"Bakit dito mo ako dinala?" Tanong ko agad pagkababa ko ng sasakyan niya. "Mas magandang maglakad-lakad dito at mas malilibang ka pa," aniya. Dinala niya kasi ako dito sa Manila Zoo. Kung sabagay, first time ko rin talaga makapunta dito kaya nakaramdam din ako ng excitement. Sa unahan pa lang bago ka pumasok ay makikita na agad ang malaking estatwa ng elepante. Para nga itong tunay na elapante dahil sa galing ng pagkakagawa at pagkakapinta rito. Dumiretso kami sa entrance at nagbayad kami ng entrance fee. High tech na nga dahil thru machine na ang pagbabayad. Pagkabayad namin ay sabay kaming pumasok sa loob habang nakahawak ako sa braso niya. Hanggang 8:00 PM lang ito ng gabi kaya naman may ilang oras pa kami para makita ang iba't ibang animals na naririto. Unang makikita ay ang

