Chapter 7

4997 Words
Naging tahimik ang lahat sa loob ng tatlong araw, kabaligtaran sa inaasahan ni Ellie na mangyari, Maliban kasi sa matalim at mapanghusgang mga tingin ay wala ng ibang nagtangkang lumapit kay Ellie para pagsalitaan siya ng hindi maganda. Maging ang grupo ni Jessica ay umiiwas na din sa kanya. Tinupad nga ni Jake ang pangako nito sa kanya na aayusin nito ang lahat.                 Katatapos lang ng dalawang klase nina Ellie ng umagang iyon at meron silang breaktime bago magsimula ang third subject nila.   “Nagugutom ako.” nakasibangot na ani ni Maris. “Punta kaya tayo doon sa bagong bukas na shawarma stall dyan sa tapat ng school? Tutal may fifteen minutes pa tayong break bago ang next subject natin.”   “Sige.” Sang-ayon ni Vanessa “Gusto ko din lumabas kasi may kailangan akong bilhin sa bookstore.”               Nagtungo nga ang magkakaibigan sa shawarma stall na malapit sa school nila, dahil maiksi lamang ang oras ng break nila kaya nagdesisyon si Vanessa na magtungo na sa bookstore habang naghihintay sina Ellie at Maris sa shawarma na order. Ngunit naubos na nina Ellie ang shawarmang kinakain nila ay hindi pa rin nakabalik si Vanessa,  kaya nagdesisyon sina Ellie at Maris na sundan na ito sa bookstore na pinuntahan nito.                 Hindi pa man sila nakakalayo sa stall na pinanggalingan nila ay nakita na nila si Vanessa na tumatakbo palapit sa kanila.                         “Whoa! Vane, hindi pa tayo late, hindi mo naman kailangan tumakbo ano ka ba?!” natatawang humawak sa balikat ni Vanessa si Maris.     “I know.” Sambit ni Vanessa sa pagitan ng hingal. “Ellie…Look at this!” may inabot itong papel kay Ellie.   Kinuha ni Ellie ang papel at agad binasa iyon, nakibasa din si Maris sa kanya.   “Guess who?” Binasa ni Maris ng malakas ang nakasulat sa papel. “Isang estudyante ng SBU major in fine arts na itago natin sa pangalang EV ang nakita sa isang night rendezvous kasama ang isang SBU professor. Pilit man itanggi ng dalawa ang estado ng kanilang relasyon ay napaghahalataan pa din. Sa kabila ng pagiging in a relationship ni E.V. sa isang varsity player ay meron din pala siyang sugar daddy professor. Sabagay, hindi naman kasi kaya ni varsity player na bigyan ng matataas na grades si EV hindi ba? Bukod pa sa malamang na malaking weekly allowance mula kay daddy professor. Pero alam kaya ng dalawa na pinagsasabay sila ni EV? Two timer, social climber EV, iba ka!”               “Oh my Gosh!” Napatakim sa bibig si Maris at napatingin ito kay Ellie na nakatitig pa rin sa papel.    Akala ko maayos na ang lahat. Ano na naman ito? nagpapanic ang isip ni Ellie.               “Nakita ko yan, posted all over the city. Tapos when I tried to remove all of the posters may nagsabi sa akin na useless yung ginagawa ko kasi kalat na din sa internet, so chineck ko. Nasa internet na nga! The worst part is may picture mo Ellie kasama si sir Jake. Sa isang coffee shop.” Ipinakita ni Vanessa kina Ellie at Vanessa ang cellphone nito kung saan makikita nga ang litrato nilang dalawa ni Jake na magkatabi sa lamesa.               “Pero may relasyon ba talaga kayo?” Tanong ni Maris na nakatingin kay Ellie.               “Wala!” Naguguluhang depensa ni Ellie.               “I’m sorry. Hindi mo maiiwasan sa akin na magduda, kelan pa kayo naging ganito kaclose ni sir Jake? Bakit may ganito?” tanong muli ni Maris.               “Three days ago. Kinausap niya lang ako para humingi ng tawad, sabi niya gagawan niya ng paraan na maalis yung chismis.” Ani ni Ellie sabay kagat ng kanyang labi.               “Kasalanan ko yata ito.” ani ni Vanessa. “Ako kasi ang nagsuggest kay sir Jake na mag-usap kayo sa malayo at baka nga mamis-interpret na naman kayo kapag may nakakita sa inyo, pero mas nakalala yung suhestiyon ko dahil ngayon, mas iniisip nila na may itinatago kayo kasi sa malayo pa kayo nag-usap. Sorry.”               “Sobrang layo na ng The Lost Coffee Shop, paanong may nakakita pa rin sa inyo doon.” Napapaisip na sambit ni Maris. “I’m sure kagagawan na naman ito nila Jessica. No wonder kaya pala sila tahimik ng ilang araw dahil may iba silang atakeng gagawin sa iyo.” Iiling iling na sambit ni Maris na tila ba nagbabanggaan ang mga ngipin nito sa galit.               “I don’t care about them o kung ano man ang iniisip nila. I don’t care!” Emotional na si Ellie. pagod na siya sa patuloy na paggawa ng kwento ng iba tungkol sa kanila ni Jake.               “It’s fine. Hindi naman kita yung buong mukha mo dito Ellie, pwede natin itanggi na ikaw yan.” Kumento ni Vanessa               “Yung chismis na ginagawa nila Jessica within the school, walang problema yun eh. Pero this? Buong town? Tapos may picture sa internet. Intensyon talaga nila na iparating ito sa school board.” nag-aalalang sambit ni Maris.               “You can get expelled kung hindi natin ito maitatama Ellie. And worst pati si sir Jake maapektuhan dito.” ani ni Vanessa.   Napatingin si Ellie kay Vanessa nang banggitin nito ang pangalan ni Jake.               “Anong mangyayari kay sir Jake?”             “Well.. probably baka matanggal din sya, I’m not sure Ellie, pero alam ko hindi magiging maganda resulta ng issue na ito para sa inyong dalawa.” paliwanag ni Vanessa.   “Jessica.” nanginginig sa galit na ginusot ni Ellie ang blind item poster na hawak niya. “Ano bang mali ang ginawa ko kay Jessica bakit siya galit na galit sa akin?” Kibit balikat lang ang naging tugon nina Maris at Vanessa sa tanong ni Ellie, dahil kahit sila hindi nila maintindihan ang inaasal ngayon ni Jessica.   “Kailangan ko siyang makausap. Kailang ko ng tapusin ang issue na ito bago pa nila tuluyang masira si sir Jake.” Mabibilis ang mga hakbang ni Ellie na bumalik sa SBU campus.   Nahanap ni Ellie si Jessica at ang grupo nito sa school canteen.   “Jessica!” sigaw na tawag ni Ellie sa pangalan nito. “Mag-usap nga tayo!” ani niya ng makalapit siya sa lamesa ng mga ito. "Inaano ba kita? bakit mo ginagawa sa akin ito?” inihagis ni Ellie kay Jessica ang crampled na papel na hawak nya.   Kunot noong dinapot iyon ni Jessica at binasa. “Wala akong alam dito Ellie.” Nakataas ang kilay na tanggi nito.   Tumayo mula sa pagkakaupo si Jessica at akmang aalis na ng pigilan ito ni Ellie sa braso.   “Panong hindi mo alam?!” madiin ang hawak ni Ellie sa braso ni Jessica.   “Ano ba sa mga sinabi ko ang hindi mo maintindihan? Wala nga akong alam diyan!” pinalis ni Jessica ang kamay ni Ellie na nakahawak sa braso niya.   “Imposible! Ikaw lang naman ang alam kong may galit sa akin para gawin ang ganito!” Nanginginig na rin sa galit ang boses ni Ellie.   “Sigurado ka bang ako lang ang may galit sa iyo?” Nakataas kilay na balik tanong sa kanya ni Jessica.    “Ano bang ginawa ko sayo para magalit ka sa akin ng ganito?”   Diretso siyang tiningnan ni Jessica, nanlilisik ang mga mata nito.   "You know what I hate about you? You made us all believe na mabait ka, innocent, mahinhin kuno pero nasa loob pala ang kulo."   "Alam mo na hindi ako ganyang uri ng tao."   "Oh I know what kind of person you are…. SL*T!"   "Jessica!" Sigaw ni Jake sa pangalan ni Jessica habang papalapit ito sa kanilang dalawa.   "Your knight in shining armor is already here, magsumbong ka na" Mapanuyang bulong ni Jessica. " I wonder kung anong klaseng gayuma ang pinainom mo sa kanya." dagdag nito.   "What's going on here?" Tanong ni Jake ng nakalapit ito sa kanila, sinulyapan lamang nito si Ellie, tumigil ang paningin nito kay Jessica.   Ngumiti si Jessica, nawala ang kanina lamang ay galit na expression nito. "We're just having fun sir. Diba Ellie?"  sabay siko nito kay Ellie.   Hindi kumibo si Ellie. Hindi niya kayang palisin ang galit na nararamdaman niya, hindi niya kaya ang poker face na ginagawa ngayon ni Jessica.   "Bumalik na kayo sa klase niyo. Please Ms. Jones. Stop this non sense already." Pagbibigay ng warning ni Jake na inirapan lamang ni Jessica tapos ay lumakad palayo.   Huminga ng malalim si Ellie para kalmahin ang sarili. Bigo siya sa naging pag-uusap nila ni Jessica, hindi niya pa rin kasi nalaman kung ano ba talaga ang ikinagagalit nito sa kanya.   Art’s Festival Day.   Taon taon ginaganap ang Sining City Music and Art’s Festival. May mascarade parade sa umaga, tapos may art showcase sa hapon, kung saan ididisplay ng mga estudyante from different schools ang mga artwork and art pieces nila. Pagdating sa gabi ay bubuksan ang mga theater arts para magpalabas ng libre, meron ding outdoor music festival kung saan featured ang iba’t ibang klase ng tugtog ng mga music artists. Marami ang dumadayo sa Sining City tuwing art’s festival, karamihan ay nanggaling pa sa iba’t ibang siyudad at ibang bansa upang makisaya sa taunang pagdiriwang na ito ng mga malilikhaing tao.               Ala-una hanggang alas kwatro ng hapon ang oras ng show case ng artwork ng klase nina Ellie.               “Sayang, itong gawa mo sana ang star ng art exhibit natin kung iprinesent mo lang yan last time.” Nanghihinayang na sambit ni Vanessa habang nakatingin sa nakaframe na painting ni Jake sa bedroom nila.                 “I agree. Ang ganda pala talaga ng gawa mong ito Ellie.” segunda ni Maris na nakatitig lang din sa artwork niya.               “I already explained to you girls diba kung bakit hindi ko yan prinesent.”               “Oo nga. Pero nakakapanghinayang pa rin kasi.” Nakangusong sambit ni Vanessa.               “Tara na? fifteen minutes to one o’clock na, hindi ba kayo malalate sa art’s exhibit?” tanong ni Ellie sa dalawang kaibigan pagkatapos niyang tingnan ang wristwatch niya.               “Sasama ka?” maang na tanong ni Maris.               “Of course!” nakangiting tugon ni Ellie. “Syempre suportahan ko kayo noh!”               Hindi kumibo ang dalawa niyang kaibigan, malungkot pa rin ang mga ito dahil hindi nakasama ang artwork niya sa art exhibit na iyon. Pinangarap nilang tatlo ito simula pa nung  first year sila. Third year at fourth year students lamang kasi ang may chance na makapagdisplay ng artwork nila sa art’s festival showcase. Maraming dala na malaking oportunidad ang Art’s festival showcase na iyon, kaya naman ganun na lamang ang panghihinayang ng dalawang kaibigan niya sa oportunidad na pinaglagpas ni Ellie.               “Don’t worry about me ano ba kayo! I’m fine. Choice ko naman ito at wala akong regrets. Hindi ba iyon naman ang mahalaga?” nakangiting tanong niya sa dalawa.               “Sabagay.” Ani ni Vanessa. “Kung masaya ka sa desisyon mo edi okay na din kami.”               “Tara na pala!” nakangiting yayaya niya sa dalawa.                                                                           ***   Ang art’s festival showcase ay ginanap sa yard ng pinakamalaking museum sa Sining City. Nagkalat sa paligid ang mga paintings, sculptures at photography arts ng mga aspiring artist at students gaya nina Vanessa at Maris. Malaking oportunidad ito para sa mga kagaya nila na baguhan sa industriya ng arts, Maliban kasi sa maari nilang ibenta ang mga gawa nila sa kung anong presyong nais nila, ay pipili din ang oraginizers ng event ng sampung pinaka outstanding na artwork galing sa mga baguhang artist, at isasama nila sa gaganaping auction sa hapong iyon, kung saan ibibida ang mga artworks ng batikang mga pintor.   Maswerteng napasama ang gawa ni Maris sa sampung ifefeature sa auction.   Masayang masaya sina Vanessa at Ellie para kay Maris.               “Wait lang mga bes ha!” paalam ni Maris sa kanilang dalawa ni Vanessa dahil kinailangan niyang pumunta sa meeting room ng museum para dalhin ang kanyang artwork na isasama sa auction.               “Goodluck!” habol na sambit ni Ellie.               “Ililibre ko kayo later kapag nabenta ko na ito” abot tengang sambit ni Maris bago tuluyang tumalikod sa dalawa.               “Ellie.” napalingon si Ellie sa tumawag ng pangalan niya.  “Pwede ba tayo mag-usap?” tanong ni Michael sa kanya. Nakaramdam na naman si Ellie ng tila ba may gumagapang na maliliit na insekto sa anit niya. Palaging ganun ang nararamdaman niya tuwing lalapitan at kakausapin siya ni Michael.               “Tungkol saan?” tanong niya dito.               “Pwede bang sa ibang lugar tayo mag-usap?” papayag sana si Ellie kung hindi niya sana narinig ang sumunod na sinabi nito. “Sa lugar kung saan tayong dalawa lang.”               “Tungkol ba kasi saan?” Wala sa loob na inabot niya ang kamay ni Vanessa na nasa tabi niya. Humawak siya sa kamay nito ng sobrang higpit.                 Nakatitig ng ilang segundo si Michael sa mukha niya. Mababanaag ang umuusbong na pagkairita sa mukha nito. “About you, cheating on me, with sir Jake.” Madiin ang salitang binitawan nito.                 Napakunot ang noo ni Ellie. “Cheating on you?” nagtaas siya ng isang kilay. “hindi naman tayo Michael.”               “Totoo bang may relasyon kayo ng Jake na iyon?” tumaas na ang boses ni Michael.               “Ano bang pakialam mo!” Tumaas na din ang boses ni Ellie. Tinalikuran niya si Michael para sana lumayo na doon ng marahas na hinila ni Michael ang braso niya.               “Ano bang nakita mo sa kanya na wala ako?!” sumigaw na si Michael dahilan para mapalingon ang ibang tao sa gawi nila.               “Alam mo kung ano?” Nakataas ang isang kilay ni Ellie. “Hindi siya self rigtheous gaya mo!” "Malalandi ka!" akmang sasampalin siya ni Michael ng biglang sumigaw si Ellie. “Sige sampalin mo ako! idedemanda kita! Marami akong witness oh!” napahinto si Michael sa mga sinabi niya, nanlilisik ang mga mata nito na lumingon sa mga taong nakamasid sa kanila. Kumalma ito ng bahagya.   “Nagustuhan mo ba ang regalo ko sa iyo?” nakangising sambit nito. “Yung blind item. Titiyakin ko na masisira ang career ng pinagmamalaki mong Jake.” Nanlaki ang mga mata ni Ellie sa narinig.     “Ikaw!” nanginginig ang mga daliri niya na tinuro si Michael sa mukha.  Ngiting aso ang itinugon nito sa kanya. “Anong ginawa ko sa iyo para ganintuhin mo ako? at mandamay ka ng inosenteng tao.”   “Ikaw lang naman ang gusto ko Ellie, kaya kong sirain ang kahit na sinong aagaw sa’yo. mula sa akin.”   Gumitna si Vanessa sa pagitan nina Michael at Ellie. “Hindi ka niya gusto Michael, at sa ginagawa mong ito hindi ka niya magugustuhan.”    Nagdilim ang paningin ni Michael at itinulak nito sa Vanessa, dahilan para matumba ito.   “Vanessa!” napasigaw si Ellie ng makita ang ginawa ni Michael sa kaibigan niya. yumukod siya para tulungan ito.   “Ayos lang ako Ellie.” sambit nito. Tinapunan ni Ellie ng matalim na tingin si Muchael.   “Kung hindi ka rin lang sa akin mapupunta Ellie, hindi ko papayagan na maging masaya ka sa iba.” Matabang na sambit nito sabay talikod kina Ellie.   Nanlilisik ang mga mata ni Ellie sa galit habang nakatitig sa likod ng papalayong si Michael. Dali dali siyang tumayo upang sugurin sana ito ng may biglang humarang sa harapan niya at itinulak siya, dahilan para paupo siyang natumba.   Nang mag-angat siya ng mukha ay tumambat sa kanya ang galit na mukha ni Jessica.   “Mahal ko siya Ellie. Pero pinaglaruan mo lamang siya.” Nakatiim bagang na sambit nito. Napakunot ang noo ni Ellie. Nagtatanong ang isip niya. Sinong mahal mo? si sir Jake?   “Nagpaubaya ako sa iyo, dahil ikaw ang mahal ni Michael. How dare you para lokohin siya?! Para saktan siya!” siagaw ni Jessica, dahilan para mapalingon muli sa gawi niya si Michael.    Tinulungan ni Vanessa si Ellie para tumayo. “Wala kaming relasyon ni Michael! Ilang beses ko bang kailangan sabihin sa inyo iyan!” sigaw ni Ellie. “Kung iyan ang dahilan kung bakit ka nagagalit sa akin, kahit na isaksak mo siya sa baga mo wala akong pakialam! Magsama kayong dalawa!”   “Bakit? Itatapon mo na siya dahil mas angat si sir Jake kesa sa kanya? sabagay may pangalan na si sir Jake kesa kay Michael, mas mapapakinabangan mo siya hindi ba? Social climber!" nakapameywang na sambit ni Jessica.    Ubos na ubos na ang pasensya ni Ellie, kaya sinugod na niya si Jessica at sinabunutan ito sa buhok  na gumanti rin ng sabunot sa kanya.   Maya maya pa si Jake at ibang professor patakbong lumapit sa kanila para awatin sila.   "STOP!" sayawa ni Jake sa kanila na pilit pa rin silang pinaglalayo sa tulong na din ng ilang professor na naroon.   “Ms. Jones ano na naman ito?” sabay buntong hininga ni Jake.   "Bakit ako?” kunot ang ilong na tanong ni Jessica. “Bakit hindi siya ang tanungin mo? Bakit siya langa ang palagi mong pinagtatanggol sir? Hindi mo ba nakikita inaakit ka lang niya para makuha niya ang gusto niya! Gagamitin ka lang niya at kapag wala na siyang masipsip sa iyo iiwan ka lang din niya gaya ng ginawa niya kay Michael!”   “Wala nga kaming relasyon ng Michael na iyan!” Sabat ni Ellie.   "Hindi ganyang uri ng tao si Ellie, alam mo yun. Pero bakit binubulag mo ang sarili mo Jessica? Don't  you think you are being unfair to her?" Malumanay na sambit ni Jake.     “Oh! Sorry, I forgot. Mas kilala mo nga pala siya. Sir!” may diin ang pagbanggit ni Jessica ng salitang sir.     “Kayong dalawa ni Ellie iyon hindi ba? Yung nakita ko sa fire exit nung gabi ng annual ball?” Sabat ni Michael. “Nakita ko kayo, Naghahalikan kayo.” Napatakip ang bibig ng ibang tao na nakarinig sa mga sinabi ni Michael, lahat ay nagulat sa rebelasyon nito, Maging si Vanessa ay napatingin kay Ellie.   “Mr. Insano!” tawag sa pansin ni Jake ng SBU president, kasama nito ang ibang head department professors na palapit sa kanila. “What’s the meaning of this?!”   Narinig ba nila ang sinabi ni Michael? Sisirain niya talaga ang reputasyon ni sir Jake! Anong gagawin ko? Nagpapanic na bulong ni Ellie sa sarili.    “Hindi ako pwede magkamali.” Pagpapatuloy ni Michael.   Manahimik ka na please! Michael! Nagsusumamo ang mga mata ni Ellie na nakatingin kay Michael.   “Kayong dalawa ang nakita kong naghahalikan. Ano bang relasyon mo kay Ellie sir Jake? Girlfriend mo na ba siya?"diretsahang tanong ni Michael.   Nakapalibot na rin sa kanila ang president ng SBU at mga kasama nito, ang matataas na personnel ng City Museum, pati na rin ang ibang guest na naroon.     It's a trap.   Puno ng pag-aalala na tiningnan ni Ellie si Jake. Nasa kanila ang atensyon ng lahat ng tao na naroon sa exhibit na iyon, naghihintay ang lahat sa isasagot ni Jake.   “Kapag itinanggi ni sir Jake na may relasyon kayo, malalagay sa hindi magandang desposisyon ang reputasyon mo. Pagpapatunay iyon na totoo ang ibinabanto sa iyo nila Jessica, na inaakit mo ang mga lalaki para makuha ang gusto mo, natatakot ako sa magiging tingin sayo ng lahat.” bulong ni Vanessa kay Ellie. “Pero kung sasabihin niya na may relasyon kayo, maliligtas ka Ellie, si sir Jake ang sasalo ng lahat ng damage na maaaring idulot ng kontrobersya na ito and worst baka pati ang career niya sa pagtuturo ay mawala, dahil violation sa work ethics ng isang guro ang makipagrelasyon sa estudyante niya.” Napatingin si Ellie kay Vanessa. “I honestly hope, Umamin siya.. to save you from shame Ellie.” dagdag ni Vanessa.   Hindi ko hahayaang mapahamak si sir Jake ng dahil lamang sa akin. Nag-aalalang tiningnan ni Ellie si Jake. Gaya niya nag-aabang din ang lahat sa isasagot nito. hindi ko hahayaang saluhin mo ang lahat ng problema sir Jake.   “Nagkakamali ka Michael” sabat ni Ellie. “Wala kaming relas-”   “Oo.” Putol ni Jake sa pagsasalita ni Ellie. “Girlfriend ko siya.” Biglang umugong ang bulungan ang mga tao sa paligid nila na nakarinig sa pag-amin ni Jake. Nagdilim ang mukha at napailing ang presidente ng SBU at mga head ng school.   Nagdilim din ang mukha ni Michael. Nanlilisik ang mga mata nitong nakatitig kay Jake.               “This is outrageous!” Bulyaw ni Mr. Calderon ang SBU president. “Mr. Insano! In my office now!” utos nito sabay talikod sa lahat at naglakad palayo.   Nilingon ni Jake si Ellie, nagtama ang mga mata nila.   “Why?” ang tanging nasambit ni Ellie. Malungkot na ngumiti si Jake sa kanya. “Don’t worry, ako na bahala. I’ll explain everything to you later.” Pagkatapos siyang tapikin ni Jake ng dalawang beses sa braso ay umalis na ito para tumungo sa school president’s office.     Why? You don’t need to sacrifice yourself for me. Isa pa ako ang humalik sa kanya nung annual ball, pero bakit ikaw ang kailangan sumalo ng lahat? Naluluha ang mga mata niya sa awa at guilt na nararamdaman niya para kay Jake. “He’s not serious, Is he?” Iiling iling at hindi makapaniwalang sambit ni Michael. “Ako ang dapat sasalo sa’yo Ellie, ako ang maglilinis ng pangalan mo. hindi sya.” ani ni Michael na kay Ellie pa rin nakatingin. “I didn’t expect that he would chose you over his career!”   Nanlaki ang mga mata ni Jessica sa narinig. “What do you mean? Plinano mo ito Michael? Para lang mabawi mo si Ellie? gumawa ka ng ganito kalaking gulo para lang sa kanya?” Hindi makapaniwalang turo nito kay Ellie. “Akala ko ba gusto mo lang gumanti, in the end pala siya pa rin ang gusto mo. paano naman ako? ako ang totoong nagmamahal sa iyo.”   “Not now Jessica.” Tinabig ni Michael si Jessica sa braso nito at humarap siya kay Ellie. “Ellie..” umiwas si Ellie sa tangang paghawak ni Michael sa kamay niya.   “Grabe, professor siya pumatol siya sa estudyante niya.” Iiling iling na sambit ng isa sa grupo na nakamasid sa kanila.    Dinig na dinig ni Ellie ang bulungan ng mga ito.   “Dapat matanggal siya, ano nalang sasabihin ng parents ng mga estudyante ng SBU.” ani ng kabilang grupo.   “Mapagsamatala, Akala ko pa naman din mabait siyang tao, yun pala ay puno siya ng kalaswaan.” Iling iling na sambit ng isa pa.   “Inosenteng estudyante pa talaga ang biniktima niya, dapat sa kanya makulong!” dagdag ng kabilang grupo na sinang-ayunan ng lahat ng tao na naroon.   Napayuko si Ellie, nasasaktan siyang sa hindi magandang salita na ibinabato kay Jake ng mga taong naroon. Hindi nila alam ang totoo. Sinasabi lamang nila iyon base sa kung ano ang narinig nila ngayon araw. Pero hindi ganun si sir Jake. Malaki ang naitulong niya sa akin kaya hindi niya deserved ang ganito. Ako ang may kasalanan ng lahat. Kung sana hindi mo na lang sana ako nakilala. Sir Jake.   Nag-angat si Ellie ng mukha at matalim ang mga mata niya na nagpapalit palit ng tingin kay Jessica at Michael. “Masaya na kayo?!” Mariin ang katagang sinambit niya. “Nakuha niyo na ang gusto niyo! I can’t believed na magagawa niyo ang manira ng ibang tao para lamang sa sarili niyong kagustuhan!” Tumingin siya kay Michael. “Wala tayong relasyon! Kaya wala kang karapatan sa akin. Huwag na huwag na kayong lalapit sa akin ulit!” tuluyan ng tumulo ang mga luha niya sa galit, kaya pagkasabi noon ay tumakbo na siya palayo sa dalawa. Hinabol naman siya ni Vanessa.     Puno ng pag aalala na nakatingin si Vanessa kay Ellie na nakatulala pa rin sa bintana ng kwarto nila.  Tiningnan niya ang wristwatch niya, pasado alas onse na ng gabi.   Dito sa kwarto nila tumakbo si Ellie pagkagaling nito sa art exhibit, dire-diretso ito na naupo sa tapat ng painting portrait ni Jake at panay ang iyak, nung una akala ni Vanessa ay hindi na ito titigil sa kakaiyak, pero tumahan din ito pagkatapos ng halos dalawang oras na pagluha. Nang dumating si Maris ay sinubukan nila itong kumbinsihin na mahiga sa kama nito para sana makapagpahinga, ngunit hindi talaga natinag si Ellie, nanatili siya na nakatitig sa painting na iyon.             “Ellie?” tawag ni Vanessa sa kaibigan.             Hindi siya tinugon ni Ellie. kaya  tumayo si Vanessa mula sa pagkakaupo sa kama niya para lumapit dito.               “I don’t think na pupuntahan ka pa ni sir Jake ng ganitong oras. Matulog na tayo please.” pagsusumamo ni Vanessa sa kanya. “Kaya nga Ellie. masyado ng malalim ang gabi, bukas ka na siguro kakausapin nun.” Nag-aalala ding sambit ni Maris. “Wala pa ba kayong balita sa kung ano ang nangyari sa kanya? matatanggal ba talaga siya?” dalawang iling ang isinagot ng mga kaibigan niya sa kanya.             “Sabi niya kasi sa akin kakausapin niya ako ngayon, kaya alam ko na pupunta siya.”             Napabuntong hininga nalang sina Vanessa at Maris. Kilalang kilala na nila si Ellie, alam nila kung gaano katigas ang ulo nito, Kapag sinabi nito na maghihintay ito kay Jake, ay maghihintay talaga ito, hindi ito makikinig sa kanila kahit ano pa ang sabihin nila dito.               “Matulog na kayo. Okay lang ako dito. Matutulog din ako maya maya.” Tipid na ngiting sambit ni Ellie.             “Oo nga Maris, bumalik ka na sa kwarto mo.” pagtataboy ni Vanessa. “Ako ng bahala kay Ellie.”             “Sige pala. Basta tawagan niyo ako kaagad kapag may kailangan kayo ha.” bilin ni Maris na tinungo na ang pinto ng kwarto nila. “Goodnight mga bes.” Pagkasabi noon ay tuluyan na itong lumabas ng kwarto nila.               Napabuntong hininga muli si Vanessa na sumulyap kay Ellie. “Mauuna na akong matulog sa iyo, pero wag ka sana magpupuyat masyado kakahintay kay sir Jake ha.” Bilin nito bago tuluyang nahiga sa kama nito.     Kinaumagahan ng magising si Vanessa nakita niya si Ellie na nakatulog sa sahig, magdamag talaga itong nakatitig sa painting ni Jake. Kinuha niya ang kumot ni Ellie at ipnatong sa balikat ng kaibigan, wala sa loob na napasulyap din siya sa painting ni Jake. Hindi ko alam kung swerte ba o malas ang dala mo sa kaibigan namin sir Jake.  Dahan dahan siyang nagpunta sa banyo nila para maghilamos, maingat siya sa bawat galaw niya dahil ayaw niya magising si Ellie. Pagkalabas ni Vanessa ng banyo, napansin niya na naabot na si Ellie ng sinag ng araw na nagmumula sa bintana nila kaya lumapit siya doon para sana itakip ang kurtina, hindi sinasadyang napadungaw siya sa labas ng bintana. Nabigla siya ng nasulyapan niya na naghihintay si Jake sa labas, Pinagtitinginan ito ng mga estudyante na dumaraan.             Dali dali niyang ginising si Ellie. “Ellie.. wake up!” marahan niyang niyugyog ang braso ng kaibigan niya.  “Si sir Jake nasa baba.”             Pagkarinig ni Ellie sa pangalan ni Jake ay agad din itong nagmulat ng mga mata. “Ha?”             Dali dali itong tumayo at dumungaw sa bintana, mula doon nakita niya agad si Jake. Binuksan niya ang bintana nila, na nagpaangat sa mukha ni Jake sa gawi niya, nagtama ang kanilang mga mata, ngumiti ito at kumaway sa kanya, Itinaas nito ang dalawang coffee cup na hawak, “Coffee?” he mouthed the word without uttering a sound.  Tumango si Ellie bilang pagpayag at sumenyas siya dito na bigyan siya ng five minutes para mag-ayos ng sarili.             Pagkasara niya ng bintana ay dali dali siyang nagpunta sa banyo. “Anong sabi niya?” habol na tanong ni Vanessa sa kanya.             “Inaalok niya ako ng coffee na dala niya.” Tugon ni Ellie habang naghihilamos siya.               “Ah, sige pala hintayin ka nalang namin ni Maris para magbreakfast.” “Hindi na.” iling ni Ellie. “Mauna na kayo.” “Sige pala.” Ani ni Vanessa.   Pagkatapos mag-ayos ng sarili ay dali daling pinuntahan ni Ellie si Jake na naghihintay pa rin sa kanya sa labas ng dorm nila.             “Good morning sir.” bati niya dito.             “Good morning.” Nakangiting iniabot ni Jake ang isang coffee cup kay Ellie. Naiilang na tinanggap niya iyon, aware kasi siya sa mga mata ng estudyante na na nakatingin sa kanila.             Humigop si Ellie sa coffee cup na binigay ni  Jake, nasamid pa siya dahil malamig na iyon, nahalata naman ni Jake ang naging reaksyon niya.             “Sorry, lumamig na yata yung kape, bibili sana ako ulit ng bago sa coffee shop kaso ayaw ko naman na magkasalisi tayo, mamaya paglabas mo wala pa ako.” Paghingi ng paumanhin nito.              “Okay lang po, Mas gusto ko po itong iced coffee, libre niyo na nga ito tapos pinaghintay pa yata kita ng matagal.”             “Saan mo gusto magbreakfast?”             “Po?  B-baka po pag-usapan na naman tayo.” May pagkabahalang sambit ni Ellie, sabay nguso sa mga dumaraan na estudyante na sa kanilang dalawa pa rin nakatingin.             Lalong lumapad ang pagkakangiti ni Jake, inilapit nito ang labi sa tenga niya at bumulong. “Sa pagkakaalam naman nila, girlfriend kita hindi ba?” hindi kaagad na kapagreact si Ellie, tila ba naging estatwa siya ng mga sandaling iyon. Ang tanging naramdaman niya lamang ay ang kuryenteng dumaloy sa buong katawan niya ng tumama ang hininga ni Jake sa tenga niya.   Nang tingnan niya ang nakangiting mukha nito, nakaramdam siya ng mga paro-paru na umiikot sa tyan niya.      Hala! I’m in trouble! Sigaw ng isip niya.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD