Chapter 9

3554 Words
 Walang naging balita si Ellie tungkol kay Jake mula nung nagresign ito sa SBU, dalawang linggo na ang nakakalipas ay umaasa pa rin siya na makarinig ng tungkol dito, habang tumatagal kasi ay lalo niyang hinahanap hanap ang prisensya ng binata. Inexpect ni Ellie na kokontakin siya muli ni Jake para sa closure ng kanilang pekeng relasyon, ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin siyang tawag na natatanggap mula dito. Baka busy lang siya. Paulit ulit niyang idinadahilan sa sarili, dahil ayaw niyang isipin na baka nga kay Jake wala siya talagang halaga.  Pero gustong gusto ko siyang makita ulit. Ang isipin na iyon ang nagpapalungkot kay Ellie sa araw araw na dumaraan. Kung may pagkakataon siya ay lagi siyang nakatitig sa painting ni Jake sa kwarto nila o kaya sa wallpaper nito sa cp niya. Gets naman ng mga kaklase ni Ellie kung bakit madalas ay tulala siya at walang imik, Naiintindihan ng mga ito ang lungkot niya dahil sa nangyari sa inaakala ng mga ito na nobyo niya. Ang tanging hindi sang-ayon sa inaasal nya ay sina Maris at Vanessa, alam kasi ng mga ito ang totoo na wala naman talagang silang relasyon ni Jake, kaya naman hindi dapat umaasa si Ellie na makikipagcommunicate pa sa kanya si Jake. Nais ng mga kaibigan niya na tigilan na niya ang pagkahibang niya sa binata. Kaya naman ng sumapit ang araw ng biyernes ay halos kaladkarin siya ng mga ito palabas ng kanilang kwarto, para magpunta sa isang restobar para maghappy night life, dahil hindi na matake ng mga ito ang patuloy na pagmumukmok na ginagawa niya. Nagtungo sila sa isang live band RestoBar. Bumubuhos ang alak at pagkain sa lamesa nila dahil panay ang order ng mga kaibigan niya, balak talaga ng dalawang na lasingin siya para makalimot daw siya. Kung matatanggal lamang sana ng alak ang pangungulila ko sa kanya. Nakatitig si Ellie sa bote ng beer na hawak niya. Gusto ko nga ba talaga na kalimutan siya? inilapit niya ang bote sa mga labi niya at nilagok ang laman nito. Damang dama ni Ellie ang pait ng alak na gumuhit sa lalamunan niya. Kasabay noon ang pagbuo kaunting luha sa mga mata niya, dahil alam niya na kahit nasasaktan siya ay hindi niya nais na mawala sa isip at puso niya si Jake. “Ellie!” Pasigaw na tawag ni Vanessa sa kanya. “Ang dami mo na yatang nainom, Tama na!” nilalakasan nito ang boses para magkarinigan sila dahil malakas ang tugtog ng banda. Umiling si Ellie. Medyo lasing na nga siya, pero ayaw niya pa ring tumigil. “Kaya ko pa!” Tugon niya sa kaibigan. “Nakailang bote ka na ng beer oh!” turo ni Vanessa sa tatlong bote ng beer na naubos niya. “Okay pa nga ako.” sambit ni Ellie, sabay tayo sa kinauupuan niya. “Oh saan ka pupunta?” hinawakan siya ni Vanessa sa kamay, Nakangiting lumingon si Ellie sa dito. “Sa CR!” pasigaw niyang tugon.  “Samahan kita.” ani ni Vanessa na nagtangkang tumayo ngunit natumba ito dala ng pagkalasing. Tatawa tawa si Ellie habang tinutulungan si Vanessa na makaupo muli ng maayos sa upuan. “Ikaw ang lasing eh!” ani niya. “Nakaisang bote ka pa lang nalasing ka kaagad.” Iiling iling na sambit niya. “Mababa talaga ang tolerance niyan sa alak eh.” Sabat ni Maris na noon ay nakapatong ang ulo sa balikat ni Brix. Yes, magjowa na sina Brix at Maris habang si Alex ay hoping pa rin na mapasagot si Vanessa. Kasama nila ang dalawang binata ng gabing iyon. Gaya ni Vanessa ay lasing na rin ang tatlo dahil nakaubos na ang mga ito ng dalawang bote ng tequilla. Sa kanilang lima si Ellie na lang yata ang nakakatayo pa ng maayos.  “Babalik ako kaagad.” Paalam niya sa mga kaibigan bago tuluyang tinungo ang CR. Pagkapasok na pagkapasok ni Ellie sa cubicle ng cr ay dali dali niyang tinungo ang toilet bowl at doon nagsuka ng nagsuka. Inilabas niya lahat ng alak na nainom niya. Nang maramdaman niya na okay na siya, pinunasan niya ang mga labi niya at nagflush ng toilet. Pumunta siya sa lababo para maghilamos ng mukha. Kasabay ng pagkawala ng alak sa sistema niya ay ang pagbabalik ng pangungulila niya. Simula ng dumating sa buhay niya si Jake ay nagbago na rin siya, hindi na siya ang dating Ellie na kayang mabuhay kahit wala si Jake sa kanya. Ngunit paano mo nga ba hahawakan ang isang tao kung hindi naman niya ibinigay sa’yo ang puso niya.  May bigat sa dibdib niya na ngumiti siya sa reflection niya sa salamin. Namuo ang mga luha sa mata niya. “Ano ba ang dapat kong gawin sa iyo para maintindihan mo na walang kayo?” Tanong niya sa sarili niya habang nakatingin pa rin sa reflection niya sa salamin. Naglakad siya palabas ng CR, ngunit imbes na bumalik sa lamesa kung nasaan ang mga kaibigan niya ay dumiretso siya sa palabas ng RestoBar. Doon sa labas tumayo siya sa gilid, sumandal siya sa pader ay ipinikit ang kanyang mga mata, pinuno niya ng sariwang hangin ang baga niya. Inhale.. Exhale… Inhale…Exhale. Dumilat siya at tumingala sa langit. Ano kayang ginagawa mo ngayon? Nakatitig siya sa milyon milyong bituin sa langit. Para sa mga bituin sa langit, ako sana ay mapansin, bigyang katuparan ang aking hiling, ang nais ko sana ay makita muli si Jake. Nasa ganoon siyang pag-iisip ng may mapansin siya sa gilid ng kanyang mga mata ang isang anino na nakatitig sa kanya. Itinuon niya ang paningin sa anino na iyon, isang lalaki nakablack hoody jacket. Napakunot ang noo ni Ellie. Nagpalinga-linga siya sa paligid niya dahil baka hindi naman siya ang tinititigan nito, ngunit walang ibang tao ng mga oras na iyon bukod sa kanilang dalawa ng lalaki. Kasabay ng malamig na hangin na tumama sa mukha ni Ellie ang pag-usbong ng takot ng mapagtanto ang sitwasyon niya. Tumalikod siya sa lalaki at nagsimula maglakad palayo. Nakakailang hakbang pa lamang siya ng mapansin niya na sinusundan siya ng lalaki. Binilisan niya ang bawat hakbang niya, Lihim niyang pinagalitan ang sarili dahil sana pumasok na lamang siya sa loob ng restobar kung nasan naroon ang mga kaibigan niya, bakit ba dinala pa siya ng mga paa niya sa malayo, mas mapapahamak siya nito eh. Bigla niyang naalala yung kwento ni Maris na mayroon nga daw isang lalaki na umaatake ng mga kababaihan. Hindi niya pinaniwalaan si Maris noon, dahil madalas mahilig itong gumawa ng kwento para lang manakot. Ang ala-ala ng kwento ni Maris ang nagpalala ng takot na nadarama niya. Binilisan pa niya lalo ang mga hakbang niya, ngunit sumabay din sa bilis ng paa niya ang bawat hakbang ng lalaking nakasunod sa kanya. Pulis! Sigaw ng utak niya. kailangan ko tumawag ng pulis. Dali dali niyang kinuha ang cellphone mula sa bulsa ng pantalon niya. Pag unlock niya ng cellphone ay wallpaper ni Jake ang bumungad sa kanya. Sir Jake! Binuksan niya ang phonebook niya, at nagdial ng contact person doon.  Nagring ng dalawang beses bago may sumagot sa kabilang linya. “Hello?” pupungas pungas ang boses ni Jake. “Sir Jake! si Ellie po ito, ano po ang gagawin ko? Natatakot na po ako..” naiiyak na bungad ni Ellie. “bakit?!” “May sumusunod sa akin na lalaki, kanina pa ako sinusundan.” Nanginginig ang boses ni Ellie, panay pa rin ang lingon niya sa gawing likuran niya. “Wait, Nasaan ka ba? Pupuntahan kita.” Sinuri ni Ellie ang paligid niya. “Dito po sa Thomas Street, kakalagpas ko lang po ng Grill and Dine In na restaurant.” “Open ba ang restaurant?” Tanong ni Jake. “Sarado na po.” Tugon ni Ellie. “Ah sige, malapit lang ako diyan. Papunta na ako huwag mo ibaba ang tawag.” Bilin nito sa kabilang linya. “Kapag may nakita kang bukas na convenience store pumasok ka doon.  Maglakad ka ng mabilis huwag kang hihinto hanggat wala kang nakikitang lugar kung saan may mga tao, manatili ka lang sa highway. Papunta na ako.” Dinig ni Ellie ang pagtunog ng mga gamit sa kabilang linya, tanda ng pagmamadali ni Jake sa bawat pagkilos nito. Ilang segundo pa ay narinig na ni Ellie an pagstart ng sasakyan ni Jake. “Natatakot po ako.” naiiyak na sambit ni Ellie, nakakaramdam na siya ng pagod kaya bumabagal na ang mga hakbang niya, ano mang oras ay maaabutan na siya ng lalaking sumusunod sa kanya.               “I’m on my way Ellie. Wag mong ibaba ang phone. Pilitin mong maglakad ng mas mabilis. Huwag kang hihinto.” Napasigaw si Ellie ng makaramdam siya ng pagtapik sa balikat niya.  Nabitawan niya ang cellphone niya dahilan para tumilapon ito sa kalsada. Napapikit siya at hindi makagalaw sa takot. Nanginginig ang buong katawan niya. Maya maya pa ay nakarinig siya ng malakas na halakhak. Dahan dahan niyang iminulat ang mga mata niya. Ang lalaki na kanina pa sumusunod sa kanya ay tawa ng tawa sa harapan niya. Napakunot ang noo ni Ellie sa pagtataka. “Nakakatawa yung mukha mo!” ani nito sabay hakbang nito upang lagpasan siya.  “Tony, bakit ang tagal mo? kanina pa kita hinihintay!” tawag ng isang lalaki kalalabas lang nito sa isang convenience store na ilang hakbang na lamang ang layo mula kay Ellie. “Nakita mo ba yun Mark? Nakakatawa yung mukha niya eh noh hahahaha.”  Tatawa tawa siyang itinuro ng lalaking tinawag na Tony. “Hindi ka nakakatuwa!” galit na sigaw ni Ellie. Doon niya narealized na prank lang pala ang ginawang pagsunod nito sa kanya. “Hindi ko naman ginawa iyon para matuwa ka noh? Ginawa ko iyon para matuwa ako! Saktan kita dyan makita mo ka!” ani ng bastos na si Tony na muling lumapit kay Ellie upang ipakita ang kamao nito bilang pagbabanta sa kanya. “Tony! Tama na yan, tara na!” saway ng kasama ni Tony. Patakbo itong lumapit sa kaibigan para pigilan ito at hilahin papasok ng convenience store. Sinundan ito ni Ellie ng matalim na tingin, maya maya pa ay napahagulgol siya. Hindi niya maintindihan kung bakit sobrang awa para sa sarili niya ang nararamdaman niya ngayon. Hindi niya mapigilan ang mga luha niya. ilang segundo siyang umiiyak, nang mapansin niya ang nalaglag na cellphone niya. Pinunasan niya ang mga luha sa mata niya tapos ay dinampot niya ang cellphone niya, mula sa screen nito nakita niya na nasa kabilang linya pa rin si Jake. Nanlaki ang mga mata niya, dali dali niyang inilagay sa tenga niya ang cp.      “Hello.” Ani niya.             “Ellie! are you okay?”             “Okay lang po ako. Sorry po naabala ko kayo.” Napaisip si Ellie kung narinig ba lahat ni Jake ang mga sinabi ni Tony sa kanya.             “Andito na ako.” pagkasabi noon ni Jake ay agad nga nakita ni Ellie ang isang puting SUV na papalapit sa kanya. Sasakyan ni sir Jake. Huminto ito sa tapat niya, mula sa driver seat ay nagmamadali bumaba si Jake, patakbong itong lumapit sa kanya. “Ellie, okay ka lang ba talaga?” Sinuri nito ang katawan niya. “Okay lang po ako sir.” pagkasabi noon ay yumakap siya kay Jake, nagulat ito nung una sa ginawa niya, pero pagkatapos ng tatlong segundo ay naramdaman ni Ellie ang pagganti nito ng yakap. “Thank Goodness your okay.” Bulong nito kasabay ng isang malalim na hininga. Dahil doon lalong napahagulgol ng iyak si Ellie, hindi dahil sa takot na naranasan niya kanina, napaiyak siya dahil ngayon niya ramdam na ramdam kung gaano niya namiss ang binatang ito. Ilang linggo niyang hiniling sa lahat ng bituin sa langit na sana kahit sa huling pagkakataon ay muli niya itong makita, At sinagot nga ng mga bituin ang kanyang hiling dahil ang lalaking kinasasabikan niya ay nasa loob na ng kanyang yakap.   Nang mahimasmasan si Ellie ay inilalayan na siya ni Jake pasakay sa saakyan nito. "Dadalhin muna kita sa hospital para macheck ka nila ng mabuti.” ani nito sabay start ng engine. Umiling si Ellie. “No need po sir, hindi naman po ako nasaktan. Ang totoo niyan..” Nag-aatubili si Ellie na ituloy ang nais niyang sabihin, Hindi niya alam kung paano sasabihin dito na napagtripan lang siya ng lalaki na sundan para takutin. “I know, I heard everything Ellie.” Biglang nagdilim ang mukha ni Jake. “Dadalhin muna kita sa hospital bago tayo tutuloy sa police station, hindi tama ang biro na ginawa niya sayo.” Matalim ang mga mata ni Jake na nakatitig sa convenice store kung saan pumasok ang lalaking tinawag na Tony. “Siya ba iyon yung nakablack na jacket?” nguso ni  Jake sa direkyon ng convenience store. Kita kasi mula sa labas ang loob ng tindahan. Marahang tumango si Ellie. “Ayaw ko na sana palakihin ang gulo, hindi naman ako nasaktan, kaya hindi na siguro kailangan magreport sa pulis.” “Why not?” may galit sa boses ni Jake na tumingin ito kay Ellie. “Sobrang pagod na ako. Gusto ko na lang umuwi.” pagmamakaawa niya kay Jake. Emotionally exhausted na talaga siya. Simula noong naging pag-aaway nila ni Jessica, sa chismis na pinagkalat ni Michael na naging dahilan ng pagpapagap nila ni Jake na in a relationship sila, ang biglang pagkakatanggal nito sa SBU. Ang sobrang pangungulila niya sa lalaking hindi naman sa kanya. Tapos ito pa, naging biktima pa siya ng hindi magandang biro ng lalaking hindi naman niya kilala. Napayuko si Ellie. Mataimtim siyang tinitigan ni Jake. Nakakunot pa rin ang mga noo nito.  “Will it make you feel better kung pupuntahan ko sila  doon para bigyan sila ng leksyon?” tanong ni Jake na nagpaangat sa ulo ni Ellie upang tingnan ito. “Ha?” nakakunot noong tiningnan ni Ellie si Jake, pilit niya binabasa sa mukha nito kung nagbibiro ba ito, ngunit seryoso ang mukha ni Jake na nakatitig pa rin sa convenience store. Namilog ang mga mata ni Ellie ng marealized niya ang binabalak ni Jake. Mabilis siyang umiling at humawak sa braso ni Jake. “No!” natatarantang sambit niya. “Please. Okay na  ako. Wala na akong pakialam sa kanila.” Lumingon si Jake sa kanya at bumuntong hininga, nakahinga lang ng maluwag si Ellie ng pinaandar na nito ang makina ng sasakyan. Ngunit hindi inaasahan ni Ellie ang muling pagpatay ni Jake ng car engine. Namilog ang mga mata niya sa sunod na sinabi ni Jake. “I need to do this to make me feel better, hindi ko siya palalampasin sa ginawa niya sa’yo. Stay here Ellie, this will be quick.” Mabilisang lumabas si Jake ng sasakyan at tinungo ang convenience store, wala ng nagawa si Ellie kundi panuorin ang mga sumunod na nangyari. Maya maya pa ay nakita niya ang pagkakagulo sa loob ng convenience store. Napahawak ng mahigpit si Ellie sa pintuan ng sasakyan, punong puno ng pag-aalala ang puso niya.  Akmang lalabas din sana siya ng sasakyan ng matanaw niya si Jake na pabalik na sa gawi niya. Putok ang labi nito, magulo na ang buhok at puno na ng gusot ang Tshirt na suot nito. Napalingon si Ellie sa dalawang lalaki na patakbong lumabas ng convenience store, hinabol ng mga ito si Jake. Walang senyales na nasaktan ang kasama ni Tony,  pero si Tony may dugong umaagos mula sa kilay nito, at black eye sa kaliwang mata. Pagkasakay ni Jake ng sasakyan ay dali dali nitong pinaandar iyon palayo. Hindi sila naabutan ni Tony. Napalingon si Ellie kay Jake, nagdurugo pa rin ang mga labi nito. Dali dali siyang kumuha ng tissue sa box at ipinunas iyon sa labi ni Jake. “Ikaw yata ang dapat kong dalhin ngayon sa hospital.” Ani ni Ellie na ikinatawa ni Jake.   Ngunit nananitiling seryoso ang mukha ni Ellie. “Hindi niyo na dapat ginawa iyon, nasaktan pa tuloy kayo.” “Hindi ko kayang palampasin lamang iyon Ellie, hindi ko nagustuhan na ginawa ka niyang katatawanan tapos pinagbantaan ka pa ng lalaki na iyon na susuntukin ka niya, bakit sino ba siya sa akala niya!” nagbalik ang galit sa boses ni Jake. “Patingin ka sa hospital please para magamot yang labi mo.” Pag-iiba ni Ellie ng usapan. “I’m fine. Minor injury lang ito. Yelo lang katapat nito.” pinilit ni Jake na ngumiti kay Ellie ngunit napangiwi ito dahil sa kirot ng sugatang labi. “Ako ang nasasaktan para sa iyo eh.” Natatawang nilingon siya ni Jake. “Bakit ka naman masasaktan para sa akin?” tanong nito.  “Mahal kasi kita.” Pagtatapat ni Ellie kay Jake. Kailangan niyang ilabas ang nararamdaman niya dahil kung itatago niya pa ito ay baka sumabog na siya. Nabigla si Jake sa tinuran niya kaya wala sa loob na natapakan nito ang brake, dahilan para biglang mapahinto ang sinasakyan nila, mabuti na lamang at nakasuot silang dalawa ng seatbelt, kung hindi ay baka tumilapon sila sa dashboard. Nag-iwasan sila ng tingin. Pareho silang walang masabi. Kagat labi si Ellie na itinuon ang paningin sa kabilang direksyon. Ngayon siya nagsisisi ginawa niyang pagtatapat ng nararamdaman kay Jake. Napatitig na lamang siya sa isang mamihan na nasa gilid niya. Napansin iyon ni Jake, inakala nito na nais ni Ellie magtungo doon. “G-gusto mo ng mami?” nauutal na tanong ni Jake. “Ha?” gulat na napatingin si Ellie kay Jake. Nakangiting itinuro ni Jake ang mamihan na tinititigan ni Ellie kanina. Nahihiyang tumango ang dalaga. Pinark muna nila ang sasakyan tapos ay sabay nilang tinungo ang mamihan. Maliit na establishment lamang iyon. May walong magkakahiwalay na lamesa na may tig-aapat na upuan, May tatlong ceiling fan, open area ito, walang ding ding kaya kita ang labas. Pasado alas kwatro na ng madaling araw iyon pero punong puno pa rin ang mamihan, karamihan ay galing din sa pagbabar hopping. Pagkapasok nila ay  may lumapit agad sa kanilang lalaki, tantya ni Ellie nasa 40’s na ito. Nakangiti ang pagod na mukha nito, tanda ng mahabang oras na pagiging abala sa pag-aasikaso ng maraming customer na kumakain roon.   “Welcome!” Bati nito sa kanilang dalawa.  “Dalawa lang ba kayo?”  Tumango si Jake bilang tugon sa tanong nito. “Ah tara dito tayo, may bakanteng lamesa doon.” Yagak nito sa kanila papasok sa pinakaloob ng mamihan. Nang makaupo na sila sa lamesa ay saka kinuha ng matanda ang order nila.  “Isang chicken mami po sa akin. Ikaw po sir?” Baling ni Ellie kay Jake. “Sir?” nagtatakang tanong ng lalaki. “Akala ko girlfriend ka niya? Boss mo pala siya?” Usyoso nito sa kanila. Nahihiyang ngumiti si Ellie. “Naku hindi po!” tanggi niya dito.   “Tama ka, Girlfriend ko nga siya.” nakangiting sabat ni Jake na ikinabilog ng mga mata ni Ellie. “Kapareho nalang din ng order niya ang sa akin.” dagdag na sambit ni Jake. “Sabi ko na eh!” nakangiting bulalas ng lalaki. “Bagay na bagay kayong dalawa.” Pagkasabi noon ay umalis na ito para asikasuhin ang orders nila. Ilang minuto silang walang imikan ni Jake. Kahit pa gustong gustong itanong ni Ellie ang tungkol sa isinagot ni Jake sa matanda ay mas pinili na lamang niyang manahimik.  “Gusto mo bang subukan natin?” Biglaang tanong ni Jake kay Ellie, na nagpakunot sa noo ng dalaga. “Subukan ang alin?”  “Subukan na maging tayo.” Seryoso ang mukha na nakatitig sa kanya si Jake. “For real.” Dagdag nito. Napatanga si Ellie sa narinig niya.  “P-paano si Cathy?” Tanong niya dito. “Si Cathy? Bakit anong kinalaman ni Katya dito?” kunot noong tanong ni Jake. “Hindi ba siya ang kasintahan mo?” Natawa si Jake sa tanong niya. “Saan mo narinig iyan?” nakangiting tanong nito sa kanya. “Sa lahat. Sa SBU.” Nakangusong tugon niya.  “Cathy is my childhood friend, hindi ko siyang girlfriend.” Sa tugon na iyon ni Jake umaliwalas ang mukha ni Ellie. Umabot hanggang tenga ang ngiti niya. Wala siyang mapaglagyan ng kaligayahang nadarama niya.   “Gusto mo ba talaga ako na maging GF mo?” nahihiya at nakangiting tanong ni Ellie kay Jake.   Ngumiti ang binata. “Simula nang makita kita sa fire exit ng gabing iyon, Hindi ka na nawala sa isip ko. Kaya naman ng makita kita ulit sa classroom, natuwa ako. Pero dahil nga professor mo ako, kaya pilit kong pinatay yung nararamdaman ko para sa’yo. Gusto kita palaging tulungan, at protektahan, gusto kitang pagsilbihan sa kahit anong paraan. Kahit tinaggal nila ako sa SBU, hindi ako nakaramdam ng lungkot Ellie, sa halip nakahinga ako ng maluwag ng malaman ko na nanumbalik na sa normal ang buhay mo bilang estudyante doon.” Pagtatapat ni Jake sa kanya. “Kanina ng matanggap ko ang tawag mo, labis ang naging pag-aalala ko para sa iyo. At ng marinig ko na mahal mo din ako, sobrang saya ko. Dahil ang totoo niyan Ellie, mahal kita. Simula pa noong una kitang makilala.”        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD