Chapter 6

3651 Words
Nagpupunas ng salamin ng bintana si Ellie sa kwarto nila ng hapon na iyon, nang matanaw niya sa labas sina Jake at isang magandang babae, nag-uusap at nagtatawanan ang dalawa. Nasa ikatlong palapag ng dorm building ang kwarto nila. Napaismid siya. “Hindi naman siya maganda.” wala sa loob na bulalas niya. Maikli lang ang buhok ng babaeng kausap ni Jake hindi lalagpas ng balikat, naka sleeveless dress ito na nagpapakita ng magandang hubog  nitong katawan. Maaliwalas ang mukha nito, Nakakabighani ang mga ngiti nito. Narinig ni Vanessa ang kumento niya kaya lumapit ito sa bintana para silipin kung ano ang tinatanaw niya. "Sabi ko na eh, may something sa dalawang yan." Pansin nito. Napatingin si Ellie sa kaibigan. "Kilala mo yung girl?" "Oo naman! Hindi mo siya kilala?” May bahagyang pag-iling na balik tanong ni Vanessa. “Bakit sino ba siya?” nakangusong sambit niya. “Si Cathy Rodrigues yan.” Sabay turo ni Vanessa sa babaeng kausap ni Jake  “Sikat na beauty queen yan ah. Ilang beauty pageant na nga ba ang naipanalo nyan?" napahimas si Vanessa sa baba niya at nag-isip. “Parang more than ten  na yata. Kaya paano mo nasabi na hindi siya maganda?” natatawa umiling ulit si Vanessa. Binalik ni Ellie ang tingin sa dalawang na masaya pa ring nag-uusap. May pahampas hampas pa sa braso ni Jake si Cathy habang panay ang tawa ng professor nila sa kung ano man ang sinasabi ng babae dito. “Sa tingin mo ba magkaibigan lang sila?” tanong ni Vanessa na hindi rin inaalis ang tingin sa dalawa. “Hindi naman yata ganyan ang tipong babae ni sir Jake.” Nakasibangot na sambit niya. "Paano mo naman nasabi? Bakit close ba kayo ni sir Jake para malaman kung ano ang tipo niya sa isang babae?” natatawang ani ni Vanessa. “Lagi silang nakikitang magkausap ni sir Jake, kaya maraming nagsasabi na baka more than friends na ang status nila. bagay naman sila diba?" “Ewan ko sayo Vanessa. Tigilan mo nga yang pagiging chismosa mo!” Hindi na maitago ni Ellie ang pagkairita, Inihagis niya ang hawak na basahan sa sahig at hindi sinasadyang tumama iyon sa paa ni Vanessa. “Anong problema mo Ellie?” naasar na rin si Vanessa. Hindi nakasagot si Ellie, dahil kahit siya nagulat siya sa biglang pagkainis na nararamdaman niya. Padabog na bumalik si Vanessa sa study table nito. Tinapunan muna nito si Ellie ng matalim na tingin bago nagpakasubsob sa ginagawa nito na student council report. Hindi pinansin ni Ellie ang pagdadabog ng kaibigan niya. Alam niya na mali ang ginawa niya na ibunton  ang inis niya dito, Hihingi na lamang siya ng tawad mamaya kapag bumaba na ang galit ni Vanessa sa kanya.  Itinuon niya muli ang paningin sa direksyon nina Jake at Cathy. Nagagandahan naman talaga siya kay Cathy. Makinis ang mukha nito, may isang dimple sa kanang bahagi ng pisngi. Matangkad. Beauty queen material talaga ito, Sang-ayon naman siya sa mga sinabi ni Vanessa tungkol dito kanina, ang hindi lang niya matanggap ay ang sinabi nito na bagay sila ni Jake. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit itinatanggi niya ang magandang chemistry ng dalawa. Lumingon si Ellie sa gawi ni Vanessa na abala na sa pagtatype sa laptop nito. Gusto niya sana tanungin dito kung alam ba nito kung saang pamilya galing si Cathy, dahil baka sakali na doon mas angat siya dito, pero bago pa man niya matawag ang pansin ng kaibigan niya ay pinigil niya ang sarili nya. Hindi tama na ipagyabang niya ang estado nila sa buhay, Never niyang ipinagmalaki sa iba ang ang yaman nila. Kahit sina Vanessa at Maris na kaibigan niya ay hindi alam na ang mommy niya ang nagmamay-ari ng number one fabric factory sa bansa. Napailing siya sa sarili niya. Bakit naiinggit siya sa atensyon na ibinibigay ni Jake sa Cathy na iyon? kitang kita na sobrang close ng dalawa sa isa’t isa. Bakit nalulungkot siya sa isipin na may ibang babae na pinahahalagahan si Jake bukod sa kanya? Ano nga kayang uri ng relasyon meron ang mga ito?Sana nga, sana nga magkaibigan lamang sila. Ano naman sa akin kung magjowa sila? Bakit affected ka Ellie! bulong niya sa sarili. Maya maya pa ay nakita niya na nagpaalam at kumaway na si Cathy kay Jake bago naglakad na ito palayo. Hindi inaasahan ni Ellie ang biglang pagtingala ni Jake. Bigla siyang nginitian nito na nagpabilis ng t***k ng puso niya, Wala sa loob na nagtago siya sa likod ng bintana. Bakit ako nagtatago?  Natawa siya sa sarili niya, para siyang bata na nagtatago dahil nahuli siya ng crush niya na nakatingin dito. Huminga siya ng malalim ng ilang ulit, para pakalmahin ang puso niya na nagwawala pa rin, Muli siyang tumayo upang harapin si Jake, nakatingala pa rin ito sa gawi ng bintana nila. hinihintay niya pa rin ako. Nagtataka man ay pinilit ni Ellie na gumanti ng ngiti dito. Kumaway si Jake sa kanya na ginantihan naman ni Ellie ng kaway. Sumenyas si Jake kung pwede ba siyang bumaba at lumabas ng dorm nila. Dalawang tango ang itinugon ni Ellie bago siya tumalikod sa bintana upang babain si Jake. Sinipat muna niya ang sarili sa salamin, inayos ang pagkakatali ng kanyang buhok at pinagpag ang damit. Nag-apply din sya ng face powder at lipgloss. Mabuti na lamang at galit si Vanessa sa kanya ng mga oras na iyon, kung hindi ay walang tigil na naman siyang uusisain at tutuksuhin nito sa ginawa niyang pag-aayos ng sarili bago harapin si Jake. “Hello po sir.” bati ni Ellie kay Jake ng makababa siya. “Sinundo na kita dito baka kasi makalimutan mo na naman ako.” Biro ni Jake Kinilig siya sa tinuran nito, natuwa siya sa isipin na siya nga talaga ang sinadya ni Jake kaya ito nandito, maaaring nagkataon lamang na nagkita sila ni Cathy, habang hinihintay siya nito. Iyon ang nais paniwalaan ni Ellie, na siya ang hinahanap ni Jake at hindi si Cathy. “Resume na tayo para matapos mo na  ang ginagawang artwork mo?” tanong nito. “Sige po.” Malapad ang ngiti na tugon ni Ellie. *** Deadline kinabukasan ang painting project niya dahil Art Festival na sa susunod na araw kaya kailangan matapos na niya ito ngayong gabi. Maingat at mabilisan ang pagpipintang ginawa ni Ellie. Hindi pa rin mawala sa isip niya yung time na nakita niya si Jake at si Cathy na magkausap at nagtatawanan, sobrang bothered siya sa closeness ng dalawa. Hindi niya maintindihan kung bakit affected siya masyado, feeling girlfriend ni Jake ang peg niya. Sa lumipas na dalawang araw na magkasama sila ni Jake, ilang beses niyang tinangkang tanungin ito tungkol kay Cathy, pero hindi niya nagawa. Maliban sa nahihiya siyang tanungin ito tungkol sa personal nitong buhay ay natatakot din siya na maconfirm niya ang relasyon ng dalawa.               Kailangan ko magfocus sa artwok ko. Umiling siya ng malakas upang iwaksi sana sa isipan niya nag imahe ni Cathy at Jake.  Napansin iyon ni Jake, Inakala nito na nahihirapan na naman siya sa ginagawang pagpipinta, Tumayo ito mula sa kinauupuan at lumakad papunta sa kanya, tiningnan nito ang iginuguhit nya. “Medyo ibaba mo yung tenga ko diyan, dapat yung top ng tenga ay kapantay ng mata” Puna nito sa gawa niya. “Tingnan mo.” dagdag nito sabay na luhod sa harapan ni Ellie, nagpantay ang mga mukha nila. Itinuro nito ang dulo ng mata nito papunta sa taas ng tenga para ipakita kay Ellie ang sinasabi nitong alignment ng mata sa tenga. Namula ang mga pisngi ni Ellie, medyo nailang siya pero hindi siya nagpahalata. Pinilit niya ang sarili na tumingin ng diretso kay Jake. Nagkunwari siyang naiintindihan niya ang punto nito, Ngunit  ang totoo ay nakatingin lang siya sa mga mata nito, Palagi talaga siyang namemesmerize ng monolid brown eyes nito. “Ang ganda ng mga mata mo.” Wala sa loob na nasambit niya na nagpakunot ng noo ni Jake.“Sorry po!” agad na bawi ni Ellie “Maganda po kasi talaga ang mga mata mo.” Lihim niyang pinagalitan ang sarili, kahit kailan talaga napakataklesa niya, walang preno ang bibig niya, lagi siya nagbibitaw ng salita ng hindi man lang nag-iisip. Ngumiti si Jake sa kanya at binigyan siya ng isang tapik sa balikat, bago bumalik sa kinauupuan nito. “Naintindihan mo naman diba Ellie kung paano makukuha ang tamang symmetrical sa artwok mo?” Tanong ni Jake sa kanya ng makaupo. “Opo.” pagsisinungaling nya, dahil ang totoo wala siyang ibang nakuha kung hindi ang tamang kulay ng mga mata ni Jake. Wala ni isa sa mga sinabi nito ang naintindihan niya. “Wag kang mahiyang magtanong sa akin ha, kaya ako nandito para tulungan ka.” Natouch si Ellie sa sinabi nito. “Salamat po.” Ang tanging naitugon niya. Magsisimula na sana siyang magpinta ulit nang biglang may maalaala siyang nais niyang itanong dito. “Meron po pala akong tanong sir.” “What is it?” “Wala pong kinalaman sa artwork yung tanong ko. Okay lang po ba?” “Ano ba iyon?” “Sir, totoo po ba yung chismis na.. si Ca..” Hindi magawang ituloy ni Ellie ang nais niyang talagang itanong kaya iniba na lamang niya iyon. “Na nagsimula daw kayong magpinta noong sixteen years old kayo?” “Tungkol doon ang chimis sa akin?” natatawang sambit ni Jake. “Yes, That’s true.” “Bakit po?” Natawa ulit si Jake. “Anong bakit?” “Bakit pagpipinta, bakit hindi piano o kaya violin o kaya sports, bakit visual arts?” “Mmm, That’s a good question.” Napaisip ito. “Kasi noong sixteenth birthday ko, yung tito ko niregaluhan niya ako ng mga gamit sa pagpipinta dahil sabi niya baka mabored ako, kasi sa isla ako nakatira dati.” “Sa isla po kayo nakatira?” “Yup, yung Island ng daddy ko.” “May sarili kayong Island?” Puno ng pagkamangha na tanong ni Ellie. “Oo, Binili iyon ng daddy ko para iregalo sa mommy ko noong ipinanganak ako. Pero initially kasi bakasyunan lang namin iyon, Sa City ako ipinanganak, lumipat lang kami doon ng mommy, after ko grumaduate ng high school.” “Wow! Grabe pala talaga kayo sir Jake, hindi ka basta bastang tao.” Napailing na ngumiti si Jake. “Ipagpatuloy mo na ang pagpipinta, Ellie, your time is running out.” Utos nito. Nakangiting sinunod ni Ellie si Jake. Masaya siya kasi feeling niya nagiging close na rin sila. *** Lagpas alas otso na ng gabi ng matapos niya ang artwork niya. Ngawit na ngawit at masakit na ang mga braso at kamay niya dahil mabilisan ang trabahong ginawa niya, pero balewala ang lahat ng sakit na nararamdaman niya dahil pinuri ni Jake ang gawa niya. Nang una nitong makita ang finish painting niya ay napatitig lamang si Jake doon, Hindi ito umimik ng ilang minuto, kaya naman labis ang kaba ni Ellie habang hinihintay ang sasabihin nito, napalis lamang ang lahat ng pag-aalala niya ng lumingon si Jake sa kanya at nagsabi ng “Good Job Ellie, Ang ganda nitong gawa mo! para akong nakatingin sa salamin. Feeling ko nga mas mukhang tao itong painting mo kesa sa akin eh” Batid ni Ellie na exagged lamang ang pagkakasabi nito na para itong nakatingin sa reflection niya sa salamin, dahil pastel painting lang naman iyon, pero naghatid pa rin iyon ng magandang pakiramdam kay Ellie, para siyang idinuduyan sa mga ulap ng marinig ang papuri nito, at ang makitang proud na proud si Jake sa kanya ay nakadagdag ng tiwala niya sa sarili niya. "The details are great, tsaka yung blending ng mga kulay, ang ganda nito Ellie. you really have a knack with visual arts." dagdag papuri nito na hindi maialis ang mga mata sa artwork niya. Kahit siya hindi siya makapaniwala sa nagawa niya, Malaki ang pasasalamat niya kay Jake, sa mga naitulong nito sa kanya, sa mga advises at tips nito at higit sa lahat, ito ang naging gabay niya kaya siya nakagawa ng ganito kagandang obra. "Maraming salamat po sir sa lahat" buong sinseridad na sambit niya. "Walang ano man Ellie, masaya akong nakatulong sa iyo, besides guidance lang naman ang naibigay ko. Gumanda ang painting mo dahil yan sayo, dahil sa talent mo." Dahil sa talent mo. paulit ulit iyon nagplay sa utak ni Ellie. Ang sarap palang marinig na sabihan ka ng tao na lubos mong hinahangan na magaling ka, na may talent ka. “Alam mo sa totoo lang, parang gusto ko itong idisplay sa  art gallery ko. Pag-aagawan ito tiyak ng mga buyers.” Napasimangot si Ellie sa sinabi ni Jake. Wala po akong balak ibenta ka sa iba. Ani niya sa isip niya. “Pero parang ang weird nga naman na mukha ko pala ang nasa painting mo tapos ibebenta ko sa iba” kakamot kamot sa batok habang tumatawa si Jake. “Okay lang po ba kung ikeep ko po ito? Ito po kasi ang first portrait painting ko.” tanong ni Ellie. “Of course. Sa iyo naman yan talaga, artwork mo yan kaya nasa saiyo ang desisyon kung ano ang gusto mong gawin diyan.” tugon nito. *** Kinabukasan sa classroom nila Ellie, hindi pa man nag-uumpisa ang klase ay nagpapakitaan na ang mga kaklase niya ng kani-kanilang mga gawa, Bawat isa ay ipinagmamalaki ang bawat obra na pinaghirapan nila. Kabaligtaran sa naging reaksyon ni Jake ng makita nito ang artwork niya, sa naging reaksyon ng mga kaklase niya ng ang mga ito naman ang makakita ng gawa na dala niya, wala ni isa sa mga ito ang nag aksayang tingnan ang painting na iyon. Inaasahan na rin naman ni Ellie iyon kaya hindi siya nakaramdam ng sama ng loob sa mga ito. Kahit paano ay nagpapasalamat siya at hindi tahasang sinabi ng mga ito kung gaano sila napapangitan sa gawa niya. Maya maya pa ay tumunog na ang bell, tanda na umpisa na ang klase. Pagkapasok ni Jake sa classroom ay agad hinanap ng mga mata nito si Ellie, nang magtama ang paningin nilang dalawa ay nginitian siya nito na ginantihan din ni Ellie ng isang tipid na ngiti. Hindi maiwasan ni Ellie na makaramdam ng lungkot, damang dama niya kasi ang excitement ni Jake para sa kanya, alam niyang looking forward ito na maipakita na niya sa buong klase ang painting niya. Tama nga ba ang naging desisyon ko? Ayaw niya sana na madisappoint si Jake sa napagpasyahan niya, pero desidido talaga siya na ituloy ang plano niya. Bago tingnan ni Jake ang mga gawa nila ay nagpaalala ito sa lahat na ang ipapakita nilang artwork sa araw na iyon ay ang pagbabasehan ng grades nila sa subject nito. Ang sino mang hindi makapagpasa ay bagsak agad, No excuse will be accepted. Pagkatapos ng announcement na iyon ni Jake ay nagsimula na itong magtawag ng mga pangalanng estudyante niya, ang matatawag ay pupunta sa harapan ng klase para ipakita ang gawa niya. Maaring magbigay ng kumento ang bawat estudyante tungkol sa gawa ng kaklase nila. At ang pinakahuling magbibigay ng kumento ay si Jake kasabay ng pagbibigay nito sa kung anong marka ang mukukuha ng estudyanteng natawag. Bente na estudyante na ang nakapagpresent ng mga gawa nila bago narinig ni Ellie na ang pagtawag sa pangalan niya. Bago pa man siya tumayo sa kinauupuan niya ay nakita niya sa mukha ni Jake ang malapad na ngiti at bahagyang pagtango nito sa kanya. Proud na proud talaga siya sa artwork ko. Malungkot na ani ng isip niya. Huli na para magbago siya ng desisyon, Buong gabi niya itong pinag-isipan at determinado siya na ito ang nais niyang mangyari. Tumayo si Ellie mula sa kinauupuan niya at nagtungo sa harapan ng klase. Hawak niya sa dibdib ang painting niya, habang nanatiling nakaupo si Jake sa Teacher’s desk. "Sigurado ako na mapipili ang gawa mo para sa darating na art’s festival.” Nakangiti sambit nito sa kanya na naging rason para magtawanan ang buong klase nila, dahil nakatalikod si Ellie kay Jake kaya hindi nito nakita ang artwork na iprinesent niya sa lahat, Hindi rin kasi nito sinilip ang hawak niya sa pag-aakalang nakita na nito iyon. Nagtaka si Jake sa naging reaction ng mga estudyante niya kaya dali dali itong tumayo at lumakad papunta sa harapan ni Ellie upang tingnan ang hawak na artwork nito. Mababakas ang pagkabigla sa mukha ni Jake sa nakita, nakataas ang dalawang kilay nito na katitig kay Ellie. Ang artwork na hawak ni Ellie kasi ngayon ay hindi ang painting na ginawa niya nung gabi na kasama niya si Jake. Hindi ito ang painting na may larawan ni Jake. Madalian niyang ginawa ang panibagong pastel portrait na ito gamit ang isa sa mga photographs na kinunan ni Maris sa digicam nito. Sobrang kalat ng artwork na iyon, Maihahalintulad iyon sa isang amateur painting, kaya naman naiintindihan niya kung bakit pinagtatawanan iyon ng mga kaklase niya.  ‘Hindi naiblend ng maayos ang mga kulay.’ ‘Hindi pantay ang alignement ng mukha’ ‘Wala silang maramdaman na connection.’ ‘Walang nais ipakahulugan.’ ‘Maraming mali.’ Ilan lamang iyan sa mga hindi magandang kumento ng mga kaklase niya sa artwork na ipinakita niya. Ang artwork niya na may larawan ni Jake ay kasalukuyang nakaframe at nakasabit sa ding ding ng dorm room nila ni Vanessa. Noong gabi na dalhin niya iyon sa kwarto nila ay sobrang nasurprised si Vanessa. Nagandahan ito sa gawa niya. Nung una hindi nga ito makapaniwala na makakagawa siya ng ganoon, ani pa ni Vanessa na ‘parang professional painter na daw talaga ang talent niya’. Pinuri din nito ang guidance na ibinigay ni Jake sa kanya, nagbiro pa nga ito na sana daw sumama ito sa free painting session/class ni Jake, para naman daw nag-improve din ito gaya niya. Looking forward din si Vanessa sa magiging reaction ni Maris sa obra niya, kaya naman todo protesta ang kaibigan niya ng sabihin niya na wala siyang balak ipakita iyon sa iba, wala siyang balak isali iyon sa art’s festival. Puno man ng panghihinayang si Vanessa sa balak niya ay wala din itong nagawa para makumbinsi siya na baguhin ang desisyon niya. Ang totoo niyan kahit siya ay nanghihinayang sa mga opportunidad na maaring magbukas sa kanya kung ipapakita niya iyon sa Art’s Festival. Ngunit buo na ang naging desisyon niya. Ang painting na ito ay para lamang sa mga mata niya, hinding hindi niya magagawang ishare ito sa iba. Pakiramdam niya kasi kapag nakita ito ng ibang tao, maagaw ito sa kanya, maraming tao ang humahanga kay Jake bilang Jaki at natitiyak siya na kapag nakita ng mga ito ang gawa niya ay hindi siya titigilan ng mga iyon hanggat hindi siya pumapayag na ibenta ito. And she can't let that happen. Siya ang may ari noon, ang Jake sa painting na iyon ay kanya lamang, hindi kay Cathy o kahit kanino man, kundi sa kanya lang. Naging uncomfortable ang pakiramdam ni Ellie sa patuloy na pagtitig ni Jake sa kanya, Hinihintay nito na magsabi siya ng rason niya, o kaya naman baka hinihintay nito na sabihin niya na nagkamali siya ng nadalang painting, umaasa pa rin ito na ilalabas niya ang artwork niya na may larawan nito.             “Ms. Villanueva, I need to be honest with you.” Panimula ni Jake pagkatapos pasadahan ng tingin ang artwork niya. “This painting of yours is poorly done para sa isang third year student in fine arts na gaya mo. I think hindi ko na kailangan sabihin sa iyo na hindi ito pang- Art’s Festival, narinig mo na rin naman ang feedback ng mga kaklase mo hindi ba? And hindi naman ako kinulang ng paalala na this art exhibit is very important to add up on your portfolio and in pursuing your future career right?” Tumango si Ellie.  She is well aware. Pero she’s willing to drop everything, huwag lang mawala sa kanya ang kanyang pastel portrait ni Jake. It is her first masterpiece. Wala iyong katulad. Tuwing titingnan niya iyon, iba ang pakiramdam na ibinibigay nito sa kanya, It inspires her, it gives her hope, it makes her believe in herself. And it makes her feel complete. There’s no way she can let it go. “Ellie, Listen. I will give you a chance to get the-” ani ni Jake. “I’m really sorry sir.” Putol ni Ellie sa pagsasalita ni Jake. Alam ni Ellie na gaya ni Vanessa nanghihinayang ito sa chance na pinapalampas niya kaya pilit nito siyang binibigyan ng pagkakataon para baguhin ang desisyon niya. “To be honest, sir, hindi ko kasi nagawa ng maayos yung painting for the art’s festival dahil kinulang ako sa oras.” Pagdadahilan niya sa buong klase, hindi na niya bibigyan si Jake ng pagkakataon para pilitin siyang ilabas ang ‘Jake painting’ niya. Bumaling siya sa gawi ni Jake.“ I’m sorry po talaga, alam ko po hindi excuse ang katamaran ko kaya po tatanggapin ko po ang bagsak na grade na ibibigay niyo sa akin.” Napailing si Jake sa tinuran niya, napayuko ito, bakas sa mukha nito na naguguluhan ito at nahihirapan makagawa ng desisyon, paano nga naman niya ibabagsak si Ellie gayong alam ni Jake na may ginawa itong artwork para sa subject na iyon. “Maupo ka na.” Matabang na utos ni Jake. Ramdam ni Ellie na hindi nito tanggap ang suhestyon niya na bigyan na lamang siya ng bagsak na grade sa subject nito, pero gaya ni Vanessa wala rin itong nagawa.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD