"Shawn! May kumakatok sa bintana ng kotse!" Gulat na sambit ko sabay tulak sa kanya paalis sa ibabaw ko. Ghad! Ayan na naman siya! Masyado siyang nagmamadali! Inayos ko agad ang akong sarili. Sleeveless na lang ang natira sa akin dahil nahubad na niya ang jacket ko. Ilang sandali pa ay nakabalik na siya sa kanyang inuupuan. Binuksan niya ang bintana ng sasakyan at dumungaw doon ang lalaking nasa edad singkwenta na siguro. "Mang Simon," ani Sir Shawn. "Aba. Ay kayo pala iyak, Senyorito. Akala ko ay kung kaninong kotse ang nakaparada rito." "Medyo huminto lang po ang pag-andar ng makina pero naayos ko na po." Magalang na pagsisinungaling niya. Lihim akong natawa rito sa pagkakaupo ko at para hindi niya makita ay tumingin na lang ako sa labas sa may gilid ng sugar cane. "Ganun b

