Chapter 8

3671 Words
Dinala siya ni Jake sa isang all day breakfast restaurant na hindi kalayuan sa SBU, unlike noong una na nagpunta sila sa malayong coffee shop, ngayon hindi na sila nagtatago.   Kanina pa nais tanungin ni Ellie si Jake kung ano ang nangyari sa meeting nito with Mr. Calderon, ang SBU president at ng school board, nais niyang malaman kung ano na ang mangyayari sa teaching career nito pagkatapos ng kontobersyal na kumakalat tungkol sa kanilang dalawa. Alam ni Ellie na maraming hindi magandang salita ang ibinabato ngayon kay Jake, dahil nababasa niya ang mga iyon sa social media, Ngunit hindi niya magawang ungkatin ang topic tungkol doon, Hindi niya magawang tanungin ito ng diretso dahil simula pa kanina ng sunduin siya nito ay palagi itong nakangiti at mukhang masaya, kahit pa ramdam ni Ellie na sa likod ng mga ngiting iyon ni Jake ay may problema itong tinatago, problema na ayaw ni Jake ipaalam sa kanya.               “Una sa lahat gusto kong humingi ng tawad dahil nadawit ka sa gulo na dala ko.” Panimulang ani ni Jaken habang naghihintay sila ng order nilang pagkain.               Umiling si Ellie. “Ako ang may kasalanan ng lahat ng ito, sa akin sila galit, ako dapat ang humingi ng tawad sa iyo dahil nadamay ka sa kamalasan na dala ko.”               “Pasensya ka na kung kinailangan kong sabihin sa lahat na girlfriend kita.”               “Alam ko na kaya ginawa mo iyon ay para saluhin ang lahat, para iligtas ako, kung tutuusin ako ang humalik sa iyo, wala kang ginawang masama pero ikaw ang higit na nahihirapan ngayon, yung mga sinasabi nila patungkol sa iyo, hindi mo deserved iyon, pero tinitiis mo dahil sa akin.” Napayuko si Ellie upang itago ang mga luhang nagsimulang mamuo sa mga mata niya.               Ngumit si Jake. “Niyaya kita magbreakfast para humingi ng tawad sa iyo, pero lumalaban ka din ng pagsosorry sa akin.”               “Sabihin mo sa akin please paano kita matutulungan? Gusto kita tulungan.” Pagsusumamo niya.               “No Ellie, this is all on me, I am older than you, I should have protected you. I don’t know if yung naging desisyon ko kahapon ay mas nakabuti ba o mas nakalala lang ng sitwasyon mo. Don’t worry. Aayusin ko ito. Sinabi ko lang sa lahat na may relasyon tayo pero hindi naman natin kailangan kumilos ng mga bagay para lamang patunayan iyon. After a week or two makakalimutan na ng lahat ang issue na ito and pwede na natin sabihin na wala na tayo, pwede na ka na bumalik sa dati, pangako babalik din sa normal ang lahat.”               Napayuko muli si Ellie. Pero paano kung ayaw ko na bumalik tayo sa normal, normal kung saan walang tayo, kahit hindi totoo ang salitang ‘tayo’. Ramdam ni Ellie ang pagbigat ng mga muscles niya sa mukha, lalo na ang mga labi niya. Naninikip ang dibdib niya sa idea na after one week ay magbrebreak sila ni Jake.               Nang dumating ang order nila ay nagsimula na silang kumain, ngunit kahit anong gawing nguya ni Ellie ay wala siyang nalalasahan sa mga kinakain niya, Nahihiya lang kasi siya sa generosity ni Jake kaya pilit niyang inubos ang nasa plato niya. After nila kumain ay niyaya na siya ni Jake bumalik ng SBU campus.   “Ellie are you okay?” may pag-aalalang tanong ni Jake ng mapansin nito na kanina pa walang imik si Ellie, nasa parking lot na sila ng school.               Malungkot ang mata ni Ellie na tumango kay Jake. “Mauna na po ako.” paalam niya dito sabay hawak sa grab handle ng sasakyan para buksan ito.               “Go ahead, baka nga malate ka sa first subject niyo.” Nakangiting sambit ni Jake na nasa  driver seat pa rin.               Natigilan si Ellie sa pagbaba ng sasakyan, kunot noo niyang nilingon si Jake. “Hindi po ba ikaw first subject namin?”               Nahihiyang ngumiti habang nagkakamot ng batok si Jake. “Hindi na eh, I have to give up that subject kasi nga diba ang alam ng lahat na girlfriend kita, so to avoid any misunderstanding with regards to favoritism, ibinalik ko kay professor Luca ang subject na iyon.”               Agad napalitan ng lungkot ang bahagyang pagkabigla ni Ellie. “Sorry po.”               Nakangiting umiling si Jake “Don’t worry about me Ellie, I’m fine. now Go!” pinanlakihan siya ng mata ni Jake.   Tipid na ngumiti si Ellie kay Jake bago siya tuluyang lumabas ng sasakyan nito, may mga estudyante sa parking lot na nakakita sa kanila pero wala na si Ellie pakialam sa mga ito, isipin na nila ang nais nilang isipin, ang hindi  niya maiwaksi  ay ang magkahalong pagkabahala at pag-aalala niya para kay Jake at sa teaching career nito.     ***   Binabagabag pa rin si Ellie ng pag-aaalala para kay Jake habang nagkaklase sila. Pakiramdam niya talaga ay may mali, ngunit hindi niya pa matukoy kung ano.   Nagesisyon siya na muling kausapin si Jake, pagkatapos na pagkatapos ng klase nila kay professor Luca. Nais niyang matiyak na naging maayos nga ang meeting nito with the school heads. Kaya ng magpaalam si Professor Luca sa buong klase bilang tanda ng pagtatapos ng subject nila ay dali daling tumayo si Ellie mula sa pagakakaupo sa lamesa niya, patakbo siyang lumabas ng classroom nila, ngunit bigla din siyang napahinto nang mapagtanto na hindi niya alam kung saan pupuntahan si Jake.   “Ellie! saan ka pupunta?” tawag ni Maris.   Nilingon ito ni Ellie. Nagtatanong ang mukha niya. “Alam niyo ba kung anong subject o kung saan room maaaring nagtuturo si sir Jake ngayon?”   Nagkatinginan sina Vanessa at Maris, maging ang ibang kaklase nila na nakarinig sa tanong niya. Walang sumagot, umiling ang ilan habang kibit balikat ang itinugon sa kanya ng dalawa niyang kaibigan. Lalong nakaramdam ng kaba si Ellie. Bakit walang nakakaalam.   “Tanungin mo si sir Luca, I’m sure alam niya.” Suhestyon ni Vanessa.   Agad na hinabol ni Ellie si Professor Luca. Naabutan niya ito na naglalakad sa pasilyo ng second floor.   “Sir! Sir Luca!” humahangos na tawag niya dito. “Sandali lang po!” huminto naman si Luca ng marinig ang tawag niya at hinintay siya nito na makalapit.   “Ms. Villanueva, what’s the matter?” Tanong nito.   “Alam niyo po ba kung saan ang klase ni sir Jake ngayon?” Tanong ni Ellie dito.   Sandaling napaisip si Luca.   Ngumiti ito sa kanya.“Sa palagay ko may dahilan si Prof. Insano kaya hindi niya sinabi sa iyo, I apologised as I can’t share with you information that might be confidential.” Tugon ni Luca.   Confidential? Kailan pa naging confidential ang tungkol doon?baki confidential?     “Thank you po.” Bagsak ang balikat na sambit ni Ellie.   “Hanapin mo nalang siya around the campus, I’m sure andito pa siya.” Pagkasabi noon ay nagpaalam na si Prof. Luca sa kanya.   Walang inaksayang oras is Ellie agad niyang nilibot ang buong campus para hanapin si Jake. Bakit ba kasi hindi ko nahingi kay sir Luca ang cp number ni sir Jake. May panghihinayang na bulong niya sa sarili.     Lakad takbo ang ginawa niya, Nililibot ng mata niya ang bawat sulok ng campus umaasang mahahagip ang kahit anino man lang ni Jake, hindi niya alintana ang pawis na tumutulo mula sa anit ng kanyang buhok pababa ng kanyang sintindo.   Napahinto siya ng makita niya sa di kalayuan si Jake, naglalakad ito papasok palabas ng library. Agad niya itong hinabol. “Sir Jake!” Sigaw ni Ellie ngunit hindi siya nito narinig, patuloy lamang ito sa paglalakad.   “Sir Jake!” muling tawag niya dito. Nang sa wakas ay lingunin siya nito. “Ellie?” kunot noong tanong nito sa kanya ng makalapit siya dito. “Ellie anong ginagawa mo dito?! bakit hindi ka pa pumapasok sa klase mo? late ka na yata ng three minutes!” “Sir, kasi po…” humahangos na sambit niya. “Jake!” masiglang tawag ni Cathy kay Jake na noon ay nakangiting nakatingin sa gawi nila. “Tara na!” “Yeah.” Nakangiting tugon ni Jake dito.    Napatulala si Ellie ng makita si Cathy. Lumingon siya kay Jake na nakangiti habang nakatingin pa rin kay Cathy. Bigla na lamang may naramdaman siya na parang may tumarak sa dibdib niya.  “M-May lakad kayo?” Matabang na tanong ni Ellie kay Jake. “Ha?” saka lamang muling nagbalik ng tingin si Jake sa kanya. “Ah, Oo eh.” Maiksing tugon nito habang nakangiti pa rin. “Mauna na ako, Go to your class now, Ellie.” Pagkasabi noon ay tumalikod na si Jake sa kanya at naglakad papunta kay Cathy. Nanatiling nakatingin lamang si Ellie kina Jake at Cathy. Gusto niyang habulin si Jake, hilahin ang braso nito pabalik sa kanya, Nais niyang pigilan ito na  sumama kay Cathy. Binabalot ng takot at pangamba ang puso niya. Kaya ba gusto mo makipagbreak within a week, dahil kay Cathy? Alam niya ba na hindi totoo ang relasyon natin dalawa?Sinabi mo ba sa kanya na huwag siyang mangamba dahil siya lang ang gusto mo makasama? mahal mo ba siya?wala ba talaga tayong pag-asa?   Nag-init ang mga mata niya, namuo ang mga luha doon. Alam naman niya na imposible na magustuhan din siya ni Jake pero hindi niya pa rin mapigilan ang sarili niya na hindi masaktan, dahil hindi niya kayang pakawalan ang kahit katiting na pag-asa na mapapansin din siya nito. *** Hindi na pumasok si Ellie sa iba niyang subjects ng araw na iyon, Sobrang bigat ng nararamdaman niya, ang nais niya lamang ay mapag-isa kaya dumiretso siya sa dorm nila.  Laging lumilipad ang isip niya sa kung saan pupunta sina Cathy at Jake, ano ang ginagawa ng mga ito sa oras na iyon. Hindi niya maintindihan kung bakit ganito siya kaapektado. Bakit ka magseselos? Anong karapatan mo magselos eh fake girlfriend ka lang naman. Paulit ulit na sinasabi niya sa sarili niya na lalong nagpapabigat sa lungkot na nararamdaman niya. Naupo siya sa sahig, sumandal siya sa paanan ng kama niya, tumingala siya sa portrait ni Jake. Inilabas niya ang kanina pang pinipigilang mga luha sa mata niya. Umiiyak siya, sa magkahalong galit at pain na nararamdaman niya. Kahit fake lang ang relasyon namin, hindi dapat niya hinahayaan na makita siya ng ibang tao na may kasamang ibang babae. Ano na lang iisipin ng ibang tao tungkol sa akin? Pilit niyang idinadahilan iyon sa sarili niya kahit na ang totoo aware siya na kaya siya nasasaktan ng mga oras na iyon ay dahil nais niya na mahalin din siya ni Jake. Ngunti ano ang magagawa niya kung iba talaga ang mahal nito at hindi siya. Patuloy pa rin ang pagluha ni Ellie ng biglang magring ang cp niya. Nang tingnan niya iyon ay incoming video call galing kay Vanessa. Pinunasan niya ang mga luha sa mata niya bago niya sinagot ito. “Ellie! Bakit hindi ka pumasok? Nakakaloka ka!” Bungad ni Vanessa sa kanya. “Nasaan ka ba?” segunda ni Maris na nasa likod ni Vanessa. ”Sumama kasi ang pakiramdam ko.” Pagsisinungaling niya. “Bakit? Anong masakit sa’yo?” mababakas ang pag-aalala sa boses ni Vanessa. Sa background nakikisilip si Maris. “Bakit namumugto ang mga mata mo umiyak ka ba?” “Wala, Yung puson ko.” Pagsisinungaling niyang muli. “Ahhh, inom ka na ng gamot, meron diyan sa drawer ko sa bedside table. Ako nalang magsasabi sa ibang professor natin na hindi ka na makakapasok.” ani ni Vanessa. “Thank you Vane.” “Get well soon Ellie! Miss na kita kaagad!” pabirong sabi ni Maris sabay kindat sa kanya. “Pahinga ka lang dyan, uwi ako kaagad pagkatapos ng klase.” ani ni Vanessa nang Pagkatapos magpaalam ni Ellie sa mga kaibigan ay pinatay na niya ang video call. Mukha naman nakumbinsi niya ang mga kaibigan sa alibi niya. Muli siyang tumingala sa portrait ni Jake. Gamit ang hawak na cellphone ay kinuhanan niya ito ng litrato, at ginawang wallpaper ng cp niya. Kung pwede lang sana na ako ang lagi mong kasama. Malungkot siyang ngumiti, tumayo siya mula sa pagakakaupo at nahiga sa kama niya. Pumikit siya para ipahinga ang namumugto niyang mga mata. Nang muli siyang dumilat ay madilim na ang buong paligid. Hindi lang basta madilim, Black lahat kahit saan siya tumingin, wala siya talagang makita. Bakit wala akong makita? Nabulag na ba ako? Nagpapanic na siya, dali dali niyang kinapa ang cp niya ngunit hindi na ito mahagilap. “Vanessa!” tawag niya sa kaibigan, nababalot na siya ng takot. Natataranta siyang pilit tumayo mula sa pagkakahiga. “Vanessa!” Pilit niyang nilakasan ang tawag niya sa pangalan ng kaibigan. Na-iiyak na siya sa sobrang takot ng may boses na biglang nagsalita. “Ellie…” boses ng isang lalaki. Napahinto si Ellie ng marinig iyon, pilit niyang inaaninag ang paligid niya, pilit niyang hinahanapa ang pinanggagalingan ng boses na iyon. “Sino ka?” nanginginig ang boses na tanong niya.   “Sabi mo mahal mo ako, pero bakit nakalimot ka?” May halo ng hinanakit ang himig nito.   “Paanong hindi kita makakalimutan eh Hindi naman kita kilala! Sino ka ba? Magpakilala ka!” Sobang lakas na ng kabog ng dibdib ni Ellie sa takot. “Sabi mo mahal mo ako.” Hindi sinagot ng mahiwagang boses ang mga tanong niya.   Nagtayuan ang mga balahibo ni Ellie ng maalala na ang boses na iyon ay kapareho ng boses na narinig niya noong nasa painitng studio sila ni Jake.           “Hindi kita kilala! Layuan mo ako!” sigaw niya dito. Ano ba ito? Multo? Maligno?lumayo ka sa akin! Napahagulgol na siya sa sobrang takot. Tinakpan niya ang mga mata niya na noon ay wala pa ring makita. Nang muli siyang magdilat ng mata ay bumungad sa kanyang paningin ang kisame ng kanilang kwarto. Napabalikwas siya ng bangon. Agad niyang sinuri ang paligid niya. Nakakakita na siya ulit! Nakita niya si Vanessa na nasa study table nito at busy sa pagsusulat. Nakahinga siya ng maluwag. Panaginip lang pala. “Sino kaya yun?” wala sa loob na nasambit niya. “Sino?” tanong ni Vanessa na lumingon sa gawi niya. “Wala. Yung sa panaginip ko” “Tell me about it.” Inilapag ni Vanessa ang hawak na ballpen at lumapit sa kanya. “Wag na, it’s nothing, really.” Tugon niya sabay tayo at nagtungo sa banyo para maghilamos. Kibit balikat na sinundan siya ni Vanessa hanggang sa pintuan ng banyo.   “Kamusta na pakiramdam mo?” Tanong nito sa kanya. “Okay na ako.” ani niya sabay punas ng face towel sa mukha niya. Tinungo ni Vanessa ang personal fridge nila. Naglabas ito ng food container mula doon at ipinatong sa two seater table nila. “I’m sure gutom ka, hindi ka nakapaglunch at dinner. Pinagtake out ka namin ni Maris ng pagkain. Kain ka na.” aya nito sa kanya. Tipid na ngumiti si Ellie na lumapit sa lamesahan nila. “Thank you.” Pagkabukas ni Ellie sa food container ay nabalot ng amoy ng Crispy Liempo at Kare kare ang buong kwarto nila, kaya lalong siyang nakaramdam ng gutom. Nakangiti siyang pinanuod ni Vanessa habang buong gana siyang kumakain.   *** “Oh eh akala ko ba in a relationship ka na, eh bakit mukhang broken hearted ka?” biro ni Vanessa sa kanya isang umaga, habang naglalakad silang tatlo papasok sa unang klase nila.             “As if naman in a relationship talaga ako.” matabang na tugon ni Ellie dito.                        Sabay hablot ni Maris sa cp na nasa kamay ni Ellie.”Eh bakit si sir Jake ang nasa wall paper mo?” nanunuksong itinapat ni Maris sa mukha ni Ellie ang screen ng cp kung saan nakadisplay ang artwork niya na may larawan ni Jake.             “Broken hearted? Bakit? Kasi gusto niya for real?” Dagdag biro ni Vanessa.                “Tumpak!” sabay na naghigh-five ang dalawa.             “Si Cathy iyon hindi ba?” turo ni Ellie kay Cathy na naglalakad papasok ng campus. “Estudyante din ba siya dito sa SBU?”             “Nagseselos ka?” patuloy na biro ni Maris.             “Seryoso ang tanong ko.” Naiiritang sambit ni Ellie.               “Alumna siya ng school.” Si Vanessa ang sumagot. “Eh bakit lagi siyang nandito sa school?” nakasimangot na tanong ni Ellie.  “Ang alam ko nagpart time siya as assistant librarian dito sa SBU.  Ayon nga sa chismis sinusundan ni Cathy si sir Jake. Kaya nga diba ang daming speculation na baka in a relationship ang dalawa.” Malungkot na muling sinulyapan ni Ellie ang wallpaper ng cp niya. Kaya ba galing siya sa school library nung huli niya itong makita, dahil hinahanap nito si Cathy?             “Bakit parang affected ka Ellie?” tanong ni Maris habang sinusuri ang mukha niya. “Don’t tell me nagseselos ka talaga kay Cathy?” “Hindi noh!” Nakangusong tanggi ni Ellie. sabay tulak palayo sa mukha ng kaibigan.             Umiling iling si Vanessa. Seryoso ang mukha nitong tumingin ng diretso sa mga mata ni Ellie. “Fake girlfriend ka lang niya Ellie, after one week wala na kayong ugnayan, kaya ingatan mo ang puso mo, ayaw kong mahulog ka sa bitag ng pag-ibig tapos wala naman sasalo sa’yo.”             Dahan dahang napatingin si Ellie sa lupa. “Alam ko.” Mahinang tugon niya.    *** Hindi pa man lubos na nakakapasok ng classroom sina Ellie, Maris at Vanessa ay sinalubong na sila sa pintuan ng ibang kaklase nila.             “Ellie! Totoo ba? Nagresign na si sir Jake?” bungad ni Rebecca sa kaniya.               “Nagresign?” Napahawak si Ellie sa dibdib niya. Napakurap siya ng ilang beses, Sabi ko na eh, may problema siya! bakit mo inilihim sa akin ang tungkol dito sir Jake?               “Natanggal siya, hindi nagresign, kasi nakipagrelasyon siya sa estudyante niya.” napalingon siya sa gawi ni Jessica na nanatiling nakaupo at blanko ang expression ng mukha.               “Sayang naman ang talent niya sa pagtuturo.” Nakangusong sambit ni Berna na pairap na tumingin sa gawi ni Ellie. “I doubt kung meron pang university na maghihire sa kanya after ng kontroberysal na kinasangkutan niya.”               “Ganun ka niya kamahal Ellie? para piliin ka ni sir Jake over his career.” Matipid na ngumiti si Claire sa kanya, sabay tapik sa balikat niya. “Nakakainggit ka naman.”               Tinabig ni Ellie ang kamay ni Claire sa braso niya, tumalikod siya at mabilis na tumakbo patungo sa faculty office. Pinipigilan niyang maluha.   Sabi mo.. Sabi mo magiging okay na ang lahat! Sabi mo ikaw ang bahala, ito ba ang ibig mo sabihin sa okay na? ganito mo ba talaga balak ayusin ang lahat?Ang iwan ako ng walang paalam! Pabiglang binuksan ni Ellie ang pintuan ng faculty room. Bumungad sa kanya ang isang babae sa front desk na abalang nagtytype sa desktop computer nito.             “G-Good morning.” bati ni Ellie dito.             Nag-angat ito ng mukha sa kanya at ngumiti ng makilala siya. “Good morning, Ellie.”             “K-kilala mo ako?”             “Oo naman. Meron pa bang tao dito sa school na hindi nakakakilala sa iyo?”             Ah. Oo nga pala. Buong Sining City nga ang may alam sa fake relastionship namin ni sir Jake.kaya nga niya kinailangan magresgn. Napabuntong hininga siya sa naisip niya.             “How can I help you?” Ang tanong na iyon ng front desk officer ang nagpapalis sa mga nasa isip ni Ellie.  “Itatanong ko lang sana kung nandito na ba si sir Jake?” Nawala ang pagkakangiti sa mukha ng babae. “Hindi mo ba alam? Last day na niya kahapon, Terminated siya eh. Hindi na siya maaaring magturo sa SBU.” “Terminated?” Nanlalaki ang mga mata ni Ellie sa narinig. “Akala ko ba nagresign siya?” Awkward na ngumiti ang babae. “Resigned pala.” Napayuko si Ellie. Tinanggal siya. hindi siya nagresign.kasalanan ko ito. Napansin ng babae ang lungkot sa mukha ni Ellie. “B-Baka kasi ayaw ka lang niya mag-alala kaya hindi na niya binanggit sa iyo?” “Ok lang ba kung kunin ko nalang ang number ni sir Jake?” Tiningnan niya ang babae ng diretso sa mga mata nito. Npakunot ang noo ng babae. “Wala kang number niya? Dalawang mahinang iling ang itinugon ni Ellie. Paano naman ako magkakaroon ng cp number niya, Sino ba naman ako sa buhay niya. hindi niya nga sinabi sa akin na terminated siya. Patagilid siyang tiningnan ng babae, nagdadalawang isip ito. “Hindi kasi ako pwede basta basta magbigay ng personal information sa kung sino sino.” “Hindi naman ako kung sino lang kay sir Jake hindi ba?” seryoso ang mukha ni Ellie na nakipagtitigan sa babae. Napahawak ang dalawa niyang kamay sa dulo ng front desk.  Pagkatapos ng ilang segundo, kumuha ang babae  ng kapirasong papel at ballpen, tapos ay nagsulat ng numero. Iniabot nito kay Ellie ang papel. “Thank you.” ani ni Ellie at akmang tatalikod na siya ng muling magsalita ang babae na nagpahinto sa paghakbang niya. “Masaya ako at natagpuan ka ni Jake. Nawalan man siya ng trabaho nakita ko sa kanya na masaya naman siya sa naging kapalit nun, ikaw.” Hindi  niya alam kung ano ang isasagot sa mga sinabi nito kaya isang tipid na ngiti lamang ang itinugon niya dito bago tuluyang nagpaalam. Kung sana hindi nalang sila nagkatagpo ni sir Jake. Edi sana totoong masaya pa rin ito ngayon. Bagsak ang mga balikat niya na napasandal sa dingding sa labas ng faculty. Tinitigan niya ang papel na naglalaman ng cp number ni Jake. Paano kita kakausapin kung alam ko na ako ang dahilan kung bakit nangyari sa iyo ito. Napabuntong hininga siyang muli at tumingala sa kisame. Gusto kita makita ulit. Pwede ba kita makita muli?    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD