Hindi ko na pinatulong si Aling Chedeng. Ang sabi ko ay magpahinga na lang siya para naman may lakas ulit siya bukas sa panibagong umaga niya. Dala-dala ko nga ang lasagna na niluto ko at nagdala na lang din ako ng dalawang platito saka tinidor para sa aming dalawa. Sa theater room ang sabi niya pero sa room muna niya ako didiretso. Ibibigay ko muna ito sa kanya para siya na ang magdala doon dahil balak ko rin munang maligo para maalis ang amoy ng niluto ko sa damit ko. "Shawn?" Tawag ko ng makarating ako sa tapat ng pintuan niya. I'm not sure kung narito siya o wala basta ang sabi niya ay magbibihis daw muna siya bago kami dumiretso doon. Bumukas nga ang pintuan. Nabungaran ko siya na nagpupunas pa ng basang buhok gamit ang tuwalyang kulay puti. "Pasok ka." Aniya. "Mamaya na. M

