Pagkatapos nila kumain ay inihinatid na siya ni Jake sa dorm niya. Tila ba hindi sumasayad ang mga paa ni Ellie sa lupa sa sobrang kaligayahang nadarama niya ngayon, para siyang idinuduyan sa langit, napakagaan ng pakiramdam niya. Ganito pala ang pakiramdam na malaman na mahal ka din ng taong mahal mo. Hindi mapalis ang mga ngiti niya sa labi. Hindi pa rin siya makapaniwala na boyfriend niya na talaga si Jake. Totoong totoo na nobyo na niya ito at hindi basta pagpapanggap lang. Paulit-ulit niyang nirereplay sa isipan niya ang bawat katagang sinabi ni Jake ng umamin ito ng nadarama nito para sa kanya, at sa tuwing maaalala niya iyon ay kinikilig pa rin talaga siya.
Kinabukasan, Nagising si Ellie sa malalakas na hampas ng unan sa braso niya, nang imulat niya ang kanyang mga mata nakita niya si Vanessa, ito ang may hawak ng unan na humampas sa kanya. Nangingitim ang ilalim ng mga mata nito na halatang wala pang tulog sa magdamag. Gayun din si Maris na nakatayo sa tabi ni Vanessa, pareho silang nakatingin sa kanya ng masama.
Napabalikwas ng upo si Ellie.
“B-bakit anong problema?” May pag-aalala sa mukhang tanong niya sa dalawa.
“Nagtatanong ka pa Ellie!” nakasibangot na bulalas ni Vanessa. “Bakit hindi ka man lang tumawag sa amin na nakauwi ka na pala! Alam mo bang buong magdamag kami naghahanap sa’yo! Sabi mo magbabanyo ka lang pero hindi ka na bumalik! Alalang alala kaming lahat sa’yo!” Pasigaw na reklamo ni Vanessa sa kanya na sinundan ng magkakasunod na hampas ng unan kay Ellie.
“Hindi niyo naman ako kailangan alalahanin, ano ba kayo?” tugon ni Ellie na pilit sinasalag ang mga hampas ni Vanessa.
“Nakatulog ako sa sobrang kalasingan, pagkagising namin wala ka pa rin! Alam mo ba ang takot namin ni Vanessa sa kung ano ng nangyari sa’yo kaya nagpunta na kami sa Police station kaso sabi doon kailangan higit 24 hrs ka ng nawawala bago sila tumulong maghanap.” Paliwanag ni Maris habang sinusubukan pa rin awatin si Vanessa sa paghahampas nito kay Ellie.
“Tawag kami ng tawag sa’yo bakit hindi mo sinasagot ang phone mo?” Nakasibangot na tanong ni Vanessa na tumigil na sa paghampas at naupo na lamang sa sahig sa gilid ng kama ni Ellie.
Nakaramdam ng guilt si Ellie dahil sa pinag-alala niya ang mga kaibigan niya. Sobrang saya niya kagabi kaya hindi niya man lang naisipang sabihan ang mga ito na nauna na siyang umuwi, kaya pala kahit pasado alas singo na siya ng nakatulog ay hindi pa rin nakabalik sa kwarto nila si Vanessa ay dahil abala ang mga ito sa paghahanap sa kanya.
“Sorry Vanessa, Maris, sorry talaga. Nawala sa isip ko na sabihan kayo na nakauwi na ako. Nakasilent ang cellphone ko kaya hindi ko narinig ang mga tawag niyo. Sorry talaga.” Sabay abot ni Ellie sa kamay ng kanyang mga kaibigan.
Unti unting napalitan ang masamang tingin nina Vanessa at Maris sa kanya ng mga ngiti. lumapit si Vanessa sa kanya para yakapin siya. Nakiyakap din si Maris sa kanilang dalawa. “Ang mahalaga okay ka.” ani ni Vanessa. Mas hinigpitan ni Ellie ang yakap niya sa dalawa.
“Ano bang nangyari sa’yo kagabi? Saan ka nagpunta at bigla kang nawala?” tanong ni Maris pagkabitaw nila sa pagyayakapan.
Napalingon si Ellie sa portrait painting ni Jake na nakasabit sa dingding ng kwarto nila.
“Kasama ko si Jake.” nakangiting sagot ni Ellie.
Namilog ang mga mata nina Vanessa at Maris dahil sa hindi paggamit ni Ellie ng honorific address na sir kay Jake.
“Narinig mo iyon Vanessa! Narinig mo ba iyon?” mataas ang boses na tanong ni Maris habang niyuyogyog si Vanessa.
Napatayo silang dalawa ni Maris, hindi nila inaalis ang tingin nila kay Ellie na nakangit ting tumayo at naupo sa gilid ng kama nito. “Oo, rinig na rinig ko yung part na kasama niya si sir Jake kagabi habang tayo sobrang nag-aalala sa kanya hindi man lang siya tumawag para sabihin na kasama niya yung crush niya at narinig ko din yung part na ang tawag niya kay sir Jake ay JAKE!” nakakatitig pa rin kay Ellie na sambit ni Vanessa
Natatawang ngumuso si Ellie kay Vanessa. “Sorry na nga.”
“So saan kayo nagpunta ng crush mo?” usyoso ni Maris.
“Crush ko? Sino?” kunwaring maang na tanong ni Ellie sa mga kaibigan. “Ah yung boyfriend ko ba ang ibig mong sabihin?”
Nanlaki ang mata ng mga kaibigan niya at napanganga ang mga ito.
Nakangiting tumango si Ellie sa mga ito.
“Oh my gosh!” ang tanging nasambit ng dalawa. Naglulundag sa kilig si Maris habang niyugyogyog ni Vanessa si Ellie, nagulat man ang dalawa niyang kaibigan sa rebelasyon niya ay masaya siyang makita na masaya ang mga ito para sa kanya. Kasunod noon ay pinilit na siya ng dalawa na idetalye ang mga pangyayari na buong galak naman niyang ginawa.
***
Nang matapos ang kwentuhan nila at saka naisipang icheck ni Ellie ang cellphone niya na nasa ibabaw ng bed side table niya.
Nakadisplay sa screen ng cp nya na meron siyang 32 missed calls at 11 messages.
Ah baka ito yung mga tawag nina Vanessa sa akin kagabi. Hindi na pinag-aksayahan ni Ellie na icheck iyon, muli niyang inilapag ang cellphone niya sa lamesa at dumiretso sa banyo para maligo dahil may klase siya sa hapon.
Pagkalabas niya ng banyo, naabutan niya sina Maris at Vanessa na nakadungaw sa bintana.
“Oh my gosh. Ang gwapo niya.” kumento ni Maris.
“Anong ginagawa niyo dyan?” tanong ni Ellie sa dalawa.
Hindi siya nilingon ng dalawa. “Halika dito, tingnan mo super duper gwapo nung lalaki.” Sa halip ay anyaya ni Maris sa kanya.
Ngumuso si Ellie. “Wala nang mas gwagwapo pa sa boyfriend ko.” nakataas noong sambit ni Ellie habang nakatingin sa portrait ni Jake.
Pairap siyang nilongon ng dalawa.
“Oo na! boyfriend mo na!” nakangusong biro ni Vanessa.
“Hayy.. ano bang meron ka Ellie? Pati ang sikat na sikat na si Jaki ay nabihag mo!” dagdag biro ni Maris sa kanya.
“Mukhang may usapan kayo ni sir Jake ah? Kanina pa siya naghihintay sa labas eh.” pagbibigay alam ni Vanessa sa kanya.
Nang marinig iyon ni Ellie ay patakbo siya sumilip sa bintana. Napangiti siya ng makita niya nga doon si Jake. Nakangiti at iiling iling na iniwan na siya ng dalawa niyang kaibigan sa bintana.
Napakamatipuno nitong tingnan sa rugged look nito ngayon.
Binuksan niya ang salamin ng binatana nila at kumaway kay Jake. gumanti din ito ng kaway sa kanya. Nagsenyas siya na tatapusin lang mag-ayos ng sarili at baba na rin siya.
Tumango ito sabay bulong ng take your time.
Nang Tumalikod si Ellie sa bintana para harapin ang mga kaibigan niya. “So ang boyfriend ko pala ang tinititigan niyo kanina pa?”
“Bakit bawal na rin ba siyang tingnan ngayon?” nakataas ang kilay na biro ni Vanessa sa kanya.
“Oo na, oo na boyfriend mo na! Sa’yong sa’yo na! sana masaya ka na!” ani ni Maris na inilapit sa mukha niya ang nakataas noong mukha nito. Ginantihan niya ito ng pabirong hampas sa noo, dahilan para magtawanan sila tatlo.
Pagkatapos niyang maglagay ng light na make up sa mukha ay nagpaalam na siya sa mga kaibigan niya.
“See you at class girls.” paalam nya.
“Don’t be late.” ani ni Vanessa.
“Don’t get pregnant.” Habol na biro ni Maris na dahilan para dumampot si Ellie ng tsinelas at ibinato iyon kay Maris, Narinig pa niya ang malalakas na tawanan ng dalawang kaibigan niya bago niya isinara ang pinto ng kwarto nila.
Pagkalabas ni Ellie ng dorm buidling nila, nakita niya kaagad si Jake. Nakatayo pa rin ito don habang naghihintay sa kanya.
Pagkakita sa kanya ni Jake ay ngumiti agad ito sa kanya. Kusa ding ngumit ang mga labi ni Ellie pagkakita sa gwapong mukha ng nobyo niya. Ano bang nangyayari sa mga parte ng katawan niya, pagdating kay Jake hindi na niya macontrol ang mga ito. Gaya na lamang ng puso niya na kusang tumibok para dito. Tapos sumunod ang utak niya na never napagod isipin ito, ngayon pati ba naman mga labi niya ay kusang ngumingiti kapag nakikita niya ang mukha ito.
Alipin nga siya ng pag-ibig niya para kay Jake.
.
"Hi." Nakangiti bati niya rito ng makalapit siya. Nobyo na niya ang binata pero nahihiya pa rin siya dito.
"Hello." Bati ni Jake sa kanya. Napakunot ang noo nito ng makita na may higit dalawang hakbang ang layo ni Ellie sa kanya. “Bakit ang layo mo?” tanong ni Jake.
“Ah. Eh. Ang dami kasing estudyante eh.” Kakamot kamot sa batok na tugon ni Ellie.
“Eh ano naman ngayon.” Tugon ni Jake tapos ay humakbang ito palapit sa kanya, huminto lamang ito ng sobrang lapit na nila sa isa’t isa. Inabot ni Jake ang isang kamay ni Ellie at hinila nito iyon para palapit sa dibdib nito, bago siya hinalikan ni Jake sa noo.
Namula si Ellie sa ginawang iyon ni Jake. Pero hindi niya maitanggi ang nag-uumapaw na kilig na naramdaman niya.
Napatili din ang ibang estudyante na nakakita sa ginawa ni Jake.
"Jake!" Saway niya dito, tapos ay humakbang siya patalikod para makalayo dito. “ang daming tao.”
Satisfied na ngiti lamang ang makikita sa mukha ni Jake.
“Dapat masanay na sila dahil araw araw kong ipapakita sa lahat kung gaano kita kamahal.”
Napayuko si Ellie habang nakangiti. She do feel loved right now because of Jake.
"Let's go?" Yaya ni Jake sa kanya.
"Saan? Wait! May klase ako at 1pm, hindi ako pwedeng malate."
Sinulyapan ni Jake ang wristwatch niya. “Twenty minutes past eleven o’clock na oh. Lunch time na.” ani nito. "At syempre alam ko may klase ka ng 1pm. In fact alam ko na ang oras ng mga klase mo ngayon." Dagdag ni Jake sabay hablot sa kamay niya at nagsimula silang maglakad habang magkahawak ang kamay.
"Paano mo nalaman?"
Huminto si Jake para harapin siya. Pinaliit nito ang mga mata nito na direktang tumingin sa mga mata ni Ellie. “I know everything about you.” Ani nito sabay tawa ng malakas.
"You're crazy!" iiling iling na nakangiting sambit ni Ellie.
"Enough of that let's go have lunch tapos ihatid kita sa kalse mo after." Sambit ni Jake sabay akbay kay Ellie. " May appointment din kasi ako later this afternoon." Pagpapaalam nito.
"Appointment? Job interview?" Tanong ni Ellie.
"Nope." Bahagyang bumitaw sa pagkaka-akbay si Jake upang tingan si Ellie sa mukha.
"Bakit? Natatakot ka ba na baka magutom ka sa akin dahil wala akong trabaho?" biro nito.
"Hindi noh!" defensive na tugon ni Ellie.
"Nakalimutan mo yata na hindi lang teaching ang profession ko. Hindi naman sa pagmamayabang pero kailangan ko ipaalala sa’yo na I own an art gallery and aside from that I am a renowed painter. I can guarantee that you’ll have a comfortable life with me. Wala kang ibang gagawin kundi ang mahalin lang ako Ellie." Nakangiting pinisil ni Jake ang baba ni Ellie tapos ay nagpatuloy sila sa paglalakad ng magkahawak ang kamay.
***
Kumain sila sa isang Filipino restaurant na malapit sa SBU. Marami din ang kumakain doon na nakakilala kay Jake at sa kanya, kaya ang dami ng mga mata na nakamasid sa kanilang dalawa ng tanghaling iyon. Hindi na alintana ni Ellie ang ganung set up, nasanay na siguro siya na laging may nakamasid sa kanila, simula ng machismis sila ni Jake, ay hindi na nawala sa pakiramdam ni Ellie na laging may nakatingin sa bawat kilos niya, nag-abang sa pagkamamaling maari niyang magawa. Ang kaiba lamang ngayon ay hindi na panghuhusga ang tingin ng mga ito sa kanilang dalawa, dahil nawala na sa mga mata ng ibang tao ang matalim na tingin sa halip ay may ngiti na sa labi ang mga ito para sa kanila ni Jake, Pakiramdam ni Ellie ay unti unti ng natatanggap ng lahat ng tao ang relasyon nila, isa pa hind naman na professor si Jake sa SBU, kaya wala na silang batas na binabali ngayon, malaya na silang mahalin ang isa’t isa.
Pagkatapos nila mananghalian ay inihatid na sya ni Jake sa campus, Hinalikan ulit siya nito sa noo bago ito tuluyan nagpaalam. Tumuloy naman na sa klase niya si Ellie.
***
Mag-aalasingko na nga matapos ang huling klase ni Ellie. Tiningnan niya ang cellphone niya, nag-expect siya ng kahit text man lang galing kay Jake pero wala itong paramdam ng mga oras na iyon.
Napakabagal lumipas ng bawat minuto kapag may namimiss kang tao, ganyan ang nararamdaman ni Ellie sa mga oras na iyon. Inip na inip siya, kahit pa alam niya na iilang oras pa lamang ang lumipas simula ng huli silang maghiwal ni Jake, pero gustong gusto na niya ito makita ulit at makausap.
Nakailang text na siya kay Jake pero walang reply ang binata. Hindi man gusto ni Ellie ay umuusbong ang duda sa puso niya, Paano kung kasama na naman nito si Cathy ng mga oras na iyon kaya hindi siya nirereplyan ni Jake. Nung una na nagtry siyang tawagan ang nobyo niya ay nagring lang ng nagring ang cp nito, Pagkatapos nun ay pinigil na niya ang sarili na tawagan ito muli dahil ayaw naman niya na isipin ni Jake na clingy GF siya, kaya wala siyang ibang choice sa mga oras na ito kundi ang maghintay. Habang tumatagal ang oras ng kanyang paghihintay lalo siyang napaparanoid, ganito yata talaga kapag sobrang mahal mo ang isang tao, palagi kang may takot na baka sa isang iglap mawala siya sa iyo.
Napabuntong hininga si Ellie.
“Ang lalim nun ah.” Puna ni Vanessa habang naglalakad silang tatlo pabalik sa dorm nila kagagaling lang nila sa huling klase nila ng araw na iyon. “Something wrong?” dagdag tanong ni Vanessa.
“Don’t tell me lovers quarrel na agad? Wala pa yatang twenty four hours ang relasyon niyo ni sir Jake ah.” biro ni Maris.
Pilit na ngumiti si Ellie. “Hindi noh!” sagot niya kay Maris sabay siko sa kaibigan. “Napagod lang ako sa klase kanina.” dagdag nya.
“Napagod daw eh hindi ka nga nakikinig sa lectures kanina.” Ani ni Vanessa.
“Nakikinig kaya ako!” depensa ni Ellie.
“Hayyy sabagay, ako din eh napapagod na ako sa dami naman kasi ng pinapagawa ng mga professors natin.” Napasibangot na reklamo ni Maris.
“Alam niyo kailangan natin ng break from this stress. How about an ice cream?” suhestyon ni Vanessa.
“Gusto ko yan!” sang-ayon ni Maris.
Nagpunta sila sa isang ice cream shop sa labas lamang ng campus nila. Batid ni Ellie na kaya lang naman nagyaya si Vanessa ng ice cream ay para pakalmahin ang kalooban niya, ramdam din siguro ng mga ito na kanina pa siya hindi mapakali.
Pagkatapos nilang kumain ng ice cream ay agad din silang bumalik sa dorm nila dahil nga sa dami ng project na kailangan nilang tapusin.
Abala si Vanessa sa pagtytype sa laptop nito, samantalang si Ellie kahit nasa harapan niya rin ang kaniyang laptop ay malayo ang nililipad ng isip niya. Nakailang beses na siya ng lingon sa orasan niya, mag-alas otso na ng gabi ngunit wala pa ring paramdam si Jake. Kaya naman ang lungkot at pangungulila niya kanina ay unti unti ng napapalitan ng tampo.
Nakalimutan na yata niya na may girlfriend siya. Inis na ani ni Ellie sa isip niya. Pwes ipapaalala ko sa’yo ang sarili ko, hindi pwedeng ganito unang araw pa lang nating mag-on kinakalimutan mo na ako. Kinuha niya ang cp niya, nanginginig sa galit ang mga daliri niya ng hanapin niya sa contacts niya ang pangalan ni Jake at nagcompose siya ng text message.
Jake. Bakit hindi ka na nagparamdam? Hindi mo ba naisip na baka nag-aalala ako sa’yo. Ngunit habang nagtytype siya ay bigla naman ang ring ng CP niya. si Jake ang incoming call niyon. Dali daling sinagot iyon ni Ellie.
“Hello!” Pumiyok pa si Ellie na ikinatawa ni Vanessa.
“I miss you so much!” bungad ni Jake sa kabilang linya na nagdala ng kilig kay Ellie.
Ang mga salitang iyon ay sapat na para matunaw ang lahat ng tampo na naramdaman niya kanina.
“I miss you too.” Nakangiting tugon niya.
“Busy ka?” Tanong ni Jake.
“Hindi naman, ikaw?” Napailing si Vanessa ng marinig ang itinugon ni Ellie kay Jake. Itinuro ni Vanessa sa pamamagitan ng nguso niya ang sandamakmak na books na nakapatong sa study table ni Ellie, idagdag pa ang halos hindi pa naumpisahang thesis ni Ellie sa laptop nito.
Inilagay ni Ellie ang hintuturo sa mga labi niya upang iparating kay Vanessa na manahimik muna ito.
“Pwede ba kitang makita?” Natigilan si Ellie sa tanong na iyon ni Jake. “Ngayon na?” balik tanong niya sa binata.
“Oo sana.” Tugon ni Jake.
“Okay.” Nakangiting ani ni Ellie.
“Great! Let’s go star gazing. Bihis ka na. Andito na ako sa baba ng dorm building niyo.” Bigla napatakbo si Ellie sa bintana ng kwarto nila para silipin si Jake. Kumaway kaagad si Jake ng makita nito na nakadungaw si Ellie.
“Paano pala kung tumanggi ako makita ka? Edi uuwi kang bigo?” birong tanong niya sa binata.
“Okay lang naman sa akin, Ang mahalaga makita kita bago ako matulog kahit anino mo lang diyan sa bintana.” Tugon ni Jake.
“Sige pala, magpapalit lang ako ng damit ha.”
“Take your time.” sagot ni Jake.
Wala pang five minutes ang lumipas ng bumaba si Ellie ng dorm nila. Sinalubong siya ni Jake ng halik sa noo tapos ay sabay nilang tinungo ang sasakyan nito. Pagkatapos ng twenty minutes drive narating nila ang highway sa may dagat. Inihinto ni Jake ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Bumaba sila pareho ng sasakyan. Napapikit si Ellie ng salubungin ng malamig na simoy na hangin ang mukha niya. Nang muli niyang idilat ang kanyang mga mata ay namangha siya sa maliliit at napakaraming liwanag sa kalangitan, parang sinaboy na mga glitters ang mga bituin na iyon, idagdag pa ang nakakarelax na tunog ng alon mula sa karagatan.
“Ang ganda!” ani ni Ellie na puno ng paghanga sa kapaligiran niya.
“Maganda talaga dito, pero mas maganda ka pa rin.” Nakangiting sambit ni Jake.
Natawa si Ellie sa sinabi ni Jake. “Girlfriend mo na ako, kaya hindi mo na ako kailangan bolahin.”
“Hindi kita binobolo. Masama bang magsabi ng totoo?” Pagkasabi noon at tinungo ni Jake ang backseat ng car niya. Naglabas siya doon ng dalawang can ng rootbeer. Binuksan niya ang isang can tapos ay iniabot iyon kay Ellie.
"Thank you for bringing me here." Ani ni Ellie kay Jake.
"Naisip ko kasi na baka kailanganin mo ito, sigurado ako na madami kayong school projects ngayon kaya dinala kita dito para marelax ka kahit paano.”
“Ang ganda ng lugar na ito, pero bakit wala masyadong tao?” tanong ni Ellie na sinuri ang paligid, bukod sa kanila ni Jake ay wala ng ibang tao na makikita doon, wala ring sasakyan na dumaraan.
“May newly built Expressway kasi doon sa bandang harapan, eh short cut iyon palabas ng Sining City kaya doon na dumaraan ang mga motorista at hindi na dito. I discovered this place two years ago ng hindi ko sinasadyang lumagpas ako sa Expressway. That time I was also desperately looking for a place kung saan maganda panuorin yung stars at marinig ang alon ng dagat gaya sa Isla Betina." ani ni Jake.
"Isla Betina?" ngunot noong tanong ni Ellie.
"Yes, doon ako lumaki. The Island was named after my mom."
"May sarili kayong island?" namimilog ang mga matang tanong ni Ellie.
Natawa si Jake sa reaksyon niya. “Kay mommy ko ang island na iyon, regalo ni daddy sa kanya."
"Wow! Ang yaman niya pala talaga."
Muling natawa si Jake sa sinabi niya.
"Hindi ako, Daddy ko ang mayaman. Sobrang sipag niya kasi, kaya from nothing nagkaroon siya ng maraming business, dahil sa kanya umangat ang kalagayan ng pamilya namin."
“Wow. Napaka admirable naman pala ng daddy mo."
"He was." Bumakas ang lungkot sa mga mata ni Jake.
"Was?"
Tumango si Jake. Tapos ay tumingin ito sa madilim na karagatan.
"Namatay siya nung seven yrs old ako due to a Heart Attack.”
“I’m so sorry.”
“It’s okay.” Nakangiti hinawakan ni Jake ang isang kamay ni Ellie. “Namimiss ko siya minsan, Pero ganun talaga eh, kailangan natin tanggapin na hindi lahat ng tao sa buhay natin ngayon ay mananatili sa piling natin habang panahon.”
Napayuko si Ellie sa narinig, hindi nya rin kasi alam kung ano ang dapat niyang sabihin sa mga oras na iyon para pagaanin ang loob ni Jake. Siya kasi mismo ay nawalan din ng ama ng maghiwalay ang mga magulang niya. Dahilan kaya hanggang ngayon ay galit siya sa mommy niya, dahil pinaalis nito ang daddy niya sa bahay nila. Tandang tanda pa niya yung araw na umuwi siya sa bahay nila kagagaling niya sa school niya at naabutan niya ang dalawang katulong nila na abalang nililigpit ang lahat ng gamit ng daddy niya. Nang punahin niya ang mga ito sinabi ng mga maids nila na mommy niya ang nag-utos noon. Ilang beses niyang tinangka na hingan ng explanation ang mommy niya ngunit isang tipid na ‘Hindi na dito titira ang daddy mo, kalimutan mo na siya, hindi na siya babalik.’ lamang ang isinagot nito sa kanya. Hindi niya alam kung nasaan ang daddy niya at kung ano ang nangyari dito, kung bakit hindi na rin ito nagpakita sa kanya. pero sigurado siya na may kinalaman ang mommy niya kung bakit hindi na muling nagpakita sa kanya ang ama niya.
“Pero hindi naman kami pinabayaan ng tito ko, pinsan ni daddy. Siya ang tumayong father figure sa akin, siya ang co-founder ko sa Jakegenix art gallery. Siya ang nagtook over ng business ni daddy. Siya din yung tumulong sa amin ni mommy kaya hindi naman kami nahirapan financially."
“Mabuti naman pala at nandyan ang tito mo. Nasa Isla Betina din ba siya?”
“Sino? Si tito ko?”
“Oo.” Ani ni Ellie sabay tango.
"Nasa Itakam siya. Doon siya nakatira kasama ang family niya. Actually doon din kami nakatira dati noong buhay pa si daddy.”
“Talaga ba?!” gulat na bulalas ni Ellie. “Taga Itakam din ako eh!”
Ngumiti si Jake. “Small world ano? Kung nagstay pala kami doon baka mas maaga kitang nakilala.”
“Eh bakit ba kasi lumipat pa kayo sa Isla?” Nakangusong tanong ni Ellie.
“Nung nawalan si daddy ko, lagi naaalala ni mommy si daddy sa dati naming bahay kaya nagdecide kami na ibenta iyon, nakitira kami kay tito Carlos ng higit isang taon, kaso hindi kami nagkasundo ng anak ni tito.”
"Anak ng tito mo edi pinsan mo?"
“Mas gusto kong tawagin siyang anak ni tito.” Nakasimangot sa sambit ni Jake.
“Okay lang ba kung tanungin ko kung ano ang nangyari? Mukha kasing malalim ang galit mo sa kanya eh.”
“Akala ko noong una totoo ang pinakita niyang malasakit sa akin, pero pagpapanggap lang pala iyon. Nasa kanya na ang lahat ng dati ay sa akin, kaya hindi ko alam kung ano pa ang gusto niya para ibully niya ako ng ganun.”
“Salbahe naman ang pinsan mo. Huwag lang siya papakita sa akin kundi pagbabayarin ko siya sa pambubully niya sa iyo noon.” Napangiti si Jake sa tinuran ni Ellie. Kinabig niya ito at hinalikan sa sintido.
"Enough about me already. Ikaw, magkwento ka. Bakit napadpad ka sa Sining City? Diba sabi mo sa Itakam ka lumaki?”
Sandali nag-isip si Ellie. "Wala lang, gusto ko lang kasi ng bagong lugar. Parang nasasakal ako sa masyado sa syudad, ang dami ng tao at mausok na lugar. Gusto ko ng tahimik, payapa tapos may ganito kagandang tanawin.”
"I agree with you.” Umakbay si Jake kay Ellie at pareho silang tumingin sa madilim na karagatan. “Yung ganito kagandang lugar tapos kasama ka, hinding hindi ko rin ipagpapalit sa kahit anong syudad meron dyan.”
Napangiti si Ellie sa kilig. Nanatili pa sila doon ng ilang minuto bago nagyaya si Jake.
"Tara na? Gabi na masyado at may klase ka pa bukas. Mamaya isipin nina Vanessa na bad influence ako sa’yo.”
Nakangiting tumango si Ellie. “Ulitin natin ang ganito ha.”
Pinisil ni Jake ang ilong niya. “Syempre naman.” Tugon nito kay Ellie.
Habang nasa daan sila pabalik ng SBU dorms ay biglang tumunog ang cellphone ni Jake.
“It’s my mom.” Pagbibigay alam nito kay Ellie. “Sagutin ko lang ha?”
Nakangitng tumango si Ellie.
Dahil nagmamaneho si Jake kaya nilagay niya sa loud speaker ang incomming call ng ina.
“Hi Mom! Kamusta?” Bati ni Jake sa kabilang linya.
“Hello Son, okay naman ako, ikaw? how are you?” ani ng malunay at malambing na boses ng ina ni Jake.
“I’m doing fine mom, Napatawag ka po? Something wrong?”
“Wala naman, bakit naistorbo ba kita?”
“I'm sorry to cut you mom, but can I call you back later? I’m actually driving and I’m with my girlfriend right now.” Nakangiting sinulyapan ni Jake si Ellie. Napayuko sa kilig ang dalaga.
“Talaga! That’s goodnews!” halata sa boses ng ginang ang galak. “Sa wakas, I’m so happy for your son!”
“Thank you mom. I’ll bring her sa Isla minsan, para mameet mo siya. If she wants too of course.”
“Syempre gusto ko!” Nabiglang sagot ni Ellie. Napahawak siya sa bibig niya dahil alam niya na napalakas ang boses niya. ko. “Sorry po. Napalakas po yata ang boses ko. Ako po si Ellie tita and excited na din po ako makilala kayo.” Nahihiyang sambit ni Ellie.
“I’m looking forward to meet you too hija.” Ani ni Mrs. Betina kay Ellie sa kabing linya. “Alam mo ba na ikaw ang kauna unahang girlfriend ni Jake kaya sobrang excited akong makilala ka, finally may nagpatibok na ng pihikan niyang puso.”
“Mom!” saway ni Jake sa ina na dahilan para matawa ito.
“Anyway nakakaistorbo na yata ako, Ingat kayo palagi. Bye Son, Bye Ellie!”
“Goodbye po tita.” pamamaalam ni Ellie
“Bye, mom.” paalam ni Jake sa ina.
Nang ibaba ni Jake ang tawag ay bumaling siya kay Ellie. “Sorry makulit ang mommy ko.”
Umiling si Ellie. “Hindi okay lang, ang gaan agad ng loob ko sa kanya.”
Malayong malayo siya sa mommy ko. Napayuko si Ellie sa naisip niya. May part niya ang naiinggit sa closeness ni Jake at ng mommy nito.