, hindi ko alam pero sobrang gaan ng loob ko sa kaniya. Napakadown to earth niya at halatang napakabait na Ina at asawa. "Wala pong problema sa'kin Ma'am, sobrang laki na po yung benti mil kung tutuusin. Kaya sisipagan ko po talagang maigi ang bawat sentimong ibinabayad niyo ho sa akin." Ewan ko ba! Pero parang gusto kong manatili na lamang dito sa kanila gayung kakarating ko palang dito kagabi. "Naku iha, diyan tayo magkakasundo diba hubby?" Sabay baling ng tingin sa kaniyang asawa na ngayon ay busy sa pagbabasa ng dyaryo. Tiningnan ko ang reaksyon ni Sir Dolphy, tanging tango lamang ang kaniyang isinagot sa kaniyang asawa. Sobrang gwapo naman ni Sir Dolphy, kahit may pagkasuplado ang dating. May maamong mukha, maputi ang kutis ng balat nito, pantay-pantay ang mapuputi nitong mga ngipin, kulay gray ang mga mata. Halatang may lahi si Sir Dolphy. Tumayo ito at hinarap ang kaniyang asawa. "Diba may lakad tayo wife ko? Baka kasi matraffic tayo nito eh. Si Aleng Maria na ang magturo kay Zacharina ng mga dapat niyang gawin. Nay Maria, sa pangalawang araw na po mo na kayo umuwi, iorient niyo po muna si Zacharina sa mga gawaing bahay dito. Please? Sa ngayon po kasi may lakad po kami ng asawa ko." Mahabang saad ni Sir Dolphy sa kaniyang asawa at bago nito ibinaling ang tingin kay Aleng Maria. 'Wow! malambing si Sir? Ang galing naman!' Palatak ng kaisipan ko. "Sige, Sir Dolphy kung yun po ang nais niyo. At para na rin po di gaanong mahomesick agad si Zacharina dito sa mansyon. H'wag na kayong mag-alala mag-asawa, madali lang naman turuan 'tong si Zack, diba nak?" Baling sa'kin ni Aleng Maria. Agad namn akong tumango sa sinabi ni Aleng Maria sa'kin. "Ohhh! Kung ganun, aalis na muna kami ng asawa ko Nay Maria. Kayo na po muna ang bahala kay Zacharina. At kapag umuwi po ang magaling kong anak ngayon, pakisabi po sa kaniya na may pinuntahan kami ng kanyang Ama." Mahabang litanya ni Ma'am Cecelia sa amin ni Aleng Maria. "Maiwan na muna namin kayo Nay Maria at Zacharina baka bukas pa ang balik namin." Paalam na ni Ma'am Cecelia sa'min ni Aleng Maria.Tumayo na ito at niyakap si Aleng Maria bago bumaling ang tingin nito sa'kin. Walang atubiling niyakap din ako ng Ginang ng mabilis na siyang ikinagulat ko at ikinalaki ng mga mata ko. . . Habang pinapanood ko silang mag-asawa na naglalakad palabas ng bahay, di ko maiwasan na mag-isip kay ma'am Cecelia. Napakadown to earth niya talaga, at sobrang bait pa kabaliktaran ni sir Dolphy. Si Sir Dolphy, makikita mo sa kanya ang pagkaistrikto, napakasuplado pero mabait din naman, hinawaan na siguro siya ni Ma'am Cecelia ng pagkamabait nito. At kahit ganun parin si Sir Dolphy, di naman yun kabawasan sa taglay nitong kagwapuhan. "Sobrang mahal na mahal talaga ni Sir Dolphy si Ma'am Cecelia, sa tagal ko ng naninilbihan sa kanila, ni minsan di ko sila nakikitang nagsasakitan o nag-aaway manlang. Siguro nagtatampuhan oo, pero di naman nila agad ito pinatatagal. Laging si Sir Dolphy ang nanunuyo kay Ma'am Cecelia kapag alam niyang nagtatampo ito. Kaya napakaswerte ng alaga ko sa kanila bilang magulang ng mga ito, lahat ibibigay nila sa nag-iisa nilang anak." Mahabang kwento ni Aleng Maria habang pinagmamasdan din ang papalayong mag-asawa sa amin. Napalingon naman ako kay Aleng Maria sa mga sinabi niya sa'kin tungkol sa mag-asawa. Katulad din pala sila ng mga magulang ko. Mahal na mahal ni Tatay ang Nanay, pero kahit salat kami sa buhay, nagagawa parin kaming itaguyod na magkakapatid sa aming pag-aaral kahit high school lang muna. Wala kaming masabi na magkakapatid sa kasipagan ng aming mga magulang, alam kong nakakapagod ang kanilang trabaho kaya nandito ako ngayon para tulungan ko ang aking pamilya. Naging curious tuloy ako sa nag-iisang anak ng mga amo ko. "Aleng Maria isa lang po ba talaga ang anak nila Ma'am Cecelia at Sir Dolphy?" Confirm ko pang itinanong kay Aleng Maria habang naglalakad kami papasok ng komedor. "Oo Zach, di na nasundan si Carlos dahil di na pwedeng mag-anak si Ma'am Cecelia. Ilang beses kasi siyang nakunan bago nabuo si Carlos. Masasabi nga namin na isang miracle ang pagdating sa buhay nila Ma'am Cecelia at Sir Dolphy si Carlos dahil kahit nasa ganung kalagayan na si Ma'am ibinigay parin siya ni Lord sa mag-asawa. Sobrang ingat kami kay Ma'am Cecelia h'wag lamang ulit makunan habang nasa sinapupunan palang nito si Carlos." Mahabang kwento ni Aleng Maria sa'kin. Di ko namalayan na nadadala na pala ako sa kwento ni Aleng Maria kaya may nabubuong kunting luha sa'king mga mata. Agad ko itong pasimpleng pinunasan ng palad ko. "Bago kita turuan sa mga gawain dito,halika't mag-almusal na muna tayo." Dugtong pa ni Aleng Maria ng makarating na kami sa hapag kainan. Di ko maiwasang humanga sa loob ng kusina, napakaalwan nitong tingnan. May mga kasambahay na din kaming nadatnan ni Aleng Maria na sobrang busy sa kaniya-kaniya nilang mga gawain. "Pito kayong katulong dito, bawat isa may kaniya-kanyang trabaho. Ikaw Zach ang laging magpapalit ng mga kobre-kama tuwing umaga, maglilinis ng mga kwarto sa ikalawa at ikatlong palapag. Sayo nakatuka iyun. May anim na kwarto sa pangalawang palapag at anim din sa ikatlo. Di ka naman mahihirapan sa paglilinis kasi sa ikatlong palapag lilinisin mo lang ang mga kwarto, di mo naman kailangan palitan ang mga bedsheets ng mga yun kasi di naman nagagamit dahil silang magpamilya sa ikalawang palapag ang mga kwarto nila." Mahabang saad ni Aleng Maria sa'kin sa mga dapat kong gagawin kapag ako'y magsisimulang magtatrabaho na. Pagkatapos naming mag-almusal, hinugasan ko muna ang aming pinagkainan. Nang makatapos na ko, saka niya ako niyaya paakyat sa ikalawang palapag ng bahay. Dala ni Aleng Maria ang kumpol-kumpol ng duplicate keys. Inuna na muna naming buksan ang guest room. Nang nasa loob na kami ni Aleng Maria, bumungad sa'kin ang napakalawak na kama, sobrang lambot at ang linis tingnan, mabango din ang kwartong ito, kahit alikabok ata'y mahihiyang dumapo sa kwartong ito. Ito ba ang lilinisin ko?Tanong ng kaisipan ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD