CHAPTER 14 HAZEL POV Tanghali na at halos kalahati ng araw ko sa bagong trabaho ang lumipas. Sa kabila ng kaba at gulo ng emosyon ko tungkol sa mga huling pangyayari, pilit kong iniayos ang isip ko. Kailangan kong magpatuloy. Kailangan kong ipakita na karapat-dapat ako sa trabahong ito. Pumasok ako sa cafeteria ng kompanya at umorder ng simpleng pagkain—fried chicken, kanin, at iced tea. Habang naglalakad ako papunta sa isang bakanteng mesa sa sulok, ramdam kong may ilang mata ang sumusulyap sa akin. Marahil dahil bago lang ako. O baka dahil narinig na nila kung sino ang boss ko. Hindi ko na lang pinansin. Tahimik akong kumakain nang biglang may lumapit sa akin na babae. May dala rin siyang tray ng pagkain at may magaan na ngiti sa kanyang mukha. “Pwede bang maki-share sa table?” ta

