PINUNO ni Jade ng sariwang hangin ang dibdib habang nakatingin sa asul na dagat. Kanina ay maaga silang umalis ng mansyon at nagtungo rito sa Tierra de Amor. Malawak at maganda ang location ng dine-develop na resort ng mga Torres, at malapit na rin iyong matapos. Sinamahan siya ni Robert na libutin ang site, at pagkatapos ay sinundan na nila sila Jhermaine sa tabing-dagat. Kahapon akala niya ay mawawalan ng saysay ang pagsama niya rito, buong araw kasi siyang nakahilata dahil sa migraine pero ngayon ay bawing-bawi siya. Hindi niya mapigilan ang mapangiti habang tinatanaw si Robert na mukhang enjoy na enjoy sa pagsi-surfing. “Hindi ka ba talaga magsi-swimming, Ate Jade?” Napalingon siya kay Cassie. Dahil abala siya sa kakatanaw kay Robert ay hindi niya namalayan ang paglapit ng babae

