"Hay, naku, Ella. Sa tuwing makikita na lang kita ay palagi kang tulala. May problema ka ba?" Si Vicky na bigla na namang sumulpot sa kung saan. "Wala naman. May mga iniisip lang talaga ako pero okay lang naman ako, Vicky..." "Sigurado ka ba? You know? Pwede mo akong pagsabihan. And your secret is safe with me," aniya sabay-taas baba ng kilay. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanya pero may mga bagay kasi na mas mabuting sarilinin na lamang. "Wala talaga, Vicky. Alam mo naman na ganito lang ako palagi kaya huwag mo na akong isipin. Nagugutom ka ba? Tara! Kain tayo. Libre ko." Alok ko sa kanya at ng tumigil na siya sa pagtatanong sa akin. "Talaga? Libre mo? Asensado ka na talaga ngayon, ah." "Sira! Bagong sahod lang ako kaya maiilibre kita ngayon, pero bukas ikaw naman ang tay

