Pagkatapos naming makakain ay magkatabi kaming nakaupo habang nakaharap sa napakagandang tanawin. Ramdam ko ang pagpulupot ng kamay ni Sir Shawn sa bewang ko ngunit hinayaan ko lang siya sa gusto niyang gawin. "When I was a kid, lagi rin akong nagpupunta sa lugar na ito. But my mom decided na ipadala ako sa abroad kasama ni Daddy at halos doon na ako nanirahan sa loob ng mahabang panahon. Buong akala ko ay hindi na ako babalik ng Pilipinas. Akala ko ay ibebenta na ni mommy ang lugar na ito at susunod na siya sa amin sa states, pero hindi niya ginagawa dahil naaawa daw siya sa kanyang mga trabahador." kwento pa niya at inihilig pa ang ulo sa balikat ko. "Napakabait talaga ni Senyora Ursula, nuh? Matagal na rin kasing trabahador niya si inay at gusto niya ay palaging si inay ang maglulut

