MULING tiningnan ni Jade ang pintuan ng restaurant na kinaroroonan nila ng kapatid na si Onyx. Ngayon makikipagkita ang Kuya niya sa mga Torres upang pag-usapan ang tungkol sa mga furnitures na balak order-in nina Meril. Nang malaman niyang kasama ni Meril si Robert ay agad siyang nag-prisinta na samahan ang kapatid. “Hayan na sila!” aniya nang matanaw ang pagpasok nina Robert at Meril. Magkasabay silang tumayo ni Onyx. “Sorry we’re late,” ani Meril nang makalapit ang mga ito sa kanila. “Okay lang, halos kakarating lang din naman namin,” ani Jade na pilit ginagawang normal ang tinig. Pakiramdam kasi niya ay mabibingi siya sa lakas ng kabog ng kanyang dibdib pagkakita kay Robert. “This is my Kuya Onyx, siya ang nagma-manage ng furniture business namin.” “I’m Meril Torres,” nakangiti

