Chapter Three

1061 Words
TAHIMIK na pinagmasdan ni Jade ang sariling repleksiyon sa malaking salamin na nasa loob ng suite niya. Nasa Mystic Landia Resort siya sa Laiya, San Juan, Batangas para um-attend ng Party of Destiny. Siya lang mag-isa ang nagtungo rito dahil wala na siyang iba pang niyaya maliban kay Anikka. Alam kasi niya na katulad din ng sinabi ng babae ang sasabihin ng iba pa niyang mga kaibigan kapag nalaman ng mga ito kung ano’ng klaseng party ang pupuntahan niya. Sa totoo lang, pagkatapos nilang mag-usap ni Anikka tungkol sa party ay nagdalawang-isip na rin siya kung tutuloy sa pagpunta rito, pero talagang may kung ano’ng puwersa na humahatak sa kanya patungo rito. Sa huli ay nagpasya na nga siyang tumuloy. Umikot siya sa harapan ng salamin. She’s wearing a dark olive green tube-top gown na nagpalutang sa maputi at makinis niyang balat. Maganda ang lapat niyon sa kanya kaya kitang-kita ang magandang kurba ng kanyang katawan. Nang masiyahan na sa ayos niya ay saka niya isinuot ang itim na maskara na napapalamutian nang maliliit at makikinang na mga bato. Maya-maya pa ay lumabas na siya ng silid para magtungo sa function hall ng resort.  Hindi niya mapigilang mapahanga sa ganda ng resort. Kahit madilim na ay ma-a-appreciate mo pa rin ang paligid. In fact, pakiramdam niya ay naglalakad siya sa isang paraiso. Nang marating niya ang function hall ay nahigit niya ang kanyang hininga. The venue is indeed splendid. Napaka-elegante at romantic ng ambiance dahil sa mga dekorasyon at musikang tinutugtog ng orchestra. Marami-rami na rin ang mga taong naroon, at tulad niya ay panay nakamaskara ang mga ito.  Dama niya ang mabilis na t***k ng puso niya dahil sa excitement na nararamdaman. Napahinga siya ng malalim. Please, sana mangyari na ngayon 'yong moment na hinihintay ko. Sana ngayon na. Sana dito na, tahimik niyang dasal bago siya humakbang upang makisalamuha sa mga naroon.  ******** SERYOSO ang mukha ni Robert habang nagmamaneho patungo sa apartment ng kaibigan ni Cassie na si Yza. Nang dumating sila kanina ni Meril sa bahay mula sa dinner-meeting ay nalaman nilang wala roon ang bunsong kapatid. Agad niyang naisip na baka nagpunta ito sa sinasabi nitong birthday party noong nagpaalam ito sa kanya, pero nang tawagan niya ang ilang mga kaibigan ni Cassie ay wala naman raw may birthday sa mga ito, at lalong wala raw silang kilala na Aileen Mendiola. Magkahalong inis at pag-aalala ang naramdaman niya nang malaman iyon.  “She’s not answering my call,” ani Meril pagkatapos ibalik sa bag ang cellphone nito. “Paano kung hindi rin sila magkasama ni Yza, saan pa natin siya hahanapin, Kuya?”  Hindi siya sumagot.  Marahang napailing si Meril. “Kung pinapayagan mo na lang kasi si Cassie kapag nagpapaalam siya, hindi sana ganito na hindi natin malaman kung saan siya hahagilapin.”  Kunot-noong sinulyapan niya ang kapatid. "So, are you telling me this is all my fault? Tingnan mo nga, nagsabi nga siya pero hindi naman totoo ang ipinagpaalam niya. How can I trust that brat kung ganito ang ginagawa niya?"  “Siguro iniisip niya na baka hindi mo siya papayag kung sasabihin niya sa 'yo ang totoong lakad niya. Ang problema kasi, Kuya, masyado kang over-protective. Nakaka—”  “And you know exactly why I’m like this, right?” putol niya sa kapatid. "Kung hindi ako naging mahigpit noon ano kaya ang naging buhay mo ngayon? Malamang naging drug addict ka na rin tulad ng dati mong boyfriend. At si Luke, malamang nakasama siya sa aksidenteng ikinamatay ng mga barkada niya.”  Hindi umimik si Meril. Napahugot lang ito ng malalim na hininga at saka nag-iwas ng tingin.  Hindi na rin siya nagsalita. Namayani na ang katahimikan hanggang sa marating nila ang apartment ni Yza. Magkasama silang magkapatid na bumaba ng kotse para kausapin ang kaibigan ni Cassie.  “Tao po!" ani Meril habang kumakatok ito sa pinto ng apartment.  Nakapamulsa siya habang nakatayo sa likuran ng kapatid. He was silently praying na sana ay naroon ang bunso nila; dahil kung wala ito roon, hindi na talaga niya alam kung saan pa ito hahanapin.  Ilang sandali pa ay bumukas na ang pinto. “Kuya Rob, Ate Meril,” ani Yza na bakas sa mukha ang pagka-sorpresa nang makita sila. “Napadaan ho kayo.”  “Good evening,” ani Meril na tipid pang nginitian ang babae. “Nagbabaka-sakali lang kami kung nandito si Cassie. Kanina pa kasi namin siya hinahanap.”  “Wala ho siya rito. Actually, maghapon po kaming hindi nagkita today,” tugon ni Yza. “Pero ang alam ko ho may lakad siya ngayon.”  “Alam mo ba kung saan siya pumunta?” tanong ni Meril sa babae.  “Ang sabi ho n'ya two days ago, a-attend daw ho s'ya ng party, eh,” ani Yza.  “Party? Saan?” singit niya.  Nagkibit-balikat si Yza. “Hindi ko ho alam. Last week ho, niyaya niya akong sumama sa kanya, sabi ko hindi ako puwede. Sorry po, hindi ko ho talaga alam kung saan ang party na 'yon. Pero ang natatandaan ko, sabi ni Cassie, masquerade party raw ho 'yon. Sabi kasi niya no’ng niyaya n'ya ako, kailangan daw naka-formal attire with mask ang mga guest."  “Masquerade party?” ulit ni Meril sa sinabi ng babae.  Tumango si Yza.  Napabuga ng hangin si Meril at binalingan siya. “Kuya, I think I know where to find her.”  Kunot-noo na tiningnan niya ang kapatid.  “Nakuha siguro ni Cassie sa condo ko 'yong invitation na ipinadala sa 'kin. It’s a masquerade party sa isang bagong resort sa Batangas,” sabi ni Meril.  “Pero kanino'ng party?” naguguluhan niyang tanong.  “I don’t know,” napakibit-balikat na sagot ni Meril. “Kaya nga hindi ko pinansin 'yong invitation, kasi hindi ko nga alam kung kanino nanggaling, eh. Iniabot lang 'yon sa akin ng guard sa condo ko, may nagpapabigay raw sa akin niyon. I must have placed it somewhere, at nakita ni Cassie noong matulog siya roon.”  Lalong nag-alala si Robert sa narinig. Umalis ang bunso nilang kapatid nang walang kapaa-paalam at nagtungo sa party ng isang taong hindi nito kakila-kilala. “Halika na, puntahan na natin siya,” aniya na nauna nang naglakad pabalik sa kotse. Hindi niya napigilang mapailing. Pakiramdam niya ay mabilis talaga siyang tatanda at makakalbo sa konsumisyong ibinibigay ni Cassie sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD