"Yan ang susuotin mo?" Tanong niya sa akin habang nakakunot ang noo. Bigla ay napatingin naman ako sa aking sarili. "B-bakit? Pangit ba?" "Hindi naman. Pero ayoko niyan. Magpantalon ka. May dadaanan tayong damuhan, baka magasgasan ang legs mo at yun ang pinaka-ayaw kong mangyari." Napasimangot naman ako. Ang OA niya, ha? Gasgas agad? Ang init-init tapos pinagpapantalon niya ako? "Go. Change your clothes. Mag-jacket ka na rin. Ayokong mangitim ang balat mo," ulit pa niya ng hindi ako kumikilos. Bigla ay naging over protective naman siya. Everyday ay tila ba nagbabago siya. "Oo na! Oo na! Ito na nga, oh. Magpapalit na po." Umalis na ako sa harapan niya at bumalik ako sa aking silid. Binuksan ko ang cabinet at naghanap ako ng pantalon. "Oo nga pala. Wala akong pantalon." Naisati

