NAKANGITING inilapag ni Meril ang cellphone sa dining table at saka binalingan si Robert. "There, now you can stop nagging at me dahil sa pagtataray ko kay Mrs. Chuatingco," sabi nito na pinalapad pa ang mga balikat. "May bago na tayong pagkukunan ng mga furnitures para sa Tierra de Amor.” Noong isang linggo pa pinagagalitan ni Robert si Meril, ang kapatid ang sinisisi niya sa pagtanggi ni Mrs. Chuatingco na gawin ang mga furnitures para sa Tierra de Amor. Mula pa noon ay sa mga Chuatingco na sila kumukuha ng mga furnitures para sa mga hotel and resorts nila, pero dahil sa pagtataray ni Meril ay mukhang ayaw nang makipag-transaksiyon ng mga ito sa kanila. Kung sabagay, hindi rin naman niya masisisi ang kapatid, marahil ay napikon na ito sa ginang. Pinagseselosan kasi ni Mrs. Chuatingco

