CHAPTER 58 HAZEL POINT OF VIEW Dahan-dahan akong naglakad pa papasok sa loob ng silid. Muling bumalik sa aking isipan ang mga tanong na hindi ko masagot, at ang kuryosidad na patuloy na umaalipin sa akin. Marahang binagtas ang malamig na sahig, ang bawat hakbang ko’y halos hindi marinig. Habang pinagmamasdan ko ang bawat sulok ng silid, napadpad ako sa isang mesa na may nakapatong na kahon. Sa ibabaw nito ay isang kulay abong tela, na tila tinatakpan ang laman ng kahon. Ang kamay ko ay nangangatog nang marahan kong tinanggal ang tela. Nang matanggal ito, napaatras ako sa gulat. Ang laman ng kahon ay isang salamin—hindi basta-basta. Isang salamin na napakabigat at may kakaibang kabigatan sa hangin. Habang tinitingnan ko ang salamin, ang aking katawan ay tila napakabigat din, parang may

