NAPAMULAT si Jade nang marinig ang mga katok buhat sa labas ng guest room na tinutuluyan. “Aww!” daing niya sabay sapo sa kanyang ulo bahagya pa ring sumasakit iyon. Kaninang umaga nang magising siya ay sinumpong na naman siya ng migraine, marahil ay dahil iyon sa tatlong araw siyang walang maayos na tulog. Sa sobrang excitement kasi niya sa pagpunta rito ay hindi siya nakakatulog ng maayos. Nakainom na siya ng gamot kanina pero hindi pa rin tuluyang nawawala ang p*******t ng ulo niya. Napilitan siyang bumangon nang may kumatok muli sa pinto. Kakamot-kamot sa ulo na tumayo siya at binuksan ang pinto. “Magandang tanghali ho,” magalang na sabi ng isa sa mga kasambahay ng mga Torres. “Ipinatatawag na ho kayo ni Ma’am Cassie para mananghalian.” Nangunot ang noo niya at bago nilingon an

