Habang nag-p-prepare ako ng pagkain ni Sir Shawn ay hinahanap ng mga mata ko si Aling Sonia. Hindi kasi kami nagkausap ng maayos nung nakaraan dahil dumating na si Sir Shawn. Alam kong may nais siyang sabihin at yun sana ang gusto kong alamin. Gabi na kaya ang naisipan ko na lang i-prepare ay tuna sandwich. Gigising na lang ako ng mas maaba bukas para maipagluto ko siya ng almusal. Pero patapos na ang ginagawa ko ay hindi ko pa rin nakikita si Aling Sonia. Nakakapagtaka ng dahil minsan, siya pa mismo ang lumalapit sa akin. Nang matapos ko ng gawin ang tuna sandwich ay nag-prepare ako juice at water, pagkatapos ay dinala ko na ito paakyat sa kwarto ni Sir Shawn. Ganun pa rin ang nadatnan ko. Bahagya pa rin na nakabukas ang kanyang pintuan. Lagi yatang ganito ang ginagawa niya kapag al

