bc

The Underworld with Mysterious Lass

book_age16+
171
FOLLOW
1K
READ
billionaire
fated
badboy
independent
brave
mafia
twisted
bxg
female lead
realistic earth
like
intro-logo
Blurb

Para kay Mianrel Ferrer o Rel ay isa lamang siyang simpleng mamamayan ng Pilipinas. Isang siyang skilled safecracker, pamilya at kaibigan lamang niya ang nakakaalam. Mabilis niyang natatakasan ang mga pulis dahil sa tulong ng kaibigan at kapatid.

For her, she steals for good ethical reason; stealing something from a thief and redistribute their wealth. Kapag nahuli, malas lang. Kapag hindi, marahil deserved niya ang ninakaw.

Dahil sa isang pink diamond na nakuha, may dalawang malaking grupo pa pala na interisado rito: ang Blackhound at ang El Compañero.

She's been caught by the Blackhound who's been rooting on her since she was young. To save her friend and brother, kailangan niyang makuha ang bagay na ipinapakuha sa kanya na nasa mansiyon.

Without her knowing, ang may ari ng bahay ay isa pang grupo na interisado rin sa diyamanteng ninakaw niya, ang El Compañero. As she stepped into the said house. Will she able to escape from a man named Iryll Alcazar? Who's reputed to be the boss of all bosses in an organized underworld in Spain.

But, it was all planned by the Blackhound, for them to meet, know each other, then, kill one another

chap-preview
Free preview
Prologue
"Kill her." Nanlaki ang mga mata ng batang lalaki sa narinig. Nanlambot ang kanyang laman nang nakita ang dilat na mga mata ng naghihingalong ama— nakahandusay ito sa sahig habang naliligo sa sariling dugo. "Or else, I will kill your child," bulong ng lalaki sa isang babaeng may hawak na kutsilyo. Mahigpit niyang niyakap ang kapatid habang tinatakpan ng mga kamay niya ang bibig at mga mata nito. Nagtagis ang kanyang mga bagang habang itinitikom ang bibig nang itinuon ng babae ang hawak na kutsilyo sa leeg ng ina. Mariin niya ring ipinikit ang mga mata dahil ayaw niyang makita ang gagawing pagpatay sa ina. "Iryll, bro," tawag sa kanya ng kaibigang si Michael. Nagising siyang pinagpapawisan ang katawan sa kabila ng malamig na aircon sa loob ng kotse. Napahilamos siya ng mukha nang naramdaman niya ang basang pisngi— hindi niya napigilan ang sariling lumuha nang naalala ang karumaldumal na sinapit ng kanyang magulang. "Malapit na tayo sa mansyon," sabi ni Michael at tinapik sa balikat sa Iryll. Hindi na ito nag-abalang tanungin ang kaibigan, dahil alam na nito ang dahilan sa tuwing magigising ang lalaki at bigla na lamang mapaluha. Tinitigan namang mabuti ni Iryll ang sketch ng isang batang babae na siya mismo ang gumuhit at ginawang screen saver sa kanyang cellphone— isang inspirasyon at motivation para mabuhay. "Siguradong lumaki na ang batang 'to na kasing halang ng magulang ang kanyang bituka... I will slit her throat... in front of them. And make them suffer like hell." "Oras na magkrus ulit ang landas natin. Sisiguraduhin kong mananagot ka na sa batas. Let's break up, Mian,"  boses na paulit-ulit na namumutawi sa isipan ni Mianrel. "Babalik ako... at sa'yo mismo ako susuko," sambit niya at diretsong nilagok ang natitirang alak sa baso. Nagmamadali namang pumasok ng mansyon si Iryll nang nalaman ang ginagawa ni Rel habang wala siya. "Buenas tardes, Señor," salubong ng mga nakahilerang katulong at yumuko. Tila walang narinig si Iryll. Nagsalubong ang kanyang mga kilay habang umaakyat sa kurbadang hagdan ng mansyon papunta sa ikalawang palapag kung saan ang kuwarto ni Rel. Naningkit ang kanyang mga mata nang bumungad sa kanya ang mga basag at nagkalat na mga gamit sa loob ng kwarto. Habang ang dalaga naman ay nakaupo sa tapat ng mesa na nasa labas ng beranda— umiiyak habang umiinom ng alak. "What are you doing!" dumadagundong na sigaw ni Iryll. Sumilay ang ngiti sa mga labi ni Rel nang narinig ang nangagalaiting boses ng lalaki sa kanyang likuran. Pinalis niya ang luha sa mga mata. "Nagpapakasaya. Why?" At nakangising nilingon ang binata. Lalong uminit ang ulo ni Iryll. "Nagpapakasaya o nagwawala?" At humakbang palapit sa dalaga. Namuo ang tensyon sa pagitan ng dalawa nang nagpang-abot ang kanilang mga mata— na siya namang ikinatuwa ni Rel, ang makita ang galit na ekspresyon sa mukha ni Iryll. "Nagpapakasaya, marami kang pera 'di ba? Kaya mong palitan lahat ng nabasag ko. Pwede ring. . . ahm. . . kung gusto mong magbayad ako, e di pakawalan mo 'ko," pahayag niya na may seryosong mukha at muling nagsalin ng alak sa baso. Nanlaki ang mg mata niya nang hinigit ni Iryll ang baso sa kanyang kamay at ibinato sa sahig, maging ang bote ng alak ay hindi pinalagpas ng lalaki. Marahas na hinawakan ni Iryll si Rel sa magkabilaang balikat at sapilitang pinatayo mula sa pagkakaupo. "Forget him, Mianrel. Gusto mong magbasag para sa ikasasaya mo— walang problema. I'll give you more," tiim bagang na sambit niya habang nakatitig sa mga mata ng dalaga. Gumapang ang init sa mukha ni Rel. Nagbabaga ang kanyang mga mata habang naluluhang nakatitig sa mga mata ng binata. Niluwagan ni Iryll ang paghawak sa balikat ni Rel. Bagsak ang kanyang mga matang nakipagtitigan sa dalaga. Naramdaman niyang tila may tinik na nakabara sa kanyang lalamunan nang napansin ang nakakapasong titig ni Rel sa kanya. Maging ang repleksyon niya ay kitang-kita sa namamasang mga mata ng dalaga. Ibinaba niya ang paningin at itinuon sa mapupulang labi nito. "I cannot give you the world you want, Mianrel. But I can give you my world," sambit niya na may buo at kalmadong himig 'tsaka sinunggaban ng masuyong halik ang malambot na labi ni Rel. Malakas namang naitulak ni Rel si Iryll, at isang malutong na sampal ang iginawad niya sa lalaki. "Nagpapatawa ka ba?" Pait siyang natawa habang mariing pinupunasan ang labi. "Wala akong sinasabing ibigay mo ang gusto ko. Lalong hindi ko kailangan ang mundo mo, Iryll. Magulo na ang mundo ko, idadagdag mo pa ang sa iyo," sambit niya na isang sampal na katotohan sa binata. Naiwang laglag panga si Iryll habang hinahawakan ang namumulang pisngi. Sinundan niya lamang ng tingin si Rel na lumabas ng kuwarto. Dali-daling lumabas ng bahay si Rel. Pinaandar niya ang pulang Kawasaki Ninja na motorbike at inayos ang earpiece sa magkabilaang tainga. Habang nagmamaneho, ay naisip niya si Iryll— para humingi ng tulong dito kaya nag-iba siya ng daang tinahak. Ilang sandali ay nakatanggap siya ng tawag. "Are you lost, young lady? Someone can take you here in an instant," baritonong boses ng lalaking may edad sa kabilang linya. Sinulyapan ni Rel ang side mirror ng minamanehong sports bike. Napansin niya ang dalawang itim na motorbike at kotse na nakabuntot sa kanya. "Demonyo ka, Smart!" At lalong pinaharurot ang motor. "Well, see you in hell," sagot nito at humalakhak. "Bago mangyari 'yan. I want him back," giit niya sa kausap. "Who? My son?" "He's my brother, not your son!" "Okay, give me what I need and you can take him back if you can. Plus one... your lover, I mean your ex-lover." "Animal ka talaga, Smart!" Lalong bumulanghit ng tawa ang lalaki sa kabilang linya. "Calm down, young lady. I have one big surprise for you. So drive safely, hija." Pumalatak ito. "Dahil baka mauna ka sa impyerno. Gusto mo bang isunod ko na lang ang mga mahal mo sa buhay?" At ngumisi na parang demonyo bago pinutol ang kanilang usapan. "Smart!" Umalingawngaw ang kanyang boses sa buong paligid. Sunod-sunod na yabag ng sapatos kasabay ng tatlong palakpak mula sa itaas ang kanyang narinig. "Welcome to Blackhound, young lady," bati ni Smart kasabay ng pagbukas ng ilaw sa buong gusali. Naikuyom ni Rel ang palad. "Dala ko na ang gusto mo, Smart. Kaliwaan?" Humalakhak ito. "Masyado kang nagmamadali, hija. Let's play for a while." At itinuon ang mga mata sa bukana ng bodega. "Oh, they're here. Mukhang pinapadali ng tadhana ang buhay ninyong tatlo." Ibinaling ni Rel ang paningin sa direksyon ng tinatanaw ni Smart. Nanlaki ang kanyang mga mata nang nakita si Iryll na pumasok sa loob. Unti-unti namang nagsara ang malawak na entrance ng bodega. "Bakit ka nandito?" "What are you doing here?" Sabay nilang tanong sa isa't isa. Muling pumalakpak ng tatlong beses si Smart—at isa sa mga tauhan nito ang lumabas kasama si Ken na magkadikit na nakagapos ang mga kamay. "K-Ken," usal ni Rel at mabilis itong nilapitan. Napansin niyang maraming galos at pasa sa mukha si Ken Hechanova. Nanginginig ang kanyang mga kamay at umigting ang kanyang panga. Ramdam niyang umiinit ang kanyang katawan habang nakatingala at mataman na tinitigan si Smart. "I'm glad to see you all here... sa magiging libingan niyo," pahayag nito at ipinakita sa pamamagitan ng malaking screen ang isang video. Nagbabaga habang lumuluha ang mga mata nina Iryll, Ken at Rel na nakatitig sa bawat isa. Nilamon ng galit at hinagpis ang kanilang puso matapos masaksihan ang nilalaman ng video. May lumabas naman na isang babae na lalong na ikinagulat nina Iryll at Rel. "You will die together... with my clean hands?" usal ni Smart at natatawang pinagmasdan ang apat, na tila hindi alam ang gagawin sa isa't isa. "Let's end this," sambit ni Rel. "Yes, let's all end this," sagot ni Iryll.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Sex Web

read
134.4K
bc

My Innocent Boyfriend(TAGALOG SPG18+)

read
383.0K
bc

THE RING_MAFIA LORD_SERIES 7

read
273.1K
bc

Falling for the Billionaire's Son: Dominic Ace Delavega

read
292.5K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
246.4K
bc

CLOSER

read
141.6K
bc

My Godfather My husband

read
269.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook