Chapter 5

4991 Words
“I was waiting for you to approach me, kasi I thought gusto mo pa rin akong maging model mo, for your painting project? maliban nalang kung nakahanap ka na ng iba.” Tahasang sambit nito na naging dahilan ng pagkunot noo ng mga kaibigan niya. Nagkatinginan ang dalawa tapos ay  Sabay na tumingin sa gawi niya, parehong nagdedemand ng explanation ang mukha ng mga ito.             Napangiwi si Ellie dahil hindi niya inaasahan na iyon agad ang ibubungad ni Jake sa kanya, sa harap pa mismo ng mga kaibigan niya, may pag-aalala ang mukha niyang nilingon sina Vanessa at Maris, Mabuti na lamang at hindi niya naikwento sa mga ito ang lahat ng nangyari noong gabi ng annual ball. Pilit na ngiti ang itinapon niya sa mga kaibigan niya, Sinenyasan niya ang mga ito na mauna na sa dorm nila at susunod na lang siya. Nagets naman ng dalawa na nais niya mapagsolo sila ni Jake, kaya nagpaalam na ang mga ito kay Jake at tuluyan ng umalis. Hindi pa man nakakalayo ang mga ito ay muling sumulyap sa gawi nila sina Maris at Vanessa, nanunukso ang mga mata, Tinuro ni Maris si Jake tapos si Ellie sabay nagkorte ng puso gamit ang dalawang palad nito. Irap ang isinagot niya na sa mga ito, bago muling ibinaling ang paningin kay Jake.             “Sir, gusto ko po sana humingi ng tawad sa inasal ko sa inyo nung gabi ng annual ball.” Panimula ni Ellie ng makalayo na sa kanila ang mga kaibigan niya. “Hindi ko po akalain na professor po kayo dito sa school. Patawarin niyo po sana ako.” dahan dahang yumuko si Ellie bilang tanda ng kanyang sincere apology.             “Mmmmm, I’m not sure. Hindi kasi basta basta ang ginawa mo that night.” Hindi alam ni Ellie kung nagbibiro ba si Jake sa sinabi nito kaya napaangat ang ulo niya para tingnan ito sa mukha. Bigla na naman niyang naalala ang paghalik niya dito, kaya lalo siyang nakaramdam ng hiya.             “Oh bakit namumula ka?” natatawang puna nito sa kanya.             Pilit itinago ni Ellie ang mukha niya kay Jake.             “Pasensya ka na, Binibiro lang kita. Hindi ako nandito para itorture ka about that night Ellie.” Parang musika kay Ellie ang pagkakabanggit nito sa pangalan niya. “I’m on my way to the Cafeteria ng hindi ko sinasadyang narinig ang pag-uusap niyo ng mga kaibigan mo na naghahanap ka pa rin ng tao para ipinta, tama ba?”             Dahil sa sinabi nito ay biglang napatingin si Ellie kay Jake. “Payag na po ba kayo maging model ko?”             Ngumiti ito. “Kung gusto mo pa rin akong ipinta. Edi sige.”             Ang lapad ng naging pagkakangiti ni Ellie, hindi niya inaasahan na papayag ito na ipinta niya at ito pa nga ang kusang lumapit sa kanya. Masaya na sana siya ngunit bigla siyang nakaramdam ng takot kaya napalis ang mga ngiti niya. Professor niya ito sa subject na pagpapasahan ng artwork niya, at higit sa lahat ito raw si Jaki, though hindi pa naman confirm na ito nga talaga si Jaki, pero paano kung hindi niya pa rin kaya magpinta ng mukha ng tao? Paano kung madisappoint ito sa gawa niya at hindi nito magustuhan ang pagkakapinta niya sa mukha nito? Paano kung maaksaya lamang niya ang oras nito dahil hindi pa naman siya sobrang galing sa pagpipinta.             “Ayaw mo ba?” tanong nito ng mapansin ang pag-aalangan sa mukha niya.             “Sir, hindi po kasi ako ganun kagaling. Baka po madisappoint kayo sa akin.” Pag-amin ni Ellie.             Natawa ito. “Nasaan na yung determinadong Ellie na nakilala ko nung gabi ng ball?” Napakamot sa likod ng tenga niya si Ellie, hindi niya alam kung ano ang itutugon niya dito. “Never doubt yourself, Ellie. You become who you think you are. Isa pa hindi naman kita nirerequire na maging magaling para ipinta ako. Kaya nga ako ang professor mo eh, para matulungan kita to improve what talent God has given you.”             Sa mga tinuran na iyon ni Jake, gumaan ang loob ni Ellie. Napahanga siya ng mga salita nito. “Salamat po.” “Though ang Arts Festival will be in five days from now, Nirequire ko ang klase niyo na mapakita sa akin ang finished artwork niyo two days before the Arts Festival, kaya halos wala ka na rin palang time” ani ni Jake na humawak sa baba nito at nag-isip sandali. “I can give you my six o’clock to eight o’clock in the evening today and tomorrow para matapos mo ang painting mo in time, kasi the following days, Kasama ako ni Professor Luca sa meetings ng comittee ng Arts Festival. Sa tingin mo ba kaya mo itong tapusin ng dalawang gabi lang?” “Opo!” confident na sagot ni Ellie. “That’s the Spirit!” Ani nito pagkatapos ay tumayo na ito. “Alright then, hihintayin kita sa painting classroom mamaya six in the evening.” “Thank you, thank you po talaga sir.” abot tenga ang ngiti ni Ellie para dito. Tumayo na si Jake at saka nagpaalam sa kanya. *** “Ms. Villanueva!” mababanaag ang pinipigil na galit sa boses ni Jake, habang matiim itong nakatitig kay Ellie. Nakatayo ito sa pintuan ng isang cafeteria sa labas lamang ng school campus nila, Kung saan kumakain ang grupo nila Ellie. Noong una ay nagtaka si Ellie ng makita si Jake, pero pagkatapos ng ilang segundo doon niya narealized ang pagkakamali niya. Kasama ni Ellie sina Vanessa at Maris, kakatapos lamang nilang magdinner pero halos puno pa rin ang cafeteria, ito ang pinakamalapit na kainan sa school nila kaya halos lahat ng estudyante na kumakain doon ay mga taga SBU. Napahinto ang mga naroon dahil sa pagsigaw ni Jake sa pangalan ni Ellie. Pabulong na pinagalitan ni Ellie ang sarili. Sobrang lakas ng kaba niya ng tumayo siya mula sa pagkakaupo para salubungin ang papalapit na si Jake. “What happened to you?! kanina pa ako naghihintay sayo.” halata sa boses ni Jake ang pagkainis. Nagbulungan ang ibang mga estudyante na nakarinig sa tinuran ni Jake. Tiningnan ni Ellie ang wristwatch niya para icheck ang oras. Eight o’clock na ng gabi. Napakagat siya sa ang labi niya. Nakalimutan niya ang usapan nila ni Jake na magkikita sa painting classroom ng six o’clock para sa painting project niya. Pinaghintay niya ito ng halos dalawang oras sa hindi niya rin malamang dahilan. “Sir pasensya na po, nakalimot po ako.” paliwanag ni Ellie. “Alam ko hindi po iyon excuse sa naging behavior ko, pasensya na po talaga.” Nagsusumamong paghingi ng tawad niya. What’s wrong with her? Ang tagal niyang ninais na maipinta ito, tapos nang bigyan siya ng pagkakataon ganito ang ginawa niya? Pinaghintay niya ng ilang oras ang professor niya na nag-offer sa kanya ng tulong para magawa niya ang proyekto niya. Unti unting nawala ang dilim sa mukha ni Jake, maya maya pa ay napabuntong hininga ito. “Ellie, Naiintindihan ko na busy ka at maraming iniisip, pero may mga bagay din ako na kailangang gawin. Itong pabor na ito, ikaw ang humingi sa akin remember? Sana lang sabihan mo ako kung hindi ka makakapunta para sana hindi ako naghihintay sa wala.” Mahinahon pero puno ng diin ang bawat kataga ni Jake. Pinapangaralan siya nito, na nakadagdag sa hiyang nararamdaman ni Ellie. “Sorry po talaga sir.” Walang ibang masabi si Ellie kundi ang humingi ng tawad. Disappointed talaga siya sa sarili niya this time. Sa kabila ng willingness nito na matulungan siya, Ay ganito ang naging ganti niya. Nagsimulang magblur ang mga mata niya dahil sa mga luhang namuo roon.  “Sumunod ka sa akin.” utos ni Jake bago tumalikod at tuluyang lumabas ng cafeteria. Dali daling pinunasan ni Ellie ang mga luha sa mata niya at sinundan si Jake hanggang sa makarating sila sa painting classroom kung saan nila napag-usapan na magkikita. Pagpasok na pagpasok nila ng classroom ay agad nagsalita si Jake. “Do you still want to proceed with the painting session?” matabang na tanong nito. Tango ang isinagot ni Ellie pero dahil nakatalikod si Jake sa kanya, kaya hindi nito nakita ang pagtango niya, akala ni Jake ay hindi siya inimik ni Ellie kaya lumingon ito sa kanya. Bakas pa rin sa mukha nito ang pagkairita. “Opo.” Dali daling tugon ni Ellie nang makita ang nakasibangot na mukha ni Jake. Pumikit at huminga ng malalim si Jake, Pinapakalma nito ang sarili. “Pagbibigyan kita sa ngayon Ellie. Pero ayoko na na mauulit ito, naiintindihan mo ba? Mahalaga ang oras ng bawat tao, at hindi magandang ugali ang paghintayin mo ang kapwa mo sa wala, kung hindi ka makakarating sana magsabi ka.” Sermon nito sa kanya.   “Sorry po.” Hindi na mabilang ni Ellie kung pangilang beses na niyang nasambit ang salitang sorry. “Hindi rin magandang ugali ang paghalik sa taong hindi mo pa kilala ng wala permiso. Wag mo na rin uulitin iyon” dagdag sermon ni Jake na ikinagulat ni Ellie. “Po?” Nagtaka si Ellie, bakit inopen na naman nito ang topic na iyon. Napangiti si  Jake ng makita nito ang panic sa mukha niya.             Tumalikod na ito sa kanya at lumakad patungo sa platform sa harapan na inilaan para sa mga modelo ng painting class.             “Paanong pose ang kailangan kong gawin?” tanong nito sa kanya.             “Ahh.. ano po..” Nag-isip si Ellie sandali. “Upo nalang po kayo sir.”             Kumuha si Jake ng upuan tapos nilagay iyon sa gitna ng platform at naupo.             Nakacross legs ito, habang nakasandal ang dalawang kamay sa arm chair. Nakadiretso ito ng tingin sa kanya.               “Sir, medyo slant po kayo ng kaunti.. yung ulo niyo.”             “Ganito ba?” Ibinaling ng kaunti ni Jake sa bandang kaliwa ang mukha niya.              “Opo.” Napangiti si Ellie. Nakaupo na si Ellie sa easel niya. Kumuha din sya ng blank canvass na nakalagay sa supply area ng classroom, mula sa maliit na cabinet doon kinuha niya ang oil pastels niya. Bago siya nagsimulang gumuhit, sumulyap siya kay Jake na hindi talaga gumagalaw sa pagkakapose nito. Naka puting polo shirt ito at skinny Jeans tapos white snicker shoes. Napaka casual ng suot nito ngayon at fresh itong tingnan, mukha pa lamang ni Jake amoy mabango na. “Do you really prefer to have a live model kesa magdraw using photographs as a reference?” Tanong ni Jake. “Um, to be honest po, iyon po ang nasa isip ko nung inalok ko kayo na maging model ko, plano ko po sana kuhanan lang kayo ng picture pero kasi, Bigla po kayong nagsetup ng oras ng painting seession eh.” “Oo nga noh?” natatawang napakamot si Jake sa sintido niya. “Out of habot na siguro, madalas kasi ako ang nagseset ng mga meetings.” “Okay lang din po ang ganitong set up, atlis nandyan  kayo to guide me, so bonus points po iyon.” ani ni Ellie. Sinimulan ni Ellie na iguhit ang hugis ng mukha ni Jake,  tapos sinunod nya ang buhok. Tapos ang leeg, tapos ang mga kilay, tapos ang hugis ng mga mata nito. Hindi sya nasiyahan sa pagguhit niya ng mata nito, Pakiramdam niya hindi niya nabigyan ng justice ang magandang mata ni Jake. Binura niya iyon at muling gumuhit ng isa pa, ngunit ganoon pa rin ang resulta, binura niyang muli ang ginuhit niyang mga mata. Wala sa loob na napabuntong hininga si Ellie, Hindi niya magawang maiguhit ng maayos ang mga mata ni Jake, ang mga matang iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit gustong gusto niyang ipinta ang binata. Sobrang disappointed siya sa sarili nya, Marahas siyang umiling na nakaagaw naman ng pansin ni Jake.“Something wrong?” Pilit na ngumiti si Ellie ng tingnan niya si Jake para itago ang dismaya sa sarili nya. “Painter’s block po siguro sir.” Nakita ni Ellie ang pagkunot ng noo ni Jake kaya minabuti niyang ipaliwanag dito ang sitwasyon niya. “Simula pa kasi noon pa hindi ko makayang gumuhit ng mukha ng tao, hindi ko din po alam kung bakit.” Napakagat labi sya bago muling nagpatuloy magpaliwanag. “Akala ko kasi kapag nakahanap ako ng subject na magiging interesado ako, mabrebreak ko na iyon, kaya nga  pinilit pilit ko kayo na maipinta kasi may facial features kayo na gustong gusto kong iguhit, pero hindi ko pa rin yata kaya.. Pasensya na kayo sa abala sir.” napayuko na lamang si Ellie at itinuon ang paningin sa mga kamay nya. “Alam mo, whenever you are facing an artist block, all you need to do is to see somebody else work, to absorb an inspiration at para makakuha ka din ng tips.” ani ni Jake na tumayo mula sa kinauupuan niya at lumapit kay Ellie. Kinuha ni Jake ang cellphone niya mula sa bulsa ng pantalon nito at nagtype doon. Maya maya pa ibinalik nito sa bulsa ang cellphone at tumingin ito kay Ellie. “Halika, I know the right place to do that.” pagkasabi noon ay tumalikod na ito palabas ng classroom Gusto niya ba akong sumunod sa kanya?Nagtatalo ang isip ni Ellie kung susunod ba kay Jake o hindi. Bandang huli ay kusang lumakad ang mga paa niya palabas ng classroom. "Saan po tayo pupunta?" habol na tanong ni Ellie kay Jake. Hindi sya sinagot nito, Patuloy lamang ito sa paglalakad hanggang sa makarating sila sa parking lot ng school. Lumapit ito sa isang malaking black motorbike. "Sa inyo pong motorbike ito?" tanong niya habang sinisipat ang isang black and silver cruiser motorbikes. "Yeah, pero binebenta ko na ito." tugon ni Jake habang inaabot ang helmet na nakasukbit sa isang handle ng motorbike. "Bakit naman po?" "Kasi may inaalagaan din akong reputasyon ko Ellie, bilang professor sa school hindi yata magandang mas gwapo sa paningin ng mga estudyante ko ang motorbike ko kesa sa kakayahan kong turuan sila." Natatawang sambit nito. Naiiling na natawa si Ellie sa biro nito. “Hindi nga po? Bakit niyo po binebenta, eh ang ganda pa naman.”  “Well, ang tagal na kasing sinasabi ng nanay ko na wag ako magmomotor dahil natatakot siya, sa safety ko dala siguro ng mga napapanuod niya sa balita na mga aksidente. Isa pa hindi ko na rin naman ito magagamit dahil kotse na ang balak kong gamitin sa pagpasok ng school mas convinient iyon dahil ang dami ko ng bitbit gaya ng mga lesson plan at kung ano ano pa, so kesa matambak siya edi ibenta na lang.” Paliwanag nito  “Wear this!” Utos nito sa kanya sabay abot ng helmet kay Ellie. "Saan po ba tayo pupunta?" Hindi sinagot ni Jake ang tanong niya sa halip lumapit ito sa kanya at isinuot sa ulo nya ang hawak nitong helmet. Umangkas ito sa motor, Inistart ang engine. “Sakay na!” ani nito kay Ellie. “Wala po kayong helmet?” Tanong ni Ellie ng mapansin na walang suot na helmet si Jake. Napangiti si Jake. “Iisa lang kasi helmet ko. Hindi ko naman inakala na mag-aangkas ako ng babae sa motor ko.” Napangiti si Ellie sa narinig na tinuran ni Jake, mabuti na lamang at may suot siyang helmet kaya hindi nito nakita ang pagsigla ng mukha niya. Umangkas si Ellie sa motor nito at naupo siya sa likod ni Jake. Hindi niya alam kung saan sila pupunta at hindi niya rin alam kung bakit ang bilis niyang nagtiwala at sumama dito. Ang alam niya lamang ay magaan ang loob niya dito, at mas nararamdaman niyang safe siya kapag kasama niya ito. Sabagay kung masamang tao talaga ito edi sana may ginawa na itong masama sa kanya nung gabi ng ball. Hindi malaman ni Ellie kung saan sya hahawak sa beywang ba ni  Jake o sa balikat nito. Hindi pa siya nakakapagdesisyon ng biglang paandarin ni Jake ang motor kaya napayakap sya sa beywang nito. Tumagal ng ten minutes ang byahe nila hanggang sa makarating sila sa Jakegenix Art Gallery. Hindi makapaniwala si Ellie na dito siya dadalhin ni Jake. Lalong nanlaki ang mga mata niya ng pumasok sila sa loob. Malawak ang lobby ng art gallery, May malaking chandelier sa gitna. Sa tapat ng main door ng art gallery may concierge table, Kasya ang pitong empleyado sa haba noon,  Dinadayo ang gallery na iyon tuwing may exhibit ito, ngunit ngayon ay walang katao-tao maliban sa isang lalaki na nakatayo sa conceirge desk. Ngumiti ito at dali daling sumalubong sa kanila ng makita ang pagpasok nila ni Jake. "Good Evening sir Jake." Bati nito kay Jake tapos ay kay Ellie naman ito tumingin. “Good evening mam.” "Good Evening Ralph.” Tugon ni Jake. “Sorry kung pinag overtime kita ha." Dagdag ni Jake sabay tapik sa braso ni Ralph. "Naku sir. Okay lang po." Ani ni Ralph na todo ang ngiti kay Jake. Maliit lang ito kumpara kay Jake, moreno ang kulay ng bala, napakawelcoming ng ngiti nito. Sa itsura ni Ralph bagay na bagay ito sa concierge, napaka friendly ng mukha nito. Ano ang ginagawa namin dito sa Jakegenix Art Gallery? At bakit may kakayahan si Jake na sabihan si Ralph na mag overtime? Napalingon si Jake sa kanya, at napangiti ng makita ang pagkunot ng noo niya. "Ellie, this is Ralph, one of the personnel here at the art gallery." Pakilala ni Jake kay Ralph. “And this is Ellie.” Ngumiti si Ellie. Sabay lahad ng kamay niya. “Nice to meet you Ralph.” Tinggap ni Ralph ang palad niya at nagkamay sila. “Nice to meet you din po Ms. Ellie.” tugon ni Ralph. “Kung ready na po kayo, tara na po, dito po ang daan.” “Daan saan?” Litong tanong ni Ellie.   “Daan para libutin ang art gallery.” si Jake ang sumagot sa tanong ni Ellie. “Ayaw mo ba?” Diretso siya nitong tiningnan, naghihintay ng isasagot niya. “Gusto! Pero pwede ba talaga-.” Hindi na natapos ni Ellie ang sasabihin niya dahil bigla na lamang siyang hinila ni Jake. Sinundan nila si Ralph, dumiretso ito sa nag-iisang double door na makikita mula sa Lobby, pagpasok doon ay bumungad kay Ellie ang mga nakahilerang naglalakihan at naggagandahang mga paintings, may sculptures rin. Lahat ng artist doon ay kilala ni Ellie. Talaga palang hindi baba sa six digits ang presyo ng mga art pieces doon, dahil nga naman puro sikat na artist ang may gawa ng mga iyon.    Malaki ang space ng gallery na dinivide sa maliliit na potion through movable walls na painted in dark gray, naka dim lights din ang buong gallery at may mga spotlights sa bawat artpieaces. Napakaintimate at warm ng atmosphere nito. Lahat ng aspiring artist gaya ni Ellie ay nagnanais na mapasama ang mga gawa nila, sa Art Gallery na iyon, Dahil tanging magagaling at may natatanging talento lamang ang maaaring mapabilang sa Jakegenix Artist List. “Nakatulong ba sayo ang pagbisita sa art gallery Ellie?” tanong ni  Jake sa kanya pagkatapos nilang libutin ang buong gallery. “Sobra! sobrang nainspire ako ngayon. Parang nachallenge ako na gawin o lagpasan ang mga nagawa ng mga kilalang pintor dito. Gusto ko din po maging part ng Jakegenix, someday.” Masayang tugon ni Ellie. "Well, hindi naman imposible iyon, basta sasamahan mo ng sipag at tyaga ang pangarap mo, for sure matutupad iyon. Dinala nga kita dito para sana magkaroon ka ng inspiration.” Nang makarating sila sa pinakadulo ng pasilyo kung saan nakalagay ang pinakahuling painting ay niyaya na siya ni Jake na bumalik sa school dahil nga lumalalim na ang gabi na sinang-ayunan naman ni Ellie. Ang saya saya niya ngayon, yung pakiramdam na naligaw ka at hindi mo matandaan ang pabalik tapos biglang dumating si Jake at siya ang naging gabay para makita mo muli ang daan na nalimot mo. Hinding hindi niya makakalimutan ang experience na ito. “Sir, Thank you po.” Napalingon si Jake sa gawi niya ngumiti ito. “Your welcome Ellie.” Hindi na siya makapaghintay na maikwento ito kila Vanessa, natitiyak niya na mahihimatay ang mga ito sa inggit. Hindi kasi lahat ng may gusto ay nakakapasok sa Jakegenix art gallery, dahil private art gallery ito. Para magkaroon ka ng access dito at makabili ng artpiece ay kailangan magpamember ka muna sa kanila. Labinlimang libo ang membership fee nito, na kailangan irenew kada taon. Kung tutuusin ay maliit na halaga lamang iyon kay Ellie, dahil mayaman naman ang mommy niya, ang kaso nung naglayas siya sa kanila, isinumpa niya sa sarili na hinding hindi tatanggap ng kahit sentimong tulong mula sa mommy niya,  kaya pilit niyang pinagkakasya ang pera na natira sa bank account niya at ang kakarampot na kinikita niya sa pagbebenta ng mga artwork niya para sa pambayad ng tuition, dorm fees at iba pang gastusin niya. Kaya napakalaking bagay ang pagkakataon na ibinigay sa kanya ni Jake.             Ngunit paano nga ba nagawa ni Jake na makapasok sila sa art gallery? Member ba siya dito? Pero sapat ba ang pagiging member nito ng Jakegenix para mag-invite siya ng non member? Ito ang nais itanong ni Ellie kay Jake nang lingunin niya ito, ngunit biglang naman nagring ang cellphone nito. "Excuse me Ellie, I need to take this call, I’ll be right back.” Pagpapaalam nito tapos ay  lumakad na ito palayo sa kanila ni Ralph para kausapin ang nasa kabilang linya.             “Pasensya ka na Ralph ha, nag overtime ka pa tuloy ng dahil sa amin.” Paghingi ng paumanhin ni Ellie sa empleyadong si Ralph.             “Naku, wala po iyon. Espesyal po kayo kay sir Jake, kaya marapat lamang na bigyan ko kayo ng serbisyo ko na walang katulad.” napangiti si Ellie sa sinabing iyon ni Ralph. Paulit ulit nagplay sa utak niya ang katagang ‘espesyal’ siya kay Jake, kaya minabuti niyang ituon nalang muli ang pansin sa mga paintings na nasa dingding kesa kung ano ano pa ang i-assume ng utak niya sa estado ng relasyon nila.             “Ang lakas siguro ni sir Jake ang may ari nito.” wala sa loob na kumento ni Ellie habang nakatingin siya sa mga artwork.             “Si sir Jake po ang isa sa may-ari nito, hindi niyo po ba alam?” Napalingon si Ellie sa sinabing iyon ni Ralph.Nabigla siya sa narinig.“May-ari ba kamo?”             “Opo, si sir Jake, ang founder at isa po sa may ari ng Jakegenix.”             Nanlaki ang mga mata at napanganga si Ellie sa narinig, Alam niyang bigatin si Jake, pero hindi niya inaasahan na ganito kabigat ang Jake na nakilala niya sa fire exit ng gabi ng annual ball. Ilang beses ba siyang gugulatin ni Jake sa mga sekreto nito.             Napangiti si Ralph ng maging speechless si Ellie. “Low profile po kasi talaga iyon si sir Jake, maraming tao ang kilala siya bilang Jaki sa mga gawa niya, pero hindi lahat alam ang tungkol sa kanya. Kahit kaming mga empleyado niya po, maraming hindi pa rin alam tungkol sa kanya. Yung VIP attitude po? Wala po siya nun, napakadown to earth po talaga niyang tao, kaya sobra sobra po talaga ang respeto namin sa kanya.” Kumikislap ang mga mata ni Ralph habang sinasabi ang mga katagang iyon, ramdam na ramdam ni Ellie ang nag-uumapaw na respeto nito kay Jake.             “So siya pala talaga si Jaki.” Aniya ni Ellie.             “Hindi niyo po ba alam?” napatakip sa bibig niya si Ralph, bakas ang pag-aalala sa mukha nito sa pag-aakalang may nasabi itong sekreto.             “Huwag kang mag-alala, alam na alam naman na sa school namin na si sir Jake at si Jaki ay iisa. Professor namin siya kaya imposibleng hindi namin malaman ang tungkol doon.” Nakangiting paliwanag ni Ellie. “Estudyante po pala kayo ni sir Jake?” may dudang tanong ni Ralph sa kanya. “Oo. Bakit?” “Akala ko po kasi ikaw ang girlfriend niya. Sorry po.” Natawa si Ellie sa sinambit ni Ralph. “Hindi pa.” tugon niya na ikinagulat nilang dalawa ni Ralph.  Kaya itinam niya agad ang sinabi niya. “I mean hindi. Hindi niya ako girlfriend.” Nahihiyang iniwas ni Ellie ang mukha kay Ralph para itago ang pamumula ng kanyang mga pisngi. What’s wrong with me? Professor ko siya! Don’t tell me pinagpapantasyahan ko siya?! OMG!  Wala kang time sa bawal na pag-ibig Ellie Wake up! Pinagsasampal niya ang pisngi niya ng bigla niyang napansin ang isang maliit na round arch wooden door sa dulo ng gallery. Kulay brown ito na may nakaukit na malaking owl sa buong wood nito, may dalawang maliit na door trimlites ito na nagmistulang mata ng owl na nakaukit doon, inakala niya na parte ito ng artpieces sa gallery kaya lumapit siya dito, akmang bubuksan niya sana ang pinto ng bigla siyang pigilan ni Ralph. "Ms. Ellie, sorry. Hindi po tayo pwede pumasok dyan.” Apologetic ang mukha nito. “Private room po kasi iyan. Wala pong allowed pumasok dyan except kay sir Jake po." "Ah ganun ba?” nahihiyang ngumiti si Ellie. “Akala ko kasi part ng art pieces ng gallery sorry din.” Aniya. “Madalas nga po napagkakamalan yan ng ibang guest na art piece dahil sa cute na design.” “Kaya nga eh, ang gandang tingnan. Pero pwede ko ba malaman kung anong meron sa loob?” usisa niya. "Studio po ni sir Jake yan" “Studio?” Muling lumingon si Ellie sa nakasarang pinto. “Ibig mo sabihin nasa loob lahat ng gawa ni sir Jake?” “Opo. lahat ng work in progress niya nariyan po.” “Nakakatuwa! Sa magazine ko lang nakita ang mga gawa niya. Oo nga pala, bakit wala akong nakitang painting niya dito sa art gallery niya?” “Mabilis po kasing makuha ang paintings na gawa ni sir Jake. eh madalas naman ibinebenta niya ang mga gawa niya. Wala po siyang iniiwan na painting niya dito.” “Ahh. sayang.”  “Marami po kayong naghihintay at nagnanais na makakita ng painting ni sir, kaso hindi na po kasi siya madalas magpinta ngayon. Busy siya sa maraming bagay, kaya po siguro hindi na rin siya nakakapagpinta.” Puno ng panghihinayang na muling sinulyapan ni Ellie ang pintuan ng studio ni Jake. “Kelan kaya sya magpipinta ulit?” Kibit balikat ang itinugon ni Ralph. “Baka po kapag nakilala na niya ang magbibigay sa kanya ng inspirasyon.” malungkot ang mga mata nito nakatitig din pinto ng studio ni Jake. “Ilang buwan na rin po siyang hindi pumasok dyan eh.” dagdag nito. Maya maya pa ay muli itong  ngumiti at bumaling sa kanya. “Tara na po?” yaya nito na tinanguan ni Ellie. Malapit na sila makalabas ng gallery ng masalubong nila si Jake. “Ellie, I think it’s time for us to go. Past nine o’clock na and Ralph needs to go home too.” ani nito. Nakangiting tumango si Ellie. Nagpasalamat at nagpaalam na sila kay Ralph bago tuluyang lumisan ng Art Gallery. “Kayo po pala ang may-ari ng Jakegenix?” naitanong ni Ellie habang naglalakad sila ni Jake papunta sa parking lot kung saan naroon ang motorbike nito. “Sinabi ni Ralph sa iyo?” “Sikreto po ba iyon?”             “Hindi naman. Dalawa kami ng tito Carlos ko ang may-ari nun, Actually ideya niya yung gallery nung makita niya yung artwork ko, sabi niya bebenta daw talaga ang mga iyon.”             “Siya din pala ang nakadiscover kay Jaki.”             Natawa si Jake. “Oo. To be honest mas gusto ko sana gawing public ang art gallery, para kahit sino, kahit anong stutus nila sa buhay makakapunta doon, kaso nag-insist talaga si tito Carlos ko na gawing private iyon, knowing a businessman as he is, so wala ako nagawa.”             “Nakakamangha pala talaga mga accomplishments mo noh?”             “Hindi naman.” Nahihiyang ngumiti si Jake. “Lumalalim na ang gabi, bukas ka na magpinta ulit, ihatid na lang kita sa inyo.” Ani nito             “Sige po.” Sang-ayon ni Ellie.             “Saan ba banda ang bahay mo?” maang na tanong nito.             “Sa school po.” Takang tiningnan siya ni Jake. “Sa school dorm po.” Paglilinaw niya.             “Oo nga pala.” Sabay nagkatawanan ang dalawa.  Kinuha ni Jake ang helmet at muling isinuot iyon kay Ellie. Napatingin si Ellie sa mga mata ni Jake. Nakakabighani talaga ang mapupungay na mata nito. Ang sarap sigurong mahalin ni sir Jake. Ani ni Ellie sa isip niya. “Sabi mo mahal mo ako, pero bakit nakalimot ka.” Boses ng isang lalaki ang biglang bumulong kay Ellie, dahilan para mapalingon siya sa paligid niya. Tinanggal niya muli ang helmet na nakasuot sa kanya at nagpalinga-linga, pilit niyang hinahanap ang pinagmulan ng boses na iyon, ngunit wala talagang ibang tao sa parking lot ng mga oras na iyon. Ano iyon? Multo? Nakaramdam ng takot si Ellie, nagsitayuan ang mga balahibo niya sa braso at batok.  “Ellie? What’s wrong?” tanong ni Jake na nakasakay na sa motorbike niya.   Dahan dahang nawala ang takot na nadarama niya ng mapatingin siya sa mukha ni Jake. Huminga siya ng malalim at pilit pinakalma ang sarili, tapos ay umiling siya bilang tugon. “Wala po sir. Pagod lang po siguro.” pagsisinungaling niya.             “Namumutla ka ah. Are you sure okay ka lang?” may pag-aalalang tanong nito.             “Opo. Tara na po.” Muling isinuot ni Ellie ang helmet sa ulo niya at umangkas sa motor ni Jake. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD