-ZACHARINA-
Pagkatapos namin ni Aleng Maria sa panglimang kwarto isa nalang ang lilinisan namin sa ikalawang palapag ng bahay na ito, at yun ang kwarto ni Sir Carlos.
Pagkabukas palang ni Aleng Maria ng kwarto ni Sir Carlos, nanuot kaagad sa loob ng ilong ko ang scent na panglalaking amoy.
'Sobrang bango naman ng paligid na ito, malawak pa ang loob nito, parang kasing laki na halos ng bahay namin sa probinsya. Sobrang linis din, oo nga pala, nilinis na nga pala ito kahapon ng ibang katulong habang wala si Sir Carlos. Saan kaya siya umuuwi? May bahay pa ba sila maliban dito?' Sunod-sunod naman na katanungang pumasok sa aking isipan. Di ko namalayan na may tao na pala sa aking likuran, napahiyaw tuloy ako ng wala sa oras. Wait, siya na ba si Sir Carlos?Oh my gosh! O isa itong anghel na bumaba sa lupa upang bantayan ako!' Muling palatak ng malikot kong kaisipan habang sinasalubong ang matiim na mga titig nito sa'kin na nanunuot sa kaloob-looban ng aking katawan. 'Sobrang pogi naman nitong lalaking nasa harapan ko.' Di ko talagang mapigilang magkomento sa loob ng utak ko.
"Who are you? What are you doing here inside my room?" Sunod-sunod na tanong na lumabas sa bibig nito.
Akmang magsasalita palang ako ng siya namang labas ni Aleng Maria sa banyo nito.
"Oh! nandito ka na pala Sir Carlos, saan ka ba umuuwing bata ka! at ilang araw ka na namang di umuuwi dito. Pinag-aalala mo na naman ang Mommy mo." Sunod-sunod namang birada ni Aleng Maria sa aking likuran habang nakasilip sa pintuan ng kwartong ito.
'So, siya na talaga ang anak nila Ma'am Cecelia at Sir Dolphy, may pagkakahawig sila ni Sir Dolphy. Yung mga mata niya, kuhang-kuha niya sa kaniyang Ama, pati kutis ng balat nito. Nakakahiyang dumikit sa kaniya. Di naman ako maitim at di rin maputi. Basta pantay lang ang kulay ng balat ko, at-------.' Putol ng kaisipan ko ng magsalita ulit ang lalaki sa harapan ko.
"Are you done to checking me Miss?" Sikmat nito sakin.
'Aba't, suplado rin. Mapapalaban ang kahabaan ng pasensya ko sa tukmol na ito.' Maktol naman ng kaisipan ko.
"So, you don't have a tongue to answer my question?" Dugtong na tanong pa nito. Habang madilim na ang awra nito. Nanatiling tikom lamang ang bibig ko.
"Ah! Anak, Carlos siya si Zacharina, siya na muna ang pansamantalang papalit sakin." Agad na sagot ni Aleng Maria sa tanong ni Sir Carlos kahit na di naman nito tinatanong kung ano ang pangalan ko.
"Pakibilisan niyo nalang po ang paglinis ng kwarto ko Mamang, dahil gusto ko na pong matulog, I am so f*****g tired." Baling nito kay Aleng Maria.
Mabilis din naman agad ang pagbaling ng ulo nito sa'kin, dahilan para mapayuko ako. Ni isa man kasi sa mga tanong niya, di ko manlang naibuka ang bibig ko para sagutin sana siya. Nakakatense naman kasi, sa boses niya palang alam kong mahirap na siyang iplease. And what I can expect more? A calmdown voice from him?
Naglakad na siya papasok ng kaniyang kwarto, habang sinusundan ko ng tingin ang likod nito. 'Gwapo ka sana kaya lang maldito ka naman. Sayang lang ang gandang lalaki mo...hmmm.' Muling hataw ng utak ko.
"Zacharina, naririnig mo ba ako?" Agaw atensyon sa'kin ni Aleng Maria. Kanina niya pa pala ako kinakausap. Nakakahiya naman sa matanda, kabago-bago ko pa lamang dito, pero nalalayo naman ang takbo ng kaisipan ko.
"Hmmmm..may sinasabi po ba kayo Aleng Maria? Naku pasensya na po kayo ha! kasi naman nagulat lang po talaga ako ngayon sa nangyari, ganun po ba siya mantrato ng mga babaeng katulong dito Aleng Maria?" Sunod-sunod kong tanong sa matanda. Nacurious lang talaga ako sa nangyari, I mean nagulat talaga. First time kong makita ang anak ng amo namin pero ganito pa ang naging first encounter namin sa isa't-isa. Lumilipad na naman ang kaisipan ko.
"Di naman ganun si Sir Carlos mo Zach. Katulad ng sinabi ko sa inyo ni Reynaldo kagabi, mabait yan si Carlos, dahil ako ang nag-alaga diyan simula ng maliit palang siya." Mahabang paliwanag na sagot naman ni Aleng Maria sa mga tanong ko.
"Sana nga po Aleng Maria, kasi sayang siya---I mean, sayang ang pogi niya kung ganun naman kapangit ang ugali niya." Agap kong sagot kay Aleng Maria.
'Naku, ikaw self ha! itikom mong maigi 'yang bibig mo! Kung ano-ano na naman ang lumalabas sa bibig mo.' Kastigo ko sa aking sarili ngunit sa loob ng utak ko lamang ito sinasabi.
"Type mo si Sir Carlos nuh?" Tuksong tanong ni Aleng Maria sa'kin.
"Luh-anong type ka diyan Aleng Maria, wala pa po sa bokabularyo ko ang mga ganyan-ganyang bagay po. Para sa'kin nakakapaghintay naman po yan eh, at tsaka di po si Sir Carlos ang tipo ko Aleng Maria." Mahabang saad ko naman sa kaniya.
"Bakit anak, wala namang masama kung humahanga ka sa isang lalaki eh. At tsaka twenty ka na din naman diba! At di yun masama kapag crush mo ang isang tao, natural lang naman yun!" Mahabang paliwanag naman ni Aleng Maria sa'kin.
"Hay, halika na nga po Aleng Maria, samahan mo na 'ko dito sa kwarto, lilinisan ko na po ito, at nang tayo'y makaalis na dito, baka magalit na naman si Mr.Sungit." Hila ko sa braso niya para makapasok kami sa kwarto nitong si Sir Carlos.
Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na nakaupo sa sofa si Sir Carlos, nakaharap ito sa laptop niya na ngayon ay nakasuot na ng anti-radiation glass base sa observe ko.
"Change my bedsheet first," Salita nito kahit di siya tumitingin sa'min ni Aleng Maria. Medyo di na gaanong kalalim ang boses nito ngayon di katulad kanina sa paghaharap naming dalawa.
Agad lumapit ako sa bedsheet at dahan-dahan kong iniangat at inaalis ito sa kama, kasama na rin ang mga punda ng unan. Pinalitan na din namin ni Aleng Maria ang mga yun.
Habang ginagawa namin ang trabahong iyon, ni isa sa aming tatlo ay walang nagsasalita. Maigi na din kung ganun, tahimik lamang kami.
Palabas na sana kami ni Aleng Maria ng magsalita ulit ito na ikinatigil namin ni Aleng Maria.
"I need one glass of milk." Yun lang ang lumabas sa bibig nito. Di parin siya tumitingin sa amin ni Aleng Maria.
"Ako na ang magtitimpla ng gatas mo anak," Pagsegunda naman ni Aleng Maria sa sinabi nito. Lumabas na kami ni Aleng Maria sa kwarto nito at tinatalunton na namin ang daan papuntang third floor.
"Mauna ka na sa taas at ipagtimpla ko lang ng gatas si Sir Carlos mo." Pagtataboy sa'kin ni Aleng Maria paakyat ng taas. Habang binabagtas ko ang hagdan paitaas, nakaramdam ako ng pagkalula, medyo nakaramdam din ako ng pagkahilo. Napahawak ako sa railing ng hagdan at unti-unti humahakbang paitaas. Masasanay din naman ako balang-araw kapag araw-araw akong pumaparito. At sa wakas, narating ko na rin ang taas, napahinto na muna ako sandali para ipahinga ko muna ang sarili ko. Dala-dala ang bungkos ng susi agad kong binuksan ang unang kwartong nakita ko.
Sobrang lalawak talaga ng mga silid sa bahay na ito. Pero ang pinakamalaking kwarto talagang nakita at napuntahan ko ay ang kwarto ng mag-asawa at kay Sir Carlos. Halos kasing laki na ng bahay namin sa probinsya.
Agad na akong naglinis sa kwartong kinaroroonan ko para mabilis agad akong makatapos. Nagpapalit ako kurtina ng may biglang bumukas ng pintuan. Agad akong napatayo ng tuwid ng mabungaran kong si Aleng Maria pala ang nagbukas ng pintuan ng silid na ito.
"Nagulat ba kita nak?" Tanong sa'kin ni Aleng Maria ng makita ang ekspresiyon ng mukha ko.
"Opo Aleng Maria, akala ko kung sino ng Poncio Pilato ang nagbukas ng silid na ito eh." Ganting sagot ko naman sa tanong niya sakin.
"Ikaw na bata ka, wala namang ibang tao dito eh kundi tayo lang nila Sir Carlos at ang mga kasama nating katulong. Busy naman ang mga yun sa kaniya-kaniya nilang mga gawain. Si Sir Carlos naman, alam kong tulog na iyon, pagkatapos niyang inumin ang bigay kong gatas sa kaniya. Kaya sino ba ang iniisip mo na magbubukas ng kwartong ito maliban sa'kin anak?" Tanong ni Aleng Maria na ikinakunot ng noo ko.
"Naku, Aleng Maria, wala po akong ibang taong iniisip na papasok dito sa kwarto. Ang sa isip ko talaga niyan, baka may multo sa bahay na ito." Kaila kong agad na sagot sa tanong niya.
"Susmaryusep kang bata ka! Walang multo sa bahay na ito ha! At tsaka wala naman talagang multo sa totoong buhay eh, sa tanda ko na bang ito, maniniwala lang ako sa multo kapag dalawang mata ko na mismo ang makakakita dito, pero sa ngayon di mo ko mapapaniwala diyan sa multo-multo na yan." Mahabang ani ni Aleng Maria habang nagpapagpag ng sapin sa kama. Di na din ako nagsalita sa mga sinabi niya at tinuon ko na lamang ang aking sarili sa aking ginagawa.
Magtatanghali na ng kami'y makatapos sa lahat ng kwarto, kaya naman nakaramdam na kami ng gutom. Bumaba na din kami agad pagkatapos naming linisan ang lahat ng kwarto sa taas. Kumain na muna kaming mga katulong ng aming pananghalian. Habang nasa hapag-kainan na kami.
Isa-isa akong ipinakilala ni Aleng Maria sa mga kasama ko. Ako lang ang pinakabata sa kanilang lahat. Dahil halos lahat ng mga pinakilala sa'kin ni Aleng Maria ay nagkakaedad ng tatlumpo-pataas na.
"Naku ineng, kebata-bata mo pa pala, bakit naman naisipan mo ng magtrabaho agad, dapat sayo nag-aaral pa sa kolehiyo." Saad naman ni ate Lyn sa'kin.
"Para po makatulong agad ako sa aking mga magulang ate Lyn. Panganay po ako eh." Maikli kong sagot naman sa kaniya.
"Ay siya! kaswerte ng iyong mga magulang at napakabait mong bata pala. Ilan ba kayong magkakapatid?" Tanong ulit nito habang nakikinig lamang ang mga kasamahan namin sa aming pagpapalitan ng tanong at sagot.
"Tatlo po." Maikli ko namang sagot. Di ko naman ramdam sa mga kasama ko na may masama silang intensiyon sa'kin. At alam kong mababait sila. Lingid sa aming lahat may mga mata na palang nakamasid sa amin, habang kami ay kumakain. Napahinto ang pagsubo ko ng pagkain ng masaktuhan ng mga mata ko ang anino sa likod ng pader ng kusinang ito. Napadiretso tuloy ang upo ko habang nakatingin sa mga kasamahan ko. Nang makabawi, tumingin ulit ako sa pinagkukublihan ng anino na ngayon ay nakatayo na at nakasandal na sa pader ang katawan nito habang nakataas ang kaliwang paa na nakaapak sa pader nito, nakahalukipkip ang dalawang braso nito, sobrang titig na titig din ito sa aking mga mata. Yung mga mata niyang nanghahamon lagi ng away. Ayun ang nakikita ko sa awra ng mga mata niya. Pwes! hindi kita uurungan Sir Carlos.