"Palagi ko yatang nakikita na magkasama kayo ni Shawn? Kayo na ba?" Rinig kong boses ni Sir Marco. Naglalaba ako ng uniform ko sa backyard. Mas gusto ko kasi rito kesa sa laundry room dahil mas maaliwalas at mas mahangin rito. "Ano po bang pinagsasabi mo, Sir Marco." Kunwari ay natatawang saad ko. Hindi ko rin naman pwedeng sabihin sa kanya na kami na ni Sir Shawn dahil sikreto nga lang ang relasyon namin, diba? "Wala lang. Napansin ko lang. Tapos minsan ay gabi na kayo umuuwi. Saan kayo nagpupuntang dalawa?" Ang dami naman niyang tanong. Bakit kaya interesado siya sa ginagawa at pinupuntahan namin ni Sir Shawn? "Kasama niya po ako palagi dahil ako po ang personal alalay niya. Puro trabaho lang po ang pinupuntahan namin. Kahapon naman po ay binisita niya ang rancho nila." "Ahh..

