Chapter Two

1578 Words
TAHIMIK ang hapag habang nag-aalmusal sina Robert at ang bunso niyang kapatid na si Cassie. Kahapon ng umaga ay sermon ang isinalubong niya pag-uwi nito buhat sa condo ng kapatid nilang si Meril. Umalis kasi ang babae nang walang paalam kagabi at bukod doon ay kinailangan pa itong sunduin sa bahay ng kaibigan nito dahil sa labis na kalasingan. Siya sana ang susundo kay Cassie pero pinigilan siya ni Meril, at sa halip ay ito na lang ang sumundo rito.  "Papasok na ako," ani Cassie na tumayo na pagkatapos nitong kumain.  Nag-angat siya ng tingin. "Hanggang ano'ng oras ang classes mo?" "Until lunchtime, then may meeting kami ng mga ka-org ko." Nangunot ang noo ni Robert pero bago pa siya makapagsalita ay naunahan na siya ni Cassie. "Next week na ang foundation ng university kaya busy ang mga organization sa school. Don't worry, uuwi agad ako. I'll be home bago pa dumating sina Mama at Kuya Luke."  "Next week pa uuwi sina Mama," aniya na ibinalik ang tingin sa hawak na newspaper. "What? Bakit?" nagulat na tanong ng babae. "Nag-request kasi si Lola na mag-stay pa sila roon for another week. Anyway, ngayon lang naman ulit nadalaw ni Mama si Lola sa Canada after almost five years."  "Hindi sila makakauwi before the thirteenth day of the month?" bakas ang pagkadismaya na tanong ng dalaga. Tiningnan niya ang kapatid. "May problema ba kung hindi sila makakauwi kaagad?"  Ilang segundong nawalan ng kibo si Cassie, maya-maya ay umiling ito. "Wala. I'll go ahead." Tinalikuran na siya nito pero nakakailang hakbang pa lang ang babae nang muli itong humarap sa kanya. "Kuya." Tiningnan niya ito.  "`Di ba sabi mo wala naman masama if I go out with my friends basta magpapaalam ako," anito na parang nag-aalangan ang tinig. "May lakad kasi ako sa thirteen, eh."  Pigil ni Robert ang sarili na mapailing. Kahapon lang ay nasermonan na niya ito pero heto at lakwatsa na naman ang iniisip ng kapatid. Kaya pala nadismaya ito nang sabihin niya na hindi pa uuwi ang kanilang ina. Sigurado siya na kung nandito ang ina ay doon ito magpapaalam, at hindi sa kanya, o baka nga lumakad pa ito nang hindi talaga nagpapaalam.  "Where are you going?" tanong niya.  "Birthday kasi ng kaibigan ko, in-invite ako. Overnight daw."  "Overnight? Saan?"  "Ahm... sa Batangas. May resthouse kasi sila ro'n."  Hindi nagsalita si Robert. He had a strange feeling that his sister is lying. "Where in Batangas? Sino'ng kaibigan?" "I forgot kung saan sa Batangas, eh," ani Cassie na parang pilit pang inalala kung saan ang lugar na sinasabi nito. "Anyway, Aileen Mendiola ang name ng kaibigan ko. So, can I go with them?"  Ilang sandali niyang tinitigan ang kapatid bago siya umiling. "No."  Nagusot ang mukha ni Cassie. "Why? 'Di ba sabi mo, basta magpaalam lang ako nang maayos ay papayagan mo ako. Don't tell me nakalimutan mo na ang sinabi mo kahapon?"  "I clearly remembered it. Sinabi ko nga iyon sa 'yo but that depends on where you're going, at kung sino ang kasama mo. And in this case, hindi ko kilala ang Aileen na sinasabi mo, so how will I know kung safe ka kasama ang taong iyon?"  "Pero Kuya-" "Kung gusto mong payagan kita, sabihin mo sa Aileen na 'yon na ipagpaalam ka niya sa akin," putol niya rito.  "Ano ako, elementary or high school student na kailangan pang ipagpaalam ng ganoon sa 'yo!?" pakli nito. "Kuya, twenty years old na ako! Nakakahiya naman kung sasabihin ko kay Aileen na kailangan pa niya akong ipagpaalam sa paranoid at over strict na Kuya ko. Ano ba?! Talo mo pa si Papa, eh!"  Hindi siya kumibo. Aminado si Robert na overprotective siya sa mga kapatid. Buhat nang mamatay ang kanilang ama ten years ago ay siya na ang tumayong ama sa mga ito. Siya ang naging katuwang ng ina sa pag-aalaga kina Meril at sa pagpapatakbo ng mga negosyo nila. Alam niyang kontrabida ang tingin sa kanya ng mga kapatid pero para sa kanya ay walang masama roon. Gusto lang naman niyang masiguro na magiging maayos ang buhay ng mga ito. "Kung nandito si Mama tiyak—" "But she's not here, kaya ako ang masusunod," putol niya rito. "Kung hindi pupunta rito ang Aileen na 'yon, then you're not going."  Kagat ang ibabang labi na tiningnan siya ng matalim ni Cassie. Halatang nagtitimpi lang ito  na makipag-sagutan sa kanya.  "Bakit hindi ka na lang sumama sa amin ng Ate mo? May dinner kami ni Meril with our new investors sa thirteen, marami kang matututunan sa pag-uusapan namin do'n," he added.  Tila napapaiyak na sa inis ang dalaga. "Hindi na," mapaklang sabi nito na hindi na nangiming ipakita ang pagrerebelde ng kalooban. "Kung hindi mo ako papayagan, then I'd rather stay here na lang sa bahay." Bago pa siya makapagsalita ay nagdadabog na iniwan na siya ng babae. Naiiling na napasunod na lang ang tingin niya rito.  ******** MULING sinulyapan ni Jade ang bag na nasa ibabaw ng kanyang kama. Nakaupo siya sa couch malapit sa bintana ng kanyang silid, hawak ang isang pocketbook. Araw ngayon ng Linggo at sarado ang shop, kapag ganoon ay nasa  bahay lang siya, at madalas ay nauubos ang oras niya sa pagbabasa.  Maya-maya ay isinara niya ang libro at tinungo ang kama. Kinuha niya sa bag ang sobreng ibinigay sa kanya ni Gwen two days ago. Invitation sa Party of Destiny ang laman niyon, pero hindi niya alam kung kanino ito nanggaling. Ang sabi ni Gwen ay 'Jihan' ang pangalan ng babaeng nagpa-abot niyon sa kanya, pero wala siyang maalalang kakilala na may ganoong pangalan. Wala rin siyang kilalang 'Lolo Kupido' na siyang host daw ng party.  Naisip niyang baka joke lang iyon, pero sino naman ang sira-ulong magti-trip sa kanya ng ganoon? At hindi rin niya maintindihan kung bakit hindi mawala-wala sa isip niya ang invitation, marahil ay dahil sa salitang 'destiny' na nakasulat doon.  Sinubukan niyang i-search sa internet ang tungkol sa Party of Destiny ngunit wala siyang nakuhang impormasyon. Pero nang subukan niyang i-search ang 'Mystic Landia Resort'—ang venue ng party—may nakita siyang maikling article tungkol doon. Isa umano itong bagong resort sa Batangas at sa darating na ika-labing-tatlo ng Pebrero ng gabi ang grand opening nito; iyon din ang petsa ng Party of Destiny. Posibleng gimik lang iyon ng may-ari, pero sino iyon? Kilala ba niya ang may-ari ng resort?  Napa-igtad siya nang mag-ring ang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng bedside  table. Kinuha niya iyon. "Are you free tonight?" si Anikka ang nasa kabilang linya.  "Why?" ganting tanong niya. Nahiga siya at napatitig sa kisame.  "Nagyayaya kasi sila Louise na manood ng movie at dinner na din." "Ah, okay," tila wala sa sarili na wika niya. Abala ang diwa niya sa pag-iisip kung pupunta siya sa party. Kung pupunta siya, ano naman ang kanyang isusuot? Ayon sa imbitasyon dapat naka-long gown ang mga babae at may suot na maskara.  Magri-rent na lang ako, aniya sa sarili. Pero saan ako kukuha ng maskara? "Jade Alexandria!"  Pakiramdam niya ay nabasag ang eardrum niya sa lakas ng boses ng kaibigan. "Ano ba?! Bakit ka ba naninigaw?!"  "Ay! At ikaw pa ang galit? Eh, ako nga itong kanina pa nagtatanong hindi ka naman sumasagot!" mataray na sabi ni Anikka.  Napasimangot siya. "Ano ba kasi 'yon?"  "See! Dakdak ako nang dakdak wala ka naman palang naiintindihan!" naiinis na sabi ng babae. "Tinatanong kita if you want to come with us. Kasi kung sasama ka susunduin kita d'yan ng six." "E-ewan ko," aniya na napakamot sa ulo. "Ano'ng ewan mo?" bakas ang iritasyon na sabi nito. "Ano ba?! Bakit ba parang wala ka na naman sa sarili mo?"  "Wala, may iniisip lang ako," wika niya.  "Ano?"  Hindi kaagad siya sumagot. Maya-maya ay napahinga siya nang malalim at bumangon mula sa pagkakahiga. "May lakad ka ba sa thirteen?"  "Wala, why?"  "Gusto mo bang sumama sa akin na um-attend ng party? May nagpadala kasi sa 'kin ng invitation para sa isang masquerade party called Party of Destiny. Good for two person—"  "Destiny na naman!" putol sa kanya nito. "Nakakaloka ka! Narinig ko na naman sa 'yo ang salitang 'yan. Kanino'ng party ba 'yan? Sino'ng nag-invite sa 'yo?" "Hindi ko alam." "Ano'ng hindi mo alam?!"  "Jihan daw ang pangalan nang nagpabigay nitong invitation, pero wala naman akong kilalang Jihan. But I think kilala ako ng nagpadala nito kasi—"  "You mean pupunta ka sa party ng isang taong hindi mo kakila-kilala?! Are you crazy?!" singhal sa kanya ni Anikka. Noon siya tila nahimasmasan. Hindi siya nakaimik, kagat ang ibabang labi na tinuktukan niya ang sarili. Ano ba'ng naisipan niya at binanggit-banggit pa niya iyon sa kaibigan?  "Tiyak na 'yang kahibangan mo na naman doon sa hula ang dahilan kaya gusto mong pumunta roon, 'no? Jade, utang na loob, mag-isip ka naman. Paano kung may masamang mangyari sa 'yo? Paano kung masamang tao pala ang nagpadala n'yan? Huwag na 'wag kong malalaman na pumunta ka d'yan, talagang tatamaan ka na sa akin!" Hindi siya nakasagot. Naisip niyang may punto ang kaibigan. Ano nga ba'ng kalokohan ang pumasok sa isip ko? naisaloob niya. "Basta mamaya susunduin kita, okay? Sumama ka na lang sa amin para mawala sa isip mo 'yang kabaliwan mong 'yan. Bye!"  Nawala na ito sa linya. Binitiwan niya ang cellphone at napapahinga nang malalim na binalingan ang invitation. Napapailing na tumayo siya sa kama para maghanda ng isusuot mamaya sa lakad nila ng mga kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD